OCTO

876 94 8
                                    

Sa lahat ng mga bagay sa mundo na hindi ko alam, malamang ito na ang nasa pinakaunahan ng listahan:

Hindi ko alam kung anong ginagawa ng isang mythological creature sa debut ni Pamela Lavista.

"Call the police!"

Sigaw ng organizers sa kanyang mga kasama. Pero mukhang mas pipiliin pa nilang tumakbo papalayo at iligtas ang kanilang mga sarili kaysa sumunod sa utos ng boss nila. Lahat ng tao nagpa-panic, at nang makita kong papasugod na sa direksyon namin ang minotaur, mabilis kong hinila sa likuran ko si Pamela. I glared at the monster in front of me.

I guess when it comes to the person we love, we instantly become wanna-be heroes. Malala na talaga ang pagiging "Pamelaphile" ko. A person who loves Pamela, get it? Yeah.

"TAKBO!"

Nanginginig ang mga kamay niya. Her innocent eye were filled with fear at mukhang anumang oras ay iiyak na siya sa takot. "A-Ano?! Rein, I just can't leave you here!"

I smiled in a (what I hope is) reassuring manner. Huminga ako nang malalim, "Just run. Ako nang bahala dito."

Napasigaw ang ilang mga bisita nang ibalibag ng minotaur ang mga mesa. Papalapit na ito nang papalapit sa amin. Shit! Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. But how do you fucking do that when there's a ten-feet mythological monster that's about to attack you?! I clenched my jaw in frustration.

"Re--"

"TUMAKBO KA NA!"

Pamela hesitantly did what I said. Medyo nakahinga na ako nang maluwag nang makita kong kasama na niya si Professor Lavista na para bang hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. They vanished with the others and exited the pavillion.

I was left alone with the beast.

'Gago ka talaga, Rein. Ni wala ka pa ngang bachelor's degree sa engineering, magpapakamatay ka na agad?!' Saway sa'kin ng lohikal na bahagi ng utak ko. Pagak akong natawa kasi naisip kong tama nga naman siya. Para na rin akong nagpapakamatay dito. "Sana pala bachelor's degree sa bull fighting ang kinuha ko."

Mabilis akong umilag nang hinagisan ako ng upuan ng halimaw.

I sprinted away and cursed under my breath. Hindi pa man ako nakakabawi, inatake na ako ng minotaur. Napasigaw ako sa sakit nang halos bumaon ang mga sungay niya sa tiyan ko. Pero wala pa ring tatalo sa sakit na naramdaman ko nang tumama sa pader ang likod ko.

"GAAAAH!"

The minotaur's eyes that resembled a pair of black holes stared back at me. 'Sana pala nakinig ako sa Greek myth lessons namin noon. Paano nga ba patayin ang isang minotaur?'

I never knew I needed that info until this very moment.

"Stupid monster.."

I slumped on the ground and spat out blood. Nanghihina akong tumayo at naghanap ng pwedeng panlaban sa minotaur nang may biglang sumipol mula sa kabilang dako ng dancefloor. Kasabay nito, may malaking tipak ng tinapay ang tumama sa ulo ng halimaw.

"HEY! Over here, you oversized cow!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko doon si Desmond. May hawak-hawak pa siyang mga tinapay habang kumakaway-kaway pa sa halimaw. Akala ko ba tumakbo na rin siya kasama 'nong ibang mga bisita?!

'Idiot! Anong ginagawa ng isang 'to, nagpapakamatay rin?!'

"YUHOO! PANGIT NA BAKA! KAPAG NAPATAY KITA, IBEBENTA KO ANG PATA MO SA PALENGKEEEE!"

'Shit, Desmond!'

Pero mukhang tuluyan na niyang nakuha ang atensyon ng minotaur. Namalayan ko na lang na ang kaibigan ko na pala ang bagong "target" ng halimaw na ito. The moment Desmond saw his plan of 'getting the minotaur angry' was working, namutla siya at agad na kumaripas ng takbo papalayo habang nagsisisigaw ng "MAMAAAAA!"

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now