VIGINTI

741 71 1
                                    

"PAMELA!" 

Mabilis akong tumakbo pabalik ng kwarto ko. Pati ang iba pa naming dormmates nabulabog sa pagsigaw ni Pamela. 'Damn this!' Natararanta kong binuksan ang pinto.

Hindi ko inaasahan ang bubungad sa'kin.

Pamela was being held by Ares' monsters, Deimos and Phobos. Nakabaon ang matatalas nilang mga kuko sa balat ni Pamela habang patuloy pa rin siyang nagpupumiglas sa hawak nila. The monster shadows started dragging her out the window. Bakas ang takot sa mukha ng dalaga nang magtama ang mga mata namin.

"R-REIN!"

"Shit."

Natataranta kong sinugod ang mga halimaw. Sana pala kasama sa "package" ng pagiging personal assistant ni Medusa ang abilidad na labanan ang mga halimaw para mailigtas ang crush ko. And no, I don't feel like a knight in shining armor---in fact, I just feel like an idiot with no plan.

"BITIWAN NIYO SIYA!"

I tackled the monsters and tried to pry their hands away from Pamela. Sinubukan kong suntukin ang mga ito, pero agad niyang naiilagan ang mga atake ko. Pinalilibutan na nila ako, at hindi ko maiwasang makaramdam ng pangingilabot. Phobos, the monster with razor-sharp teeth, started devouring my arm as I threw another punch at them. Napasigaw ako sa sakit nang maramdaman ko ang pagbaon ng kanyang matatalas na ngipin sa laman ko.

"FUCK! G-GET AWAY FROM ME!"

Nanlaki ang mga mata ni Pamela. Nanginginig na ang katawan niya sa takot dahil sa nakikita. "R-Rein.." Akmang lalapit na sana siya sa'kin nang pigilan ko siya. My eyes narrowed at her as I try to fight off the damn pain. "T- Tumakbo ka na! Call the police!"

Alanganin siyang siyang tumango. Ilang sandali pa, mabilis na siyang tumakbo papalabas ng kwarto ko.

"GAAAAAH!"

Blood.

'Hematophile, a person who loves blood.'

My own blood dripped on the floor, making gruesome patterns on the linoleum. Pakiramdam ko makakalas na ang braso ko. Namamanhid na ito at hanggang ngayon, umaagos pa rin ang dugo mula sa mga sugat na likha ng matatalim niyang ngipin. I cried out in pain, because damn it, it fucking hurts!

Nang makakawala ako sa pagkakakagat sa'kin ni Phobos, nanghihina akong naupo sa sahig. Wala na akong lakas para tingnan ang braso ko. Alam kong hindi ko magugustuhan ang makikita ko. The pain is still there, but it's hard to concentrate on what you're feeling when you're literally bleeding.

I can faintly hear the sound of the door opening.

"Holy mother of money!"

Desmond.

Nang makita niya ang mga halimaw, agad siyang namutla. Nanghihina akong tumayo ay hinarap sina Deimos at Phobos. Hindi ko na ininda ang panginginig ng mga binti ko. Kung hindi ko maitataboy ang mga halimaw na 'to, siguradong madadamay ang iba...

At pakiramdam ko, hindi na kakayanin ng konsensiya ko kung may aatakihin pa ang mga ito. If Deimos and Phobos suddenly massacres my dormmates, it would be my fault. 'But how on earth can I defeat Ares' monsters?'

Dalawang scenario lang ang naiisip ko...

First scenario. Tatakbo ako nang mabilis at aatakihin sila hanggang sa sabay-sabay kaming mahulog mula sa bintana. Naka-slow motion kaming bulusok  pababa at malaki ang posibilidad na mamatay rin ako.

That would be cool, but I'm not that "heroic".

Second scenario. Hahayaan ko na lang silang kaladkarin ako papuntang Olympus kung saan naghihintay ang ibang mga diyos para i-torture ako hanggang sa makakuha sila ng impormasyon tungkol sa boss ko.

'Wag. Dramatic masyado. Saka ayoko nang dagdagan ang mga kasalanan ko kay Lady Medusa.

Huminga ako nang malalim at inilibot ang mga mata ko sa paligid. Nasa may pintuan pa rin si Desmond at halatang hindi makapagdesisyon kung magpapakabayani rin ba siya o iiwanan ako dito. Just then, my eyes travelled past the doorway and spotted the fire extinguisher.

An idea popped up my head.

"Eureka!"

Kumunot ang noo ni Desmond. "Ha? Nagdedeliryo ka na ba, 'tol? Desmond pangalan ko, hindi Eureka! Desmond. D-E-S-M---"

Napasapo na lang ako ng noo ko. Nakakaiyak talaga minsan maging kaibigan ang isang 'to. "Mond, do me a favor and get that fire extinguisher! Bilisan mo bago ko pa maisipang ipokpok sa ulo mo."

Naguguluhan man, mabilis na kinuha ni Desmond ang fire extinguisher at hinagis sa'kin. Nang masalo ko ito, agad akong napadaing sa sakit dahil sa sugat ko sa braso. I forced myself to stand still and face Deimos and Phobos.

Ngumisi ako sa kanila. "Alam niyo ba kung paano gumamit ng fire extinguisher? Tatandaan niyo lang ang acronym na PASS."

Pero mukhang ayaw nilang matuto dahil bigla na namang sumugod sa'kin si Deimos. The deadly horns ontop of his head were aimed at my throat. Mabilis akong umilag at hinampas sa kanya ang fire extinguisher.

The monster stumbled away as I glared at them.

"P = Pull the pin of the fire extinguisher. A = aim it at the base of the fire, pero dahil wala namang sunog dito, itutok na lang ito sa mukha ng mga pangit na alagad ni Ares." Kinuha ko ang nozzle (yung tube sa dulo ng hose) ng fire extinguisher at matapang na itinutok ito sa mga halimaw.

"S = squeeze the lever," mahina kong sabi sabay pisil sa lever ng fire extinguisher. Ilang sandali pa, napasigaw sa gulat sina Deimos at Phobos dahil sa biglaang pagtama ng kemikal sa mukha nila. The white foam-like substance made them back away. Humakbang sila papalayo hanggang sa katapat na nila ang bintana.

Nanghihina akong humakbang papalapit sa kanila. "S = sweep the nozzle from side to side!"

Basang-basa na ang kwarto ko dahil sa kemikal ng fire extinguisher. Deimos and Phobos tried shielding themselves away from the chemicals but it was too late. Nang maubos na ang laman ng fire extinguisher, agad ko itong ibinato sa mga halimaw.

Too bad it only hit the wall.

Bigla na lang kasing naglaho sa hangin ang mga alagad ni Ares.

I smiled in exhaustion. Ilang sandali pa, napapansin kong nanlalabo na ang paningin ko. Nahihilo na rin ako, at malamang dahil 'to sa dami ng dugong nawala sa katawan ko. Phobos' bitemarks left my bloody arm numb and pale. Hindi ko na ito maigalaw nang maayos at patuloy pa rin ang paglabas ng dugo mula rito.

"Rein!"

"Kuya Rein!"

Sa gilid ng mga mata ko, napansin kong naglalakad na papalapit sa'kin sina Desmond at..  teka, bakit nandito si Caprissa? Mahina akong natawa. Baka nga nawawala na ako sa katinuan. Maybe I'm gonna die of blood loss. Sayang. Gusto ko pa man din ng medyo dramatic na kamatayan para maganda naman ang mailalagay nila sa "cause of death" ko.

Bago pa man nila ako malapitan, tuluyan na akong nawalan ng malay.

---

✔Sold to MedusaWhere stories live. Discover now