Chapter 31

58 4 3
                                    

Psyrille POV

Hindi ko alam kung bakit ganon siya humarap sa akin. Kung bakit naging ganon siya bigla, tae hindi ba niya alam na sobrang nakakainis yung mga pinagsasalita niya. Tulad nun you're mine chuchu na yon tas yung baby baby na yon nakakagigil yon sobra.

Lumapit na lang ako sa study table ko at kinuha ko yung sketch pad ko. Habang binubuklat ko iyon isa isa may nakaagaw ng pansin ko na may calligraphy ko don na parang hindi ko gawa, napatingin naman ako sa baba ng callig na may nakapirma don. Ay jusko alam ko na kung sino gumawa nito HAHAHAHAHA!

Nag-isip ako ng ica-callig ng maisip ko yung quotes na 'im trying really hard not to hurt again'    kumuha na ako ng iilang brush pen at sisimulan ko na sana ng maisip na wag na yung quotes na yon mukha naman kasi akong broken kung ganon HAHAHAHA!

nag-isip ako ng nag-isp kung ano ilalagay ko sa sketch pad ko. Napalingon naman ako sa pintuan ng kwarto ko na nakatayo doon si Clarisse na nakangiti ng nakakaloka sa akin. Lumapit naman sya sa akin tas kinuha niya yun sketch pad ko at pinakita nya yung gawa nya HAHAHAHA late ka na sis nakita ko na yan.

"Ganda ng gawa ko no ate" pagmamayabang neto sa'kin.

Tumango lang ako sa kanya at pinipigilan ko ang tawa ko.

"Suportahan mo naman gawa ko Ate" naka pout pang sabi neto.

"Ampanget mo pag naka pout Lalyn HAHAHAHA jokk"

"Ang sama mo Lalys" sagot neto sa akin kaya napatingin ako sa kanya "ate Lalys yon 'di mo lang narinig yung ate" saad pa neto.

"Sampalin kita e"

"Ay nga pala ate tinignan ko yung mga album mo" seryosong sabi sakin ni Clarisse

"Oh ano ngayon?"

"May nakita ako" nakangiti pang sabi nito.

"Malamang may mata ka, tsk!" Pamimilosopo ko dito.

"Tignan mo 'to ate"

Nakita kong tinanggal nya yung case ng phone nya at parang may kinukuha don. Ano naman kaya ang ipapakita neto-.-

Iniharap na nga nya sa akin yung kinuha nya sa likod ng phone at bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng titigan ko iyon.

Bakit na sa kanya iyon?

Clarisse POV

Pinakita ko na kay Ate yung litrato na nakita ko sa drawer niya napatayo naman siya agad at kinuha niya sa akin yung hawak kong picture. Bakit ba kasi nagkaroon non ate?

Tinitigan naman niya iyon at kumunot ang noo niya sabay pinunit niya iyon sa gitna. Agad ko naman kinuha iyon sa kanya.

"Bakit mo pinunit ate?" Tanong ko sa kanya.

"Hays wag mo na i-keep yan Clarisse, itapon mo na yan!" Medyo tumaas na ang boses nya.

"eh wait ate bago ko 'to itapon gusto ko muna malaman kung bat meron ka nito"

"Ayoko! Ayokong malaman mo!"

Tumingin lang ako sa kanya na para bang nag-aantay ako ng sagot.

"Ay nako Clarisse ayoko nga!"

"Ateee, sige maglihim ka pa" pangongonsensya ko sa kanya.

Ayaw niya talagang sabihin kaya nag-isip ako ng pang black mail sa kanya para sabihin na niya.

"sige ate, pag di mo sinabi sakanya ako mismo magtatanong."

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now