UNDEQUADRAGINTA

745 81 3
                                    

Paano ba mag-sorry?

'Dati naman, hindi ka nahihirapang humingi ng tawad tuwing 'aksidente' mong matatapakan ang paa ni Keifer kapag nilalandi niya si Pamela eh... What changed?' pang-aasar na naman ng medyo matinong parte ng utak ko

Minsan talaga hindi ko alam kung kinakampihan ba ako nito o talagang gusto lang akong konsensiyahin sa mga kalokohang ginawa ko noon. Either way, I decided to push that annoying voice aside and lock him up in the back of my mind. Wala rin naman siyang naitutulong sa'kin.

Kung bumalik kaya ako sa Tartarus? Siguro naman sa laki ng lugar na 'yon, may bookstore sila.

Plano ko sanang maghanap ng "How to Apologize to Medusa Without Saying Anything Stupid That Might Potentially Get You Killed" manual. Of course, even if I do find something like that, babalik na naman tayo sa isang malaking problema:

Wala akong pambayad.

Huminga ako nang malalim at sumulyap kay Lady Medusa. The light coming from the bonfire we set up half an hour ago made her look divine and a little less dangerous. Her deep brown eyes looked softer as her face settled on a serene expression. Ngayon ko lang napagtantong mas gumaganda pala siya kapag hindi niya pinapairal ang pagiging maldita niya.

Ilang talampakan lang ang layo ko sa pwesto niya kaya naririnig ko pa rin ang tunog na nililikha ng mga ahas sa kanyang ulo. Siguro kung hindi nga lang sa mga ahas na 'yan, baka mapagkakamalan kong isang diyosa si Lady Medusa.

Isang diyosang kanina pa nakatitig sa kawalan habang nakayakap sa kanyang mga binti. Involuntarily, I gulped and tried to focus on my words..

"Lady Medusa, I'm so---"

"Magtitigan lang ba tayo dito buong magdamag? Nagugutom na ako. Make yourself useful and get me something to eat, Aristello. Para naman hindi sayang ang pasahod ko sa'yo."

Nagpakurap-kurap ako. 'What the hell? Lintek na 'yan, mukhang sinasapian na naman ng kasupladaan ang amo ko!'

Hindi ko talaga alam kung dapat ba akong matuwa. Bakit ba kasi ang moody ng mga babae?! Kanina lang parang anghel si Lady Medusa nang kargahin ko siya. She even thanked me and kissed my neck! And yes, I would be lying if I told you I didn't like that kiss.. tapos ngayon, tinatarayan na naman niya ako? Damn it.

'Medusa will always be Medusa.'

Napasimangot na lang ako sa kanya. "You must be crazy! At saan naman ako kukuha ng pagkain? We're in the middle of a forest here in the Underworld and I don't even have money with me!"

"And how is that my problem? Iniligtas na nga kita mula sa pangit kong mga kapatid. Mahiya ka dapat na ang boss mong maganda pa ang nagligtas sa'yo! Geez. I should've stayed in Eastwood. Nasisira na ang manicure ko rito."

She studied her fingernails as if they were the most important things right now.

Langya. Naii-stress yata ako sa boss ko. Mas nakaka-stress pa pala si Medusa kaysa bigla kang maputol sa paglalaro mo ng mobile games dahil nawalan ka ng signal!

"Tsk! Gustuhin ko mang mangaso para sa'yo, kung hindi mo pa napapansin, medyo hindi angkop ang suot ko ngayon, Lady Medusa."

Napahinto si Medusa at tuluyan nang humarap sa'kin. She eyed me from head to toe as if seeing me for the first time. Kalaunan, umirap na lang siya at napailing.

"Oh, right.. naka-boxer shorts at bathrobe ka nga lang pala. Kawawa ka naman."

"Your crazy sisters kidnapped me while I was sleeping! Nakalimutan yatang i-describe sa Greek myth books na agresibo pala kayong mga Gorgon."

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now