Chapter 33

67 6 7
                                    

Kiara POV

Sinama na nga ako ni Peter dito sa bahay nila hindi ko alam kung ano ba ang ibibigay niya sa aken ayts eto talagang bakla na 'to.

Pinaupo na nya muna ako saka siya umakyat sa taas nila para magbihis... Ilang minuto akong nag-antay at bumaba na siya na may dala pero hindi ko maaninag kung ano dala niya.

Tumabi na siya sa akin at inabot na yung dala niya at pagbukas ko nanlaki mata ko sa nakita ko.

Nagtaka naman ako kung bakit siya meron nito e wala naman siyang kapatid na babae di kaya sa kanya to? Pero posibleng kanya to, baka sumasali sya sa mga pageant?

"Gusto kong makitang suot  mo yan sa Sunday ahh" sabi sa akin ni Peter.

Pumayag naman ako sa gusto niya na isuot ko yung heels na inabot niya sa akin.

"Waahhh! Balik ko na lang sayo after debut ah HAHAHA!"

"NO, sayo na yan tange HAHAHA!"

"Halaaa! Gagi ka. Seryoso?" Tanong ko

"Oo seryoso ako tange HAHAHA"

"P-pero teka bat ka meron nito?" Takang tanong ko na.

"Hahaha! Mali yang iniisip mo hindi ako sumasali sa mga pageant HAHAHA sa pinsan ko kasi yan, ayaw na nyan kasi hindi na daw uso"

Nabigla naman ako sa sinabi niya jusko porket hindi na uso ayaw na potek na yan bagong bago pa oh ayaw na agad.

"Kaya sabi ng pinsan ko ibigay ko na lang kung kanino" sabi pa nya "kaya ayan mukhang kasya naman sayo"

Grabe! Ganon na lang ba sila kayaman? Namimigay? Shettt sanaol

Tumayo naman siya at iniwan lang akong nakaupo dito. Napalingon naman ako sa table sa gilid na may mga frame tinignan ko naman iyon isa isa

Nandon rin yung mga picture ni Peter noong bata pa sya HAHAHA ankyut andon rin yung sa kuya niya ibinalin ko na ang tingin ko sa isang malaking frame nagulat ako sa naka litrato doon.

M-mama?

Bigla naman ng dumating si Peter at inabutan ako ng baso at nagsalin ng juice. Nakatingin naman siya na parang alam na niya na may nakita ako.

Tinaasan ko naman siya ng kilay senyales iyon na bakit.

"P-peter?" Utal kong tawag sa pangalan niya.

"Pedro na lang, magkapatid na kasi tayo ngayoonnnn!" Masaya pang yumakap sa akin si Peter.

Hindi ko maintindihan? Baka namamalik mata lang ako kaya muli akong lumingon sa frame at tama si mama nga yung nasa picture.

So ibig sabihin yung pinakasalan ni mama ay daddy ni Pet---Pedro at ibig rin sabihin ka-kapatid ko si siya?

Waahhhh!!!! Ansayaaaa!!! Nalipat lang ako sa school na yon naging kaibigan ko na sila at naging kapatid ko pa si Pedro. Waahhh this is so very memorable.

"Kaya ikaw babaita ka dito ka na titira ha" sabi pa sa akin ni Peter

Napatango tango naman ako sa kanya shettt makakaalis na rin ako sa bahay ng tita kooo!

Ilang oras pa ako nakatambay dito sa bahay nila nakayuko ako habang nagce-cellphone katabi ko rin naman si Peter dito.

"ay Pedro may bisita ka pala" rinig kong sabi ng kung sinong kakadating lang.

Napatayo ako agad at yumuko ng onti bilang paggalang sa kanya. Nakarinig rin ako ng boses ng babae na tinawag ang pangalan ko.

Dahan dahan ko namang inangat ang ulo ko para makita ko kung sino ang tumawag sa akin. At pagtingin ko doon agad akong napalapit at napayakap sa kanya.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon