TRIGINTA

713 80 3
                                    

"Tumakbo ka na! Kami nang bahala dito!"

Narinig ni Medusa ang boses ni Markus, pero nahihirapan pa rin siyang intindihin  ito. She can hear the words, but her mind refuses to let anything else sink in. Ang namamayani na lang sa kanyang katawan ay ang kagustuhang pumatay---ang kagustuhang patayin ang personal assistant niyang si Rein Aristello.

'Damn it.. h-hindi ko na makontrol ang sarili ko!'

She hated this.

Medusa had always hated not being in control. She hated feeling weak. Huli niya itong naramdaman noong mga panahong naglilingkod pa siya sa templo ng bruhang si Athena. Kahit na gaano kaganda si Medusa, the goddess of wisdom would always keep her in check. Paulit-ulit na ipinapaalala sa kanya ni Athena na sa loob ng templo, siya ang masusunod.

"If you want to be a priestess in my temple, you need to follow my rules. Hindi mo pwedeng pairalin ang yabang mo dito, Medusa."

That's why Medusa doesn't like her.

Killjoy palagi sa mga gustong gawin ni Medusa sa buhay. Unlike the other goddesses, Athena was simply too prideful and manipulative. Kung sabagay, ano pa nga bang aasahan niya sa diyosa ng kaalaman, literatura, at sining? Sa lahat ng mga diyosa, siya ang paboritong anak ni Zeus. That's why goody-two-shoes Athena doesn't tolerate mistakes.

'She's still a bitch.'

Pagak na natawa si Medusa kahit pa nararamdaman na niya ang pagpulupot ng kadena sa kanyang katawan. The cold metal chains Markus used on her squeezed her body until the Gorgon gritted her teeth in pain. Napaluhod si Medusa habang unti-unting nabibingi sa ingay na nililikha ng mga ahas niya sa ulo.

Caprissa and Markus restrained her. Nahihirapang pa ring huminga si Medusa habang pinipilit niyang kontrolin ang mga emosyon niya. Hindi na niya alam kung paano niya malalabanan ang halimaw na nagpupumiglas kanyang puso. It was stupid. How can she kill the darkness in her heart if nobody gave her a speck of light to fight it with?

Natatakot na rin siya sa kanyang sarili.

The monster within her wanted to just murder everyone, but Caprissa's voice stopped her.

"Lady Medusa, papatunayan mo bang totoo ang sinabi ni Kuya Rein? Are you going to be a monster?"

Bahagyang kumalma si Medusa.

'Am I really a monster?'

Most people believe it.. so it must be true.

Pero nang magtama naman ang mga mata nila ni Markus, the lazy emo just smiled sadly. "Lahat naman tayo, mga halimaw, Lady Medusa.. nasa atin na lang yun kung magpapakontrol ba tayo sa mga halimaw na nasa puso natin. You can spend the rest of your life hurting because they call you a monster, but always remember that it will not make you less of a person. Sa huli, ikaw mismo ang nakakakilala kung sino at ano ka talaga.. kampihan mo ang sarili mo. Kung alam mong hindi ka halimaw, patunayan mong mali sila. Wag mo hahayaang pati ang sarili mo, traydorin mo."

Hindi na namalayan ni Medusa kung kailan bumalik sa normal ang kulay ng balat niya. Hindi na niya alam kung paano bumalik sa dati ang kanyang kulay tsokolateng mga mata at kung paano kumalma ang makamandag na mga ahas sa kanyang ulo. Higit sa lahat, hindi na niya alam kung kailan dumausdos ang luha mula sa mga mata niya.

Dahil sa mangilan-ngilang pagkakataon magmula nang isinumpa siya ni Athena ilang daan taon na ang nakakaraan, Medusa wanted to think that she's still a human, because monsters don't bleed.

*

Nang kumalma na si Medusa, buong magdamag siyang nagkulong sa kanyang silid. Barney was sleeping soundly under her bed as she refused to eat or drink the food Markus was offering her.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now