QUADRAGINTA TRES

762 77 1
                                    

Pagod niyang isinara ang kanyang record book at huminga nang malalim. The Greek god of love and desire glanced at his wrist watch and scowled.

'Damn. I'm already two and a half minutes late!'

Lingid sa kaalaman ng iba, ang pagiging diyos ng pag-ibig ang pinakanakakapagod na trabaho sa Olympus. May mga araw na maya't maya kang namamana ng mga mortal para lang masunod mo ang schedule. Malas pa kung nasa kabilang bahagi ng mundo pa ang taong kailangan mong tamaan ng pana. Imagine teleporting yourself halfway across the globe in just a split second! Yup. As much as Eros loves his job, he hates the dizziness he'll feel afterwards, lalo pa't nakakaubos ng lakas ang teleportation.

Minsan naman, mabagal ang takbo ng oras. Hindi niya kailangang magmadali dahil magkakalayo ang agwat ng mga schedule. Sa mga pagkakataong iyon, nakakapagliwaliw pa ang god of love. On rare occasions, he transforms himself into a human and charm any single girl he can find. Everyone deserves a taste of affection.

Pero nang makarating na si Eros sa kanyang destinasyon, bigla siyang natigilan. Tuluyan na niyang naibaba ang kanyang pulang pana. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kalagayan ng mortal na papanain na sana niya.

"What in the name of Valentines is happening here?"

Umiiyak siya.

Standing before him, the twenty-six-year-old man cried like a toddler. Hindi matigil ang kanyang pagluha habang may tinitipa sa kanyang computer. Ang nakakapagtaka pa, nasa opisina pa ito! Napasimangot si Eros at ibinalik ang pana sa kanyang lalagyan. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid, at halos manlata siya nang makitang umiiyak rin ang ibang mga empleyado.

Pawang may katabi pa silang mga tissue paper at panyo. Pinipilit nilang maging produktibo kahit na literal na bumubuhos ang kanilang mga luha.

"Hindi naman Araw ng mga Patay ah?" Masama ang kutob niya rito. Nakakaramdam siya ng malakas na enerhiya sa malapit.

Just then, the music of a lyre broke the silence.

Alam niya kung kanino ito.

'The lyre of Orpheus!'

Magmula nang bawiin ni Orpheus ang kaluluwa ng kanyang asawang si Eurydice sa emperyo ni Hades, naging usap-usapan sa Olympus na nagkaroon ito ng negatibong epekto sa kanyang instrumento. Something from the Underworld posssessed his lyre, thus intensifying its melancholic effect on mortals. Ngayon, tuwing lilikha ito ng musika, lumilikha na rin ito ng gulo sa mundo ng mga tao.

Especially when someone evil is using it.

"Damn it! Naabala pa tuloy ang schedule ko.."

Eros followed the music and prepared himself for battle. Hindi niya alam kung bakit ito ginagawa ni Orpheus, but the gods will surely be displeased with him. 'Pwera na lang kung hindi si Orpheus ang may gawa nito.'

Eros passed by the weeping mortals and found himself in a hallway. Lalong lumakas ang musika sa bahaging ito ng gusali.

"Orpheus?"

Sinundan niya ang tunog hanggang sa dalhin siya ng kanyang mga paa sa isang silid. He opened the door and realized it was a storage place for cleaning materials. 'Why would he be here?'

Nagkalat pa ang mga walis at basahan sa sahig. Pero ang tuluyang nakaagaw ng atensyon ni Eros ay ang maliit na ahas sa sahig.

As the music stopped, the small green snake hissed at him.

Nang titigan niya itong maigi, tumalim ang kanyang mga mata. Mahirap mang isipin, pero kamukha ito ng mga ahas sa buhok ni Lady Medusa. 'Ano naman ang ginagawa nito dito?' Pinulot ni Eros ang ahas at napasimangot.

✔Sold to MedusaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora