Chapter 28

53 6 0
                                    

Someone POV

Bakit lahat na lang nakukuha mo ang atensyon nila?! Bakit gusto mong kunin lahat sa akin?! Bakit ka ganyan?! Ano bang ginawa kong mali sayo?!

Bakitt?!!!! Kinuha mo na atensyon ni Montague at Bengt, sino pa ba ang gusto mong kuhaan ng atensyon?! Sino?!

Kitang kita ng dalawa kong mata kung pano kayo mag-usap, kung paano tumitig si Nathaniel sayo, kung paano niya haplusin ang buhok mo, at kung paano nagawa ni Shawn na ipagtanggol ka lagi?!

Gusto kitang saktan pero hindi ko magawa, gusto kitang kalabanin pero ayoko na baka sila Nathaniel at Shawn ang makalaban ko. Gusto kong maging mabait sayo Ashlee pero hindi ko na kaya yung sakit.

"Ashlee Del moral, you keep me from the pain I feel."

Psyrille POV

Mag-isa akong pumunta ng pool area at hindi ko alam kung bakit andito ako pumunta, umupo na lang ako kung saan nauupo ang mga manunuod tuwing may magaganap na Olympic. Pinagmasdan ko ang malinis na tubig sa ibaba.

Ramdam ko rin ang malamig na simoy ng hangin dala na rin iyo ng tubig kaya malamig ang hangin. Habang nakamasid ako sa baba, biglang nag-ring ang phone ko at may tumatawag sa akin na unregistered number. Sinagot ko rin naman agad iyon.

[Hello! Asaan ka?" ] tanong nung nasa kabilang linya, nabosesa ko naman agad kung sino 'to

"Andito ako sa pool area, Nath"

[Alis ka na dyan! Tas punta ka sa tapat ng room 15 then andon na si Shawn sumama ka sa kanya kukunin nyo na yung gagawin na project] utos nito sa akin

"Bat ako pa? Pwede naman ikaw na lang" angal ko naman sa kanya.

[Tsk. That's my order kaya sumunod ka na lang] saad nya sa akin and he used his authority para lang sumunod ako.

Aish! Wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako sa utos nya at ibinaba ko na ang tawag saka pumunta na sa sinasabi niyang room.

***

Nang nakarating na ako sa room 15 wala naman doon si Shawn. Nag-antay ako ng 2 minutes doon pero wala pa rin sya. Aalis na sana ako ng dumating sya bigla... at may kasama sya.

Fvck eto yung kasama nya nung gabi ah.

Bat magkasama na naman sila? Nakatingin naman sa akin ang babae na naka-krus ang mga braso ko sa tapat ng dibdib ko.

"Kanina ka pa di-----"

"You're late mr. Montague"

"I'm sorry, so let's go?"Aya nya sa akin.

Humakbang na sya pero ako nanatili akong nakatayo dito at.nakita ko yung babae na sumunod kay Shawn. Lumingon naman silang dalawa sa akin.

"Hey! Tara na" aya ulit sa akin ni Shawn.

Hindi pa rin ako gumalaw sa pwesto ko at bumalik naman si Shawn para makalapit sa akin.

"Kasama talaga 'yang babae na yan?" Tanong ko at tinuro yung kasama nya.

Tumago tango naman si Shawn bilang pagsagot. Tsk.

"Pagkakaalam ko kasi tayong dalawa lang ang inutusan ni Nath na kunin yung gagawing project. And she's not involved here" sagot ko kay Shawn.

"Why? Gusto mo bang ma-solo si Shawn?" Tanong naman sa akin nun babae.

Wow! Humarap naman ako sa kasama ni Shawn at tinaasan ko ito ng isang kilay.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon