Chapter 1

200 9 0
                                    

Psyrille's POV

"Ate Psyrille!? Ate Psyrille!?" Malakas na tawag sa pangalan ko

"Ano ba Clarisse ang lakas ng boses mo oh" sagot ko sa kanya

"Nasaan ba kasi sila Beatriz!?" malakas na tanong pa rin nya

"Aba! Malay ko, ako ba tanungan ng mga nawawalang tao ha?" Inis na tanong ko sakanya

Imbes na sagutin ako, inakbayan n'ya na lang ako at hinila papunta sa cafeteria at umupo sa gilid malapit sa counter

She is Ashnee Clarisse Del Moral isa sa mga kaibigan ko na maingay at hindi ko lang pala sya kaibigan kakambal ko din pala sya, parang lalaki kung kumilos, maputi, matangkad, tamad mag-aral pero nakakasama sa mga highest top, mahilig magmura, half tao half animal, syempre maganda--este pogi daw hays HAHAHA hindi ko alam kung bat naging kakambal ko 'to

At nakita ni Clarisse sila Ynah na nasa ibang table, saka sumigaw si Clarisse na nakaagaw sa atensyon ng ibang estudyante.

"Hooooyyyy! Ynaaahhhh pota pumunta kayo dito!!" malakas na sigaw ni Clarisse kila Ynah

"Woy ano ba wag ka nga sumigaw" saway ko sakanya na ikinatigil niya

Nang sinaway ko na si Clarisse maya-maya lang ay lumapit na sa table namin si Ynah kasama sila Beatriz, Sky, Peter, Jynpher at Maxxine at biglang nabalot ng katahimikan ang buong loob ng cafeteria. At mamaya lang non ay biglang umingay na at hindi lang katulad kanina kundi ay mas umingay pa, nakita lang naman nila ang isang lalaking kinaiinisan ko kasama pa ang mga kaibigan nya.

"Yow! Ashlee Psyrille Del Moral?" Banggit nya sa buong pangalan ko at sabay kumindat /*yucks

"Kailangan talaga buong pangalan ko ha?" Tanong ko sa kanya at tinignan siya ng masama

"Syempre ang ganda kaya ng pangalan mo HAHAHA" sagot pa nya at humagalpak ng tawa na ikinasimangot ko

"Happy ka na don ha Ranier?" Tanong ko sakanya at naglike sign

"Oo HAHAHAHA ganda-ganda e HAHAHA"sagot nya at tumawa nanaman, isa pang tawa neto lilipad 'to pauwi sa bahay nila

"Ranier lumayas ka nga sa harapan ko!" Inis na sabi ko sakanya

"Paano ako aalis sa harap mo e nasa gili--"

"O edi lumayas ka sa gilid ko!!" Hindi ko na sya pinatapos magsalita bastos na kung bastos basta umalis lang sya sa tabi ko

"Bat ka nagagalit? HAHAHA" tanong pa nya ayts nakakayamot na 'to ah

Hindi muna ako sumagot at kinuha yung baso ng juice at tinignan ko muna saka iniharap sa kanya.

"Nakikita mo 'tong juice na 'to? Well alam ko naman nakikita mo 'to kasi may mata ka, ang sinasabi ko lang naman ay pag hindi ka pa umalis sa paligid ko etong juice na 'to matatapon ito sayo at kapag natapon to sayo malalagot ka kay Ma'am kasi wala kang pamalit na uniform, kaya kung ako sayo umalis ka  na dito" mahabang suhesyon ko sa kanya at saka ngumiti

"Malalagot ka rin kay Ma'am dahil hindi naman ako malalagot kung hindi mo ko tatapunan ng juice" sagot naman nya

"I have a reason kung bat kita tatapunan ng juice diba?"

Tinitigan nya lang ako na para bang nagmamakaawa na wag na s'yang tapunan ng juice HAHAHA at saka tumingin ako kay Nathaniel

"Nathaniel, pakibalik na nga 'tong si Ranier kung saan man s'ya galing" utos ko kay Nathaniel

"Ayoko, sino susundin mo ako o si  Psyrille ha?" Singit ni Ranier

"Tanga syempre si Psyrille, ayokong mapagalitan gago wag mo kaming  madamay damay dyan aba" sagot ni Nathaniel sa feeling boss na Ranier na yon

"Tara na nga pre tanga mo nagpapa-under ka sa babae" sabi pa ni Ranier

"Mas tanga ka hindi ka nagpapatalo sa babae"

"Takte! Umalis na nga kayo!"

"Eto na nga aalis na eh"-Nathaniel

Pagkaalis nila binalik ko na ang tingin ko sa mga kaibigan ko at nagulat ako natingin sila lahat sakin. Teka may kasalanan ba ko? Bat lahat sila nakatingin sakin? Nagulat pa ko biglang tumawa si Sky at may itinanong

"Bat parang yamot na yamot ka kay Nier ha? HAHAHA!" tanong ni Sky at tumawa na naman, nakakaloka yung tawa shemay

"Eh kasi nakakayamot sya eh" sagot ko saka umirap

"Eh ate, pano yung tapon ng juice? HAHAHA!" pang-aasar pa ni Clarisse, sakanya ko itapon yung juice eh

"Tumigil nga kayo, nayayamot ako don sa lalaki na yon" sabi ko sakanila at saka umirap ulet

Hindi ko alam kung bat naiinis ako lagi sa lalaking yon dahil siguro sa lagi syang nang-iinis? Pero bat ba lagi syang nang-iinis ano trip nya lang e gago sya

"Ano hindi pa ba tayo papasok sa room?" Tanong ni Maxine

"Ay oo nga pala tara na gagawa pa ko ng assignment HAHA!" sagot ni Clarisse na ikinatawa namin lahat, odiba ansipag nya talagang mag-aral HAHAHAHA

***

Pagpasok namin sa room bumungad agad samin ang ingay ng mga kaklase namin at batuhan ng mga papel nang malapit na kami sa upuan namin biglang may tumama sa ulo kong bolang papel at tumingin ako sa unahan kung sino man ang nagbato non at nakita ko sa unahan ang humahagalpak ng tawa na si Ranier

Natigil sya ng tawa ng makita niyang nakatingin ako sakanya.

"Saya ka na don ha?" Tanong ko sakanya at naglike sign ulit at naglike sign din sya sakin bilang sagot at tumawa ulit, amp*ta sasapakin ko na talaga to e

Tumungo muna ako desk ko para hindi ko makita pagmumukha ng Sean Ranier na yon grrrr! Nanggigigil talaga ako don. May naramdaman akong may lumapit banda sa tenga ko at may ibinulong

"What if mapamahal ka kay Ranier?" Biglang tanong ni Ynah na ikina-angat ng ulo ko para maharap ko sya

"Ynaaahh!!" Malakas na sabi ko sya pangalan nya "bat naman ako mapapamahal don eh kinamumuhian ko nga yon diba! At never akong mapapamahal don!" Inis na sagot ko kay Ynah na ikinatawa nya ng mahina

"Eh bat parang namumula ka?" tanong nya

"Syempre namumula ako tisay ako e HAHAHA" kunwaring sagot ko HAHAHA

"HAHA sanaol tisay"sabat ni Jynpher

"Wow! Kala mo talaga totoong tisay e" pang-aasar ni Clarisse

"Hoy! Clarisse manahimik ka dyan ah, nangangarap lang naman ako e HAHAHA"sagot ko sa kanila

***
Clarisse's POV

Naglalakad na kami pauwi ni ate Psyrille ng may nadaanan kaming fastfood, tumigil muna kami ni Ate don para kumain at mag-uwi na rin pagkain para kay Kuya. At umorder na si Ate habang nag-aantay ako sakanya may lumapit sakin ng grupo ng lalaki I think mga lima sila.

"Hey! Miss, may kasama kaba?" tanong ng isang lalaki sakin

"Obvious naman diba na may kasama ako kasi may nakalagay na bag dyan sa isang upuan duh." sagot ko sa lalaki at tumingin ng masama

"Hmm, pwede kaming maki-join?" tanong naman ng isang lalaki na naka cap

"Tangena HAHAHA nagpapatawa ka ba ha kuya kita mong dalawang upuan lang andito oh"sabi ko sakanila walang kwentang kausap tsk "walang kwentang kausap, umalis na nga kayo"

***

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu