Chapter 24

60 5 3
                                    

Psyrille POV

12:00 noon

Inaya ako nila Kiara na pumunta ng cafeteria para kumain habang naglalakad kami papunta doon, napahinto kami ng may makita kaming nagku-kumpulan na mga estudyante.

Sumilip naman doon sila Peter, Martina at Clarisse saka kami nila Ynah ay umuna na sa cafeteria.

Nang naglakad ulit kami papunta doon, napansin kong andaming estudyante na andito sa corridor at habang nagku-kwentuhan kaming magkakasama nagulat ako ng biglang nahati sa gitna yung mga estudyante at ako lang ang naiwan dito sa gitna

"Ehh? Anyare sainyo?"

Parang akala mo may dadaan na hari sa gitna kaya humawi ang daan. Nagtaka naman ako kung bat lahat sila nakatingin sa akin at mga nagbubulungan.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Aish! Ang we-weird nila, nung naglakad na ako mga nakatingin pa rin sila sa akin.

"Ano ba kasing meron?"

Matagal na akong nag-aaral dito pero ngayon ko lang ito naranasan.

Napatigil ako sa paglakad ng may biglang tumigil na lalaki sa harap ko na nakasuot ng pang opisina na suot, medyo nanlaki ang mata ko at napatingala para tignan kung sino iyon.

Maglalakad na sana ako ng harangin nya ako, pupunta ako sa kanan haharang siya sa kaliwa naman haharang din sya. Sabog ba 'to?

Gusto nya ata maglaro kami ng patintero eh. Hindi na ako nagbalak pang humakbang, at hinarap ko na lang siya.

"Excuse me, baka po pwede nyo po akong padaanin may pupuntahan kasi ako" sabi ko dito sa lalaki na medyo irita na boses ko.

"Totoo talaga yung sinasabi nila, tunay nga na mataray ka" sagot naman sa akin neto na di ako tinignan at ngumiti.

"What? Anong sinasabi?!"

At dahil nakatingala ako sa kanya yumuko naman siya para magtama ang mga mata namin saka ngumiti ulit ng bahagya.

"Potek! Clarisse ilayo nyo na ako dito!!!"

"Ikaw si Ashlee, tama ba?" Tanong neto na malamig ang tono

Bago ako sumagot lumingon muna ako sa likuran ko pero palingon ko fvck wala na sila doon!. Ano yon ang weird shit bat bigla bigla na lang silang nawala?!

Kumunot naman ang noo ko sa tanong, kasi ampanget sa pandinig ng 'ashlee' "Psyrille po name ko 'di Ashlee"

"Pero Ashlee ang gusto ko itawag sayo"

Aba!!! Sarap sapakin neto ah.

"Ano po bang kailangan nyo?" Nakakunot noo kong tanong dito.

"Wala gusto lang kita ma-meet kasi lagi kang naku-kwento ng kapatid ko sakin"

"Then? Are you done? Pwede na ako maka-alis?" Tanong ko. Aisshhh gusto ko ng kumain taena.

Hinawakan niya naman ako sa wrist at hinila. Aray potaena makahila sakin kala mo di ako nasasaktan e. Nagpupumiglas naman ako sa kanya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkaka-kapit nya.

Taenaaa sino ba kasii tooo? Natatakot ako sa kanya shiittt.

(AN: antaray taray mo tas takot ka?)

Epal?

Nagpumiglas ulit ako at this time nabitawan na nya ako kaya kinuha ko na ang opportunity para tumakbo palayo sa kanya.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now