Chapter 14

64 5 0
                                    

Psyrille POV

bumalik na nga kami ni Shawn sa room at hindi ko muna sasabihin sa kanila na nai-cancel na iyon. Habang nag uusap kame hindi ko maiwasan ang mapalingon lagi sa gawi nila Shawn.

At nahahagip ng mata ko na nakatingin ng masama si Leigh sa akin

"Masu-suspend na nga lahat lahat, nakuha pang lumandi sa likod ng school!!" Rinig kong malakas na sabi ni Leigh, alam ko at kilala ko kung sino ang pinaparinggan nya kundi AKO lang naman.

"Wag kayong ganon Girls ah wag kayong flirt, huwag kayong gumaya sa kanya!!"madiin na pagpaparinig nya ulit

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Kiara at sinagot si Leigh.

"Keylan ka ba titigil sa kaka-ganyan mo ha?! Sumusobra ka na kay Psyrille e!"saad ni Kiara at dinuro si Leigh

"Ay wow, bakit natamaan ba kaibigan mo sa sinabi ko ha?"tanong naman ni Leigh

"even if you don't mention the name, we know, Psy is the one you are beating!"sagot na rin ni Sky na nakatayo na rin.

Nakita kong nakatayo na si Leigh sa gitna at nakaharap sa amin.

"Hey! ano Psyrille kapit-kaibigan? Ikaw ang humarap mismo sa akin" sabi sa akin ni Leigh na gustong gumawa ng eksena sa loob ng room

Tumayo ako at pumunta agad sa harap ni Leigh. Harap-harapan kame, nakita kong nakataas ang isang kilay nya

Sinampal agad ako ni Leigh nang pagkaharap ko sa kanya, hindi ko alam kung bat napangiti pa ako non. At alam kong nakita ng lahat ng kaklase ko ang nangyare, hindi rin ako nag-expect na tutulungan nila ako lalo na ni Shawn kasi alam ko na kayo ko tong si Leigh

"Ilang beses ko bang uulitin sayo na tigilan mo ang pakikipaglandi kay Shawn ha!" Sigaw sa akin ni Leigh at napangisi na lang ako

"Are you sure na nilandi ko yang Shawn na yan ha?" Sagot ko kay Leigh at saka tinuro si Shawn

"Yeah, kitang kita ko na nakapatong yang ulo mo sa balikat ni Shawn!" Galit na sabi nya sa akin

"Oh really? You don't know what my situation is." Sabi ko sa kanya na mahinahon lang ang boses

"I-I know your situation "

"Oh talaga? Sige, what my situation is?"

"Starting tomorrow you are suspended b*tch"sagot ni Leigh

"Yun lang? HAHAHA katawa ka naman Leigh HAHAHA"

"Why are you laughing, b*tch?"tanong nya sa akin, nang marinig ko na naman yung b*tch na yan nagsimula na naman akong mainis

"Psyrille ha not b*tch" sabi ko sa kanya na naka taas ang isang kilay

"Pake mo ba ha? B*tch gusto ko itawag sayo e"

Naiangat ko ang kamay ko para sampalin sya ngunit napigilan agad ng sarili ko. At nakita ko si Leigh na nagulat nang malapit ko na sya'ng sampalin.

"Oh sorry, hindi nga pala ako gumaganti sa babaeng bukam bibig lagi ang pakikipaglandi ko kay Shawn" sabi ko at ibinaba ko na kamay ko "at kung magiging stalker lang din kita ayos-ayusin mo ang pag-sstalk sakin ah. Saka aral ka pa ng mabuti ha Leigh, sige upo ka na sa upuan mo baka mangalay ka dyan hahaha" sabi ko kay Leigh at tinalikuran ko na sya at bumalik na ako sa upuan ko

Aish! Gumawa na naman sya ng eksena dito. Kelan ba to mananahimik hahaha... Nag-antay na lang kame na mag-uwian habang nag-aantay kami ng uwian kinain na namin yung inabot sa akin ni Shawn na mga chocolates, hindi ko alam kung sa kanya ba galing yon o sa iba hayss

Habang kumakain kami bigla na lang nag-bell hudyat na para umuwi na kami, dali dali naming niligpit yung mga pinagbalatan ng chocolates.

Lumabas na nga kami ng school at trip namin na maglakad lang pauwi kahit mainit pa HAHAHA

Naglalakad kami sa gitna ng initan, at nagpunas ako ng pawis ko gamit yung panyo na binigay ni Shawn habang nagpupunas ako nakatingin sa akin si Kiara na parang mag ibig sabihin yung pagtingin nya sakin

Natigil ako sa pagpunas ng tanungin nya ako.

"Kanino yang panyong hawak mo?"tanong sakin ni Kiara at di agad ako nakasagot, bat parang laging seryoso mga tanong nila sa akin parang lagi akong kinakabahan "i know na hindi sayo yan kase wala kang dala na panyo kanina" makatwirang saad nya ulit. Sasagot na sana ako ng naunahan ako ni Clarisse

"Ikaw kase ate! Kung saan saan ka pumupulot ng gamit una yung school uniform at pangalawa ayan naman panyo, meron naman tayo sa bahay nyan kung san san kapa kumukuha, tsk!" Sigaw sa akin ni Clarisse natawa naman ako sa sinabi nya, at umirap pa sya, aba! Dukutin ko mata neto eh

"Eyy, excuse me hindi ko pulot tong panyo na to ha, may nagbigay sa kin neto.

"At sinong nagbigay nyan?" Mataray na tanong ni Jynpher na akala mo ate ko na.

"si Sha--- hindi nyo na pala kelangan malaman" sagot ko sa kanila at umirap na lang

"ahh si Shawn Montague ang nagbigay HAHAHAHA" pang aasar pa ni Martina at inirapan ko lang sya

"Ayiiieeee, hindi ka na ba naiinis kay Shawn?" Dugtong pang tanong ni Sky, arrgghh kainis tong mga toh!!!

"Tumigil nga kayo ano ba!!!"

"Oh ee bat guilty ka ha? HAHAHA"-Maxine

"Yiiieee Psyrilleeeee! Nagiging close mo na ba si Shawn?" Kinikilig pang tanong ni Peter, ayts bakla talaga to

"Ha?! Hindi ako guilty, pinapatigil ko lang kayo"

"Sabi nga namin hindi ka guilty HAHAHA" sabat pa ni Ynah

Napansin kong hindi sa amin nakiki-halubilo si Kiara samin, tumabi ako sa kanya para kausapin sya

"Hey, bat antahimik moooo, di ako sanay na tahimik kaaaa" sabi ko sakanya,  di talaga ako sanay na tahimik sya e madaldal kasi sya pag kami kami magkakaharap.

Seryoso sya'ng tumingin sa akin. Fvck bat ganon?

"Ayokong magkaroon ka ng feelings para sa kanya..." unang sabi nya sa akin pero pinutol ko ka agad

"Feelings? Para kanino?"

"Para kay Shawn, why? Basta ayoko, pero kung magkakaroon ka ng feelings sa kanya at susundin mo ang puso, susuporta pa rin ako sayo"

"Pero bakit nga Kiara?"

"Kase iba ang pakiramdam ko kay Shawn, I think you don't deserve the man like Shawn"

"Bakit mo naman nasasabi yan? Hahaha sigurado ba tayong magkakagusto ako kay Shawn HAHAHA"

"of course not, hahaha pero baka sakali lang HAHAHA basta wag mo na isipin yon" sabi nya sa akin ng niyakap ako, baliw talaga tong babaeng to HAHAHA

Hindi na ako sumagot saka nagpatuloy na lang kami maglakad. Nang naglalakad na kami apaka ingay ni Clarisse kala mo ngayon lang nakalabas sa kalsada

Nakarating kami sa bahay nila Ynah, tatambay lang naman kame dito kasi masyado pa daw maaga para umuwi pft HAHAHAHA

Pumasok na kami sa bahay nila Ynah at walang katao tao dito nasa business trip daw sila tita at tito. Inaya kami ni Ynah na pumunta sa garden nila para doon kami mag-stay.

May dala dala rin si Ynah na mga chips at drinks para naman may makain kami dito jusko HAHAHA

*****

Ms. Elara❣

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now