Chapter 27

50 5 4
                                    

Kiara POV

hays Lunes na naman at papasok na naman kami sa Dawn Real Estate Academy paaralan na kung saan lagi kaming free at parang hindi kami pinapahirapan. Nakukuha pa nilang magpa-program minsan kahit sobrang busy nila pero pagdating sa pagtuturo ay ewan ko nalang.

At eto kasabay ko ngayon pumasok si Sky, habang naglalakad nagbabasa siya sa libro ng wattpad story na Her Identity ang title. Aish eto talagang si Mozart na 'to kahit naglalakad e nagbabasa.

Nagulat naman kami ng may biglang bumusina sa likuran namin. P*ta nasa gilid na nga kami binusinahan pa kami?! Pagsasabihan ko sana yung ng pagsilip ko sa loob ang tao don ay si Psyrille at Clarisse. Taray ang sosyal namang ng kambal na 'to.

"Tara na, sakay na kayoooo" aya sa amin ng kambal.

Pasakay na sana ako tinatamad rin kasi ako maglakad e nang pigilan ako ni Sky at umiling. Ano ba yan!

"Maglakad na lang din kayo" saad ni Sky dito sa kambal

"Aniyo!! Hindi kami maglalakad!" Pag kontra naman ni Clarisse.

"Dali na, para sabay sabay na tayoo" pag aya pa ni Sky.

"Nah. Ayaw namin maglakad" sagot ulit ni Clarisse na umiiling iling pa.

Lumabas na ng kotse si Psyrille para sumama na rin sa amin maglakad pero itong si Clarisse tamad talaga.

Pinilit namin si Clarisse na maglakad na lang din pero ayaw nya magpapilit.

"Yaan nyo yan kung ayaw maglakad, pag naman dumating yan mag isa sa school wala siyang kasabay" sambit ni Psyrille sa amin at nauna nang maglakad palayo.

Susunod na sana kami ni Sky kay Psy ng biglang sumigaw si Clarisse na maglalakad na rin daw sya. Ayss buti naman at maglalakad 'tong tamad na 'to.

Habang naglalakad kami bumalik sa pagbabasa si Sky at bigla inagaw ni Clarisse yung libro psh HAHAHAHA!

"Masamang maglakad habang nagbabasa" saad ni Clarisse at kinuha yung hawak ni Sky na bookmark at saka isinara ang libro.

"Baka mahulog ka dun sa butas"saka tinuro ang butas medyo malayo samin"mahuhulog ka ng hindi ka nya sasaluhin. Masakit yon" dagdag pa nya.

Nako! Humugot pa ang gaga, napatingin naman si Sky na nagmamakaawa kay Clarisse para lang ibalik yung libro. Pero di ito pinansin ni Clarisse.

"kaya Sky, 'wag kang gagaya dito kay Kiara" saad pa nya at tinuro ako.

"Bat ako nadamay?"

"Eh kasi nga mahuhulog ka kay Syd na malabong saluhin ka" Sabat ni Psyrille

"What do you mean?" Tanong naman ni Sky

"Sydney has a crush on one of our friends." Seryosong saad ni Psyrille.

Agad pumasok sa isip ko yung nakita kong nakatitig si Sydney kay Jynpher noon.

"Mga siraulo, ayos lang yon HAHAHAHA! wala pa naman sa 100% yung feelings ko kay Syd" sagot ko sa kanila at tumawa pa.

Pilit akong ngumiti sa kanila kahit sobrang bigat na ng nararamdaman ko pero ayos lang na magkagusto si Syd sa iba kasi wala naman akong karapatan pigilan siya.

Ang unfair ng mundo shit HAHAHAHA!  yung taong gusto mo, hindi ikaw ang gusto.

Napaka swerte naman ng babae'ng mamahalin niya. Sana ako na lang yung babae'ng iyon. Fvck.

Teka, tae bat parang feeling ko ako yung naghahabol? Weyt ayokong maghabol lalo na at yung hinahabol ko ay never magiging sa akin.

Bumalik sa katinuan yung pag iisip ko ng pinipitik pitik ni Clarisse yung daliri nya sa harap ng mukha ko.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now