QUINDECIM

775 81 6
                                    

Dahan-dahan.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigla akong nakarinig ng mga kaluskos sa hallway ng dormitoryo namin. Para akong magnanakaw na natuod sa kinatatayuan ko habang kabado kong sinisilip ang paligid. Hindi ko na nga sigurado kung humihinga pa ba ako.

'Damn! Nagising na kaya siya?'

Para akong nasa horror movie mga pre. Ito 'yong eksenang naka-slow motion pa akong lilingon sa likod ko habang may nakapangingilabot na background music. Dapat pala hiniram ko muna 'yong katana ni Markus para man lang may panlaban ako sa masamang elemento (a.k.a. Desmond). Kamuntikan na akong napasigaw nang makita ko ang bulto ng isang lalaking papalapit sa'kin. Pero nang masinagan ng ilaw ng cellphone ko ang mukha niya, agad akong nakahinga nang maluwag.

"Rein? Uy, gabi na ah. Anong ginagawa mo dito?"

I laughed nervously at one of our dormmates, Bartholome Benson, o mas kilala nilang "Bart". Hindi kami close at madalas nagiging topic lang ng usapan namin ay mga mobile games at scandals ng magagandang artista. Sa kanya ko nahiram ang tuxedo na ginamit ko noon sa debut ni Pamela. "May lakad kasi ako ngayon eh. Hinihintay na ako ng date ko."

Kumutitap naman ang mga mata ni Bart nang banggitin ko ang salitang "date". Ngumiti siya nang malawak at inakbayan ako.

"Nice one! Matinik ka rin pala sa chicks, Aristello! Akala ko talaga habambuhay ka nang magiging torpe kay Pamela."

'You have no idea, dude.' Pero dahil kailangan ko na talagang pumasok sa "trabaho" ko, tumango na lang ako at nakisabay na lang.

"Ah, oo. H-Hahaha! Ako pa ba? Konting kindat lang, nahulog na sa'kin si Pam."

"Hey, you know what? We should celebrate this. Pagkatapos mong makai-score sa kanya, inuman tayo. Kausapin ko si Desmond at---"

"NO!"

Kumunot ang noo ni Bart nang agad ko siyang pinigilan. "Um.. may problema ba doon? Nag-away ba kayo ni Mond?"

"K-Kasi.. busy sa pagbibilang ng pera si Desmond. O-Oo! Ganoon na nga. Kaya hindi natin siya dapat abalahin. Hinding-hindi!"

Damn, the last thing I want is to let my greedy bestfriend-turned-love-zombie know about my whereabouts! Masasayang lang ang pagtakas ko kung mahuhuli rin ako ng siraulong pinagtataguan ko. Mabuti na lang na kahit na naguguluhan si Bart, marunong naman siyang rumespeto. He raised his hands up in defeat and backed off.

"Err. Okay? Sige na, baka ma-late ka pa sa date mo. Baka mabingwit pa ng iba ang Pamela mo. Hahaha!"

Bart laughed and went back to his room. Napasimangot ako. 'Mabingwit?' I hate it when some bastards refer women as fishes. Inaamin ko naman na immature pa rin akong mag-isip paminsan-minsan, pero hindi ko ginagawang dahilan 'yon para biruin ng ganoon ang mga babae---lalong-lalo na si Pamela! She's not some rare fish that men could catch and display as a trophy. She's a human being! A pretty one.

I sighed and started walking towards the door. Mukha namang mahimbing pa ring natutulog si Mond kaya malaya akong makakalabas at---

"GAH!"

Napahakbang ako papaatras nang makita ko si Desmond na nakatayo sa may pintuan. Langya, para akong aatakihin sa puso! May nakatutok kasing flashlight sa may baba niya. He had this crazed look that reminded me of those creepy asylum patients in movies. Nakatitig siya sa'kin na para bang kanina niya pa ako hinihintay.

"Are you avoiding me, Rein?"

Parang ganoon na nga.

"H-Hindi ah!"

"Nasasaktan ako.. hindi mo ba alam na matagal na akong may gusto sa'yo? Pare, mahal kita."

Napalunok ako nang humakbang palapit sa'kin ang kaibigan ko. Kinakabahan akong sumagot, "Mond, I know this might sound crazy, pero epekto lang ito ng pana ni kupido sa'yo! Hindi tayo talo! Nababaliw ka lang talaga ngayon!"

Desmond eyed me emotionally. What in the name of philias? Umiiyak ba siya?!

Oh, shit.

"Rein! Huhuhu! Pare.. you hurt my feelings! Alam mo naman na sensitive ako, 'di ba? Masakit, pare! Akala ko tanggap mo ako!"

"D-Dude, you're cra---"

"KASALANAN BA ANG IBIGIN KA?! HUHUHU!"

Napapailing na lang ako. 'Kung hindi ko matatakasan si Desmond, paniguradong patay na naman ako nito kay Medusa dahil male-late na ako.' Napalunok muna ako at niyakap si Desmond. Humigpit ang pagkakalingkis niya sa'kin at pinilit kong 'wag kilabutan habang hinahaplos niya ang mga braso ko. Damn it. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya at pasimpleng inagaw ang flashlight.

"Sorry, 'tol."

"Ha---?!"

BONK!

Bumulagta sa sahig si Desmond dahil sa paghampas ko ng flashlight sa ulo niya. Oops! Napalakas yata. He groaned in pain as I threw the flashlight on the floor. Bago pa man siya makabawi, mabilis na akong tumakbo palabas ng dormitoryo. Sana lang talaga mawalan na ng bisa ang pana mamaya 'pag gising niya. 

Kapag bumalik na siya sa normal, saka ko na lang siya kakasuhan ng sexual harrassment.

*

"Hello? Markus? Caprissa?"

Inilibot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang madilim na paligid. Well, if I'm a nyctophile (a person who loves darkness), baka natuwa pa ako--but I'm not. Mabuti na lang talaga at may ilaw na sa kalapit na poste kaya naaaninag ko pa rin ang lugar. 'Pero bakit parang wala sila rito?' Imposible namang nagkamali ako ng address. Or maybe they're playing a trick on me again?

"Hey! No need to scare me, guys. Lumabas na kayo sa pinagtataguan niyo."

Pero wala pa ring sumasagot. Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Pakiramdam ko may iba pa akong kasama dito sa loob ng warehouse. Napalunok ako at nanginginig na binuksan ang flashlight ng cellphone ko. "H-Hello?"

My heart pounded nervously inside my ribcage. Bukod dito, wala na akong ibang naririnig kundi ang yabag ng mga paa ko. Makalipas ang ilang sandali, biglang namatay ang ilaw.

Damn! Bakit ba nakalimutan kong i-charge ang cellphone ko kanina?

Huminga ako nang malalim. 'Walang multo dito, Rein. Sabi nga ng maldita mong amo, siya lang ang dapat mong kinakatakutan sa loob ng warehouse na ito. No big deal.' Pero hindi pa man ako nakakahakbang papalayo, natigilan ako nang mapansin ko ang isang aninong dumaan sa may bintana. The shadow immediately vanished before I could even focus on it.

"Shit!"

Natataranta akong napaatras at tatakbo na sana papalabas ng warehouse nang aksidente ko namang nasagi ang isang matigas na bagay. I immediately steadied it and sighed in relief. Nang maaninag ko sa matamlay na liwanag na nagmumula sa labas ang bagay na nabunggo ko, agad akong napanganga.

"T- Take... Bakit parang pamilyar ang estatwang 'to?"

I squinted my eyes and cursed all the philosophy books I've read when I finally realized what this statue is---or better yet, "who" this statue is.

"C-Caprissa?!"

Para akong namutla habang nakatitig ako sa kanya. She was made out of stone, and her expression resembled someone who had been shocked to death. Ilang metro mula kinaroroonan namin, napansin ko naman ang estatwa ni Markus na para bang nalulungkot. He was reaching out to stop something---or "someone".

"W-What the fuck happened...?"

Naging bato silang dalawa.

Naikuyom ko na lang ang mga kamay ko para itago ang panginginig ng mga ito. Para bang kinakapos na ako ng hininga nang mapagtanto ko kung sino ang may kagagawan nito. I should've known we couldn't trust that monster! Mukhang noong una pa lang ay pinaplano na niya kaming patayin. 'Loyalty my ass.'

"You're late, Mr. Aristello. Gusto mo na naman bang maparusahan?"

Kinilabutan ako, hindi dahil sa pagiging "seductive" ng kanyang boses kundi sa kawalan ng emosyon nito. Para bang hindi siya nakokonsensiya sa ginawa niya at may halong pagbabanta pa sa kanyang tono. I spun around until I was face to face with my boss.

Mukhang ako na ang isusunod niya.

The devil greeted me with emotionless eyes, dark purple lips, and hissing snakes.

"Medusa."

---

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now