QUINQUAGINTA QUINQUE

636 59 3
                                    

"Medusa is a threat to all gods and goddesses alike. Wala siyang ipinagkaiba sa mga kapatid niya. Hindi ako titigil hangga't hindi natin naibabalik ang Gorgon na 'yon sa piitan niya sa Underworld. I'll request Hades to triple the security and have the Chimaera guard her cell."

Maawtoridad na sabi ni Zeus habang nakamasid sa iba pang mga diyos at diyosa ng Olympus. They were gathered inside his extravagant throne room with pillars and golden tapestries hanging from the ceiling. Nang matapos niyang i-anunsyo ang panawagan para sa pakikipagnegosasyon kay Medusa kahapon, agad siyang nagpatawag ng pagpupulong. They were suppose to start the meeting an hour ago, pero dahil wala pa rin si Poseidon, napagdesisyunan na lang nilang magsimula.

Standing in the far right corner of the room, Hermes spoke, "I don't think the Chimaera will be enough. Hindi natin alam kung paano nakatakas noon si Medusa, kaya't wala tayong ideya sa abilidad niya. It's best to choose another monster to guard her cell. Mas mainam siguro kung si Cerberus."

"Yeah, sure. Pero nakalimutan mo na bang ninakaw noon mula kay Hades ang dambuhalang nilalang na 'yon?"

Mahinang natawa Hephaestus na ikinasimangot naman ng kasama. Tumalim ang mga mata ng diyos ng pakikipag-ugnayan at medisina sa kanya.

"Oh, please! Kung nandito si Hades, I bet you won't have the balls to say that. Magpasalamat ka na lang at hindi niya maiwan ang kastilyo niya."

"Watch your tongue, Hermes. Baka aksidente ko pang mai-demonstrate sa'yo ang mga bagong patalim ko."

Bago pa man magkaroon ng gulo sa templo, mabilis na pumagitna ang anino ni Athena at inawat sila.

"Why debate on which monster can guard her cell the best, kung hindi naman natin sigurado na susuko si Medusa? You're wasting your energies."

The goddess of wisdom said in a distant voice. Agad namang tumahimik ang dalawang diyos. Alam nilang pareho na maliban kina Zeus, Ares, at Hades, hindi dapat nila ginagalit si Athena. Aside from being the goddess if wisdom, she was also a feisty warrior. She even surpassed Artemis' skills the last time they sparred three hundred and thirty-three years ago!

Sayang nga lang at tanging anino lang nito ang dumalo sa pagpupulong. Madalas itong abala sa kanyang sariling templo at inaasikaso ang kanyang mga disipolo.

Umirap naman si Artemis sa sinabi ni Athena at humalukipkip. The goddess of the hunt's rich brown skin looked even more beautiful under the glow of the temple ceilings. Pero hindi pa rin nito maitatago ang "bitterness" niya sa kapwa diyosa.

"Syempre sasabihin mo 'yan. Kung hindi ako nagkakamali, dati mong alagad si Medusa."

"At ano naman ang gusto mong sabihin?"

"Well, maybe your 'bond' with her clouds your judgment! Baka nagiging bias ka na."

Hindi na umimik pa ang anino na lalo lang ikinagalit ni Artemis. She almost growled like a savage animal ready to kill her prey. 'May itinatago talaga si Athena eh! I can feel that she's hiding something. Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw sa'min ang nangyari noon sa templo niya.'

Huminga nang malalim si Zeus at ikinumpas ang mga kamay. Kasabay nito, tinamaan ng kidlat ang sahig ng templo. Mula rito, lumitaw ang isang lumulutang na hourglass. Gawa sa ginto ang katawan nito. Unti-unti namang bumabagsak ang kulay kahel na buhangin, inoorasan ang natitira nilang pasensya.

"I already gave her the time limit. Kapag hindi pa rin niya isinuko ang kanyang sarili sa'tin sa sandaling maubos ang buhangin, wala na akong ibang magagawa kundi idamay ang buong Eastwood hanggang sa mahuli natin siya." Zeus eyed them seriously. Kailangan niyang ipakita sa mga ito na hindi siya napag-iiwanan ng panahon. He needs to remind them why he's in his position. He's Zeus, the god of the sky and king of the Olympian gods and goddesses.

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now