UNDETRIGINTA

704 73 2
                                    

Linae.

Mahigit kalahating oras na siguro akong nakatulala.

Paulit-ulit kong binasa ang pangalan. Baka kasi mamaya namamalikmata lang pala ako dahil sa kamuntikang pagpatay sa'kin ng boss ko. But after a few minutes of just staring at the headstone, the letters still spelled the same name.

Pero paano nangyari 'to?

Bakit may kapangalan ang dating disipolo ni Athena dito sa Eastwood Cemetery?

'O baka naman siya talaga 'yan.. ang Linae na matagal nang hinahanap ni Medusa.' Muling bulong ng lohikal na boses sa utak ko. Sa sitwasyong 'to, parang ayoko na muna siyang pakinggan.

Dahil ang hirap paniwalaang ang babaeng makakapag-alis sana sa "cat curse" ni Medusa ay nakahimlay na pala sa ilalim ng lupa. Napalunok ako at pasimpleng kinurot ang sarili ko—just in case this is all just some crazy dream.

But it isn't.

"Mukhang natagpuan mo na ang babaeng matagal nang hinahanap ng amo mo, Rein Aristello."

Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. My eyes instantly narrowed when I saw him. Agad kong hinanda ang sarili ko kung sakaling atakihin ako ng kanyang mga tauhan, dahil ang nilalang na nakatayo ilang metro mula sa kinatatayuan ko ay walang iba kundi ang diyos ng digmaan.

Ares' eyes stared at me, as if daring I'd do something reckless in his presence. Pero kung inaakala niyang mai-intimidate ako sa peklat niya sa mukha at sa baluti niyang pang-kabalyero, nagkakamali siya. Then again, his sudden appearance isn't what caught me off guard.

The girl standing beside him did.

"Caprissa?"

Bakit magkasama sila ni Ares?

Bahagya akong napaatras hanggang sa halos katabi ko na ang puntod ni Linae. Nakalimutan ko na ang sakit ng braso at leeg ko. Adrenaline pumped through my veins as I eyed the twelve-year-old girl.

Inis akong bumaling sa diyos, "Anong ginawa mo sa kanya?!"

Pero kalmado lang na sumagot si Ares. "Wala akong ginawa sa kanya, kaya't wag mo akong akusahan kung ayaw mong permanenteng manatili sa sementeryong ito, mortal."

I clenched my jaw in frustration. Nagsisinungaling siya! This is crazy. Malamang may ginawa siyang mahika para manipulahin si Caprissa! 'Damn it,' pero nang tiningnan ko ulit ang batang henyo, napansin kong ni hindi siya nagrereklamo. She just stood there calmly. An apologetic smile on her face.

"Tama ang sinabi ni Ares, Kuya Rein.. He didn't do anything to me, don't worry. Kusang-loob akong sumama sa kanya." Huminga nang malalim si Caprissa at mapait na ngumiti sa'kin, "ang totoo niyan, m-matagal ko na ring alam na patay na si Linae."

Napapailing na lang ako. Tangina, ano bang kalokohan 'to? Hindi ko na alam kung bakit biglang gumulo lalo ang buhay ko. I don't know what to believe in anymore. Pagak akong natawa. Nakakatawa talaga.

"Caprissa, nababaliw ka na ba?! Kung alam mo na palang patay na si Linae, para saan pa 'yong kadramahan mo kaninang umaga?! Bakit hindi mo sinabi? Sa ating tatlo, ikaw ang pinaka-attached kay Lady Medusa!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Napapitlag si Caprissa at medyo na-guilty ako. But who on earth can blame me?

I've already been physically tired since this morning, tapos dadagdag pa 'to?

Walang-hiya talaga.

"That's the thing, Kuya Rein.. Nasabi ko na sa'yo noon na matataas masyado ang expectations ng magulang ko sa'kin 'di ba? Kaya ako nag-take ng advance classes at nag-accelerate sa pag-aaral... But I never felt happy with my real family. Nang nagtrabaho ako kay Lady Medusa, naramdaman kong nagkaroon ako ng tunay na pamilya. Si Lady Medusa, si Markus, tapos dumagdag ka pa.. the three of you became a family to me. And I guess I love our Lady Medusa so much, that when I found out that Linae is already dead, sinadya kong itago ang totoo." Huminga nang malalim si Caprissa.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now