Chapter 35

46 5 0
                                    

Shawn POV

HINDI ako mapakali sa sarili ko ng naiisip ko yung naging usapan namin nila mama kagabi sa bahay. Gusto kong tawagan mga tropa ko ng gabing iyon pero naisip ko baka mga tulog na sila at gustong gusto ko rin tawagan si Ashlee para marinig ko boses nya na magpapakalma sa akin kaso naisip ko din na baka nagpapahinga na sya. Hindi ko na ginawang tawagan sya at ayoko rin na maistorbo ang mahal ko.

Hanggang ngayon naiinis ako hindi ko makalma sarili ko dahil sa napag-usapan namin kagabi nila mama hindi ko alam kung bakit naisip pa nila iyon. Saka baket sa akin pa?

Hindi rin ako makausap ng matino ng mga tropa ko dahil sa nangyare kagabi. Kung may sisisihan man ako ngayon dahil sa kinikilos ko ang masisisi ko dito ay sila mama kasi hindi naman ako magkaka-ganto kung hindi nila naisipan yun diba.

Napatingin naman ako sa unahan nang makita ko yung kakapasok lang parang biglang kumalma yung sarili ko ng makita ko syang nakangiti ata sa akin. Parang nawala lahat sa utak ko yung sinabi kagabi nila mama.

Napakunot naman ang noo ko ng biglang may pumitik sa tenga ko. Hindi ko na lang iyon pinansin at kinuha ko nalang yung notebook ko na puro drawing at doon ako magpo-portraits ngayon.

Habang nagpo-portraits ako biglang may tumawag sa pangalan ko kaya naman hinanap ko kung sino yung tumawag saken at napadako yung tingin ko sa pinto ng room at nakita ko na si Nathaniel ang tumatawag saken. Kasama nya si Klyde at A-ashlee?

Bat ba lagi na lang silang mag kasama?!

Tumayo na lang ako at lumapit na sa kanila nang nakalapit na ako sakanila napansin kong nakatingin sa akin si Ashlee ngumiti naman ako sa kanya pero iniwas nya lang ang tingin nya.

Tahimik kaming apat na naglakad hanggang sa makarating kami sa Multi Purpose Court at nakita ko pa na may mga triangle desk na pinagdikit-dikit doon kaya naka-form na circle.

Lumapit na sila doon at sumunod na ako at umupo na sila isa-isa. Hindi ko alam kung bat pa ako sinama dito e hindi naman ako officer. At pag-uusapan nila ay yung padating na Seniors Night. Sinama pa ako e wala naman akong maiaambag.

Yung section pala namin ang na-assign para mag-ayos ng magiging theme sa Auditorium na doon magaganap ang Seniors Night.

"Chill ka lang jan pre. Um-agree ka na lang pag ayos yung suggestion nila" saad saken ni Nath.

Tumango na lang ako bilang sagot. Ayts ganon na ba ako kagaling para aagree na lang? Joke HAHAHAHA

"So anong magiging theme" tanong ni Nathaniel.

"Ano kaya kung Carnival Celebration" tanong ng isang officer dito.

Umiling lang ako bilang sagot at narinig ko pang nag-suggest ang iba.

"Starry night?"

"Under the sea?"

"or Enchanted Forest na lang?"

Umiling ulit ako sakanila. "Parang masyadong magastos yun para sa gagamitin na materials"

Napatingin naman ako kay Ashlee na naka-tutok ang mata nya sa papel na sinusulatan nya. Tinawag ko na naman si Ashlee para mapatingin sya saken.

"ikaw ms. Del Moral suggestion?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lang sya sa akin at binalik na nya ang tingin nya sa papel na sinusulatan niya.

"You are the secretary here! We need your suggestion"

"Wala nga akong maisu-suggest e" sagot nya saken at binagsak nya yung ballpen na hawak nya.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now