Chapter 23

50 5 0
                                    

Psyrille POV

Nagising ako na andito sa loob ng clinic at nakita ko na andito rin si Jynpher at Martina, lumapit sila sa akin ng makita nila akong gising na

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sa kanila at naupo.

"Sinabihan kami ni ms. Min na puntahan ka raw namin dito" sagot sa akin ni Jyn at inabutan ako ng baso ng tubig.

"S-sino nagdala sa akin dito?"

"Hindi namen kilala e, Psy." Sagot naman ni Martina

"Pwede na ba tayong bumalik sa room?"

"No, ms. Del Moral  ibinilin ka sa akin ng nagdala sayo dito na hanggat di ka pa raw  malakas mag-stay ka raw muna dito." Sagot ng nurse dito na biglang sumulpot.

"Eh nurse please, gusto ko na bumalik sa room" pagmamakaawa ko sa nurse, pero hindi pa rin siya pumayag.

Nakita ko namang nagka-tinginan si Jynpher at Martina.

"Sige na po nurse payagan nyo na po siya, sa kalagayan nya po kasi ngayon hindi siya nakakatagal sa loob ng mga clinics or hospitals, kaya please po pabalikin nyo po sya sa room namin" singit naman ni Jynpher.

"Mas magiging comfortable po sya sa room namin kasi nandoon din po yung kambal nya" pangangatwiran pa ni Martina.

"Kayo talaga, o sige sige mag pahinga ka hija masyado pa naman nabugbog yang katawan mo." Sagot ni nurse Mae sa amin

Napatingin ako sa kanila at nag like sign sila ng patago.

"Sige salamat po. Basta kung babalik man po yung nagdala sa akin dito, sabihin nyo na lang po na okay na ako ha. Thank you po." Saad ko naman kay nurse Mae.

Dali dali ko na silang hinila palabas gusto ko na talagang makabalik sa room. Saka ansakit na ng katawan ko kakahiga doon.

Pagkabalik namin nila Jyn hindi muna ako tumuloy sa upuan ko at tumabi muna ako kay Sky buti na lang at absent yung katabi niya

Agad na nagsilapitan sila Ynah sa akin. Aish! Kala naman nila kung ano ng nangyare sakin.

"Bakit ba kasi hindi mo nilabanan ya'ng chakang Leigh na yan?" Tanong ni Peter at kunwaring nag flip ng buhok.

"Dat kasi di ka na lang sumunod sa kanya" saad naman ni Sky

"Yaan nyo na wala naman masamang nangyare sakin" sagot ko sa kanila para hindi na sila mag-aalala.

"Anong walang nangyareng masama!?  Napunta ka nga ng clinic oh!?  Bakit ka ba kasi nagpabugbog sa kanya ha!? Ikaw kasi  di ka lumalaban sa kanya kaya ginaganyan ka na lang niya! Tignan mo! Tignan mo nangyare napahamak ka pa! Buti na lang at may nagdala sayo sa clinic kung hindi ka non dinala, ay nako Psyrille nanggigigol ako sayo!" Sermon naman sa akin ni Ynah, ayts-,-

"sshh Ynah, wag mo nang sermunan napunta na nga ng clinic oh, tignan mo may band-aid pa sa noo." Saway naman ni Kiara kay Ynah

"Sino ba kasi nagdala sakin don?" Tanong ko na lang sa kanila.

"Ay nako siz yan ang hindi namen alam, sinabi lang sa amin ni ms. Min na andon ka at hindi sinabi kung sino ang nagdala sayo don" paliwanag naman sa akin ni Peter

"Ayy ganon, dat pinilit nyo si ms. Min"

"Edi ikaw pumilit sa kanya!"sagot naman sa akin ni Clarisse. Aish yan na naman ang sungit niya talaga ngayon.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Där berättelser lever. Upptäck nu