Chapter 17

58 6 2
                                    

Psyrille POV

         Nung umalis na si Kiara sa tabi ko tumabi na sa akin is yung katabi ko talaga na si Huan.

         Tinanong ako ni Huan kung bakit daw andito ako, nagkibit balikat lang ako sa kanya. Arrghh! Bat ba ganon lagi tanong nila sa akin? Ngayon lang ba ko pumasok?

        Parang mga ngayon lang nila ako nakita. Hindi ba inannounced ni Sir sa kanila yon? Aish!

       Natulala na lang ako doon at naisip na naman yung nangyare sa cafeteria bakit ba ganon ang epekto sa akin ng dugo?

       Bigla akong nagulat ng may humawak sa braso ko na malamig ang kamay. Myghad patay na ba tong humawak saken?

       Pagtingin ko sa mukha ng humawak sa akin tawa ng tawa dahil siguro sa pagkagulat ko. Langya kayamot to ah.

      May sasabihin yata sya sa akin ng tumayo agad ako at tinalikuran ko sya at pumunta ako sa upuan nila Martina at Jynpher buti na lang at may bakanteng upuan dito.

     Nagtatakang nakatingin silang dalawa sa akin at tinignan ko rin sila at inarapan, pake nyo ba ha?

"May sasabihin ata sya sayo bat mo inalisan?" Tanong sa akin ni Martina

"Tssk. Yaan nyo sya wag nyo intindihin yon" sagot ko sa kanila at umirap ulit

"Ganyan mo na lang ba pakikitunguhan si Shawn? Pagkatapos ka nya'ng ipagtanggol?" Seryosong tanong sa akin ni Jynpher na mala-ate ko na rin

"Hindi naman sa ganon Jeng, natra-trauma pa talaga ako sa nangyare kanina sa cafeteria" sagot ko sa kanila

"Why? Anong nangyare sa cafeteria?" Tarantang tanong ni Martina

"Pumunta kasi kami don ni Kiara para umorder then habang nag-oorder ako nakarinig kami ng sigaw then pagtingin ko may isang student na nakalupasay malapit sa akin then may dugo sa kamay sobrang dugo talaga..." natigil ako sa pagsasalita ng mahagip ng tingin ko si Shawn na nakatingin sa akin " alam nyo naman yung nangyayare sa akin pag nakakakita ako ng dugo, buti na lang mabilis akong nailayo ni Kiara doon" pagku-kwento ko sa kanila.

"So kung ganon ang nangyare, mag-apologize ka kay Shawn dahil sa ikinilos mo sa kanya kanina" utos sa akin ni Jynpher

"but Jynpher maiintindihan naman ni Shawn na ganon talaga kumilos si Psy sa kanya" pangangatwiran pa ni Martina

"Oo doon na tayo sa point mo pero mas mauunawaan yon ni Shawn kung sasabihin ni Psy ang nangyare sa kanya" sagot ni Jyn kay Martina, aish

"Oh wag na kayo magtalo, parehas kayong may point, okay?" Sagot ko na lang sa kanila

     Tumayo na ako at bumalik na sa upuan ko, at maya maya lang ay dumating si Ma'am Alpuerto na co-adviser namin.

     Pinapunta nya kaming lahat sa opened-court. May opened at covered court kasi dito sa school namin dzuh HAHAHAHA

    Hindi ko pa alam kung anong gagawin namin dito. Basta pinapunta kami dito

    Sinabi na sa amin ni Ma'am Alpuerto ang gagawin na sa isang bahagi raw ng court doon maglalaro ang mga lalaki ng basketball at isang half court doon naman daw yung mga babae na maglalaro ng volleyball

     Nagbigay na sa amin si Ma'am ng bola at nagsimula na kaming maglaro.

    Umupo muna kami ni Clarisse bago maglaro at bigla lumapit si Shawn sa amin at may inaabot sa akin na bottled mineral ulit, hindi raw sa kanya galing yon.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now