Chapter 12

59 5 0
                                    

Shawn POV

Nung marinig ko yung sinabi ni Sir Mendoza na isu-suspended nya si Psyrille nag-alala agad ako para sa kanya, may chance na bumaba mga grades nya at marami rin sya'ng mami-miss na lectures.

Pagkatapos ng discussion ni Sir pumunta na kami nila Kenneth sa cafeteria balak ko sanang kausapin ni Sir after netong breaktime tutal wala naman kami next subject kaya kakausapin ko si Sir about sa pagka-suspend ni Psyrille. Pero naisip ko na ang guidance teacher na lang ang kakausapin ko

Pumunta na ako sa office ni Ms. Joyce na guidance teacher para kausapin sya, kumatok muna ako sa pintuan bago pumasok. At pagkapasok ko umupo na ako sa isang upuan na nandoon

"Yes? Anong kailangan mo Mr. Montague?"tanong agad ni Ms. Joyce

"Ahm about po yung kay Psyrille"

"Huh? What are you talkin' about?" Naguguluhang tanong ni maam

"Ah ms. Joyce kasi po si Sir Mendoza po isususpend po si Psyrille ng one week"

"Hmm why?"nakakunot noo tanong ni Ms. Joyce

"Ilang minuto lang ho na-late si Psyrille sa subject nya bibigyan na nya po agad si Psy ng suspension paper. At Ms ang pakiusap ko lang naman ho kasi kung pwede po ahm kung pwede po ay hindi na po siya ma-suspendido" kinakabahan kong sabi kay ms. Joyce

"Yeah sure, pwedeng ipagpasawalang bahala ang kasong iyon, wag kang mag-alala, iho, ako na ang bahala kay Sir"sagot sa akin ni Ms. Joyce at tumango lang ako at tuluyan na akong lumabas ng office

Pinipilit kong maging komportable pero mas lalo akong magiging komportable kapag nalaman ko ng hindi na sya masu-suspend

(AN: nakapa-alaga naman ni Shawn kay Psyrille sanaol. May gusto ka ba kay Psyrille ha?!)

Tang*na Ms. A, wala akong gusto kay Psyrille. Gumawa ako ng paraan para hindi sya masuspend kasi ayokong mapabayaan nya ang pag-aaral nya. Hindi porket maalaga ako kay Psyrille may gusto na agad ako HAHAHA

(AN: wews? Eh bat sabi ni Nathaniel haha may gusto ka hahaha)

Sus Ms. A wag ka maniwala don nag-aadik na naman yon. wala akong gusto kay Psyrille

Hindi sya ang tipo kong babae, mas tipo ko yung mga ganon kay Jaychelle, ma-effort si Jaychelle hindi kayang manlaban. Yes, gusto ko sa babae ang hindi kayang manlaban but humahanga ako kay Psyrille na kaya nya'ng lumaban

Sh*t bat hanggang ngayon naiisip ko pa rin sya?  kahit patay na sya naiisip ko pa rin. Gusto ko na sya'ng kalimutan pero paano?!

Pumasok na ako ng room at nadatnan na andoon na sila Nathaniel umupo na ako sa tabi ni Kenneth, sa dulo kami nakaupo, nakikita ko ang kilos ng bawat isa sa mga kaklase ko pero isang tao lang ang hinahanap ng mata ko.

Tumingin ako sa lahat, nilibot ko ang tingin ko at sa wakas nakita ko na rin sya na nakaharap sa likod kung saan kami banda nakaupo at nakangiti sya ngunit ang nakita ko sa mukha nya ay mukha ni Jaychelle.

Mabilis akong umiling para kalimutan ang mukha'ng nakita ko

"Arrghhh! Shawn keylan mo ba sya makakalimutan?!" Inis kong tanong sa sarili ko at namalayan ko na lang na nahampas ko na ang desk ko at napatingin sa akin si Kenneth

"Oh pre, anong nangyari sayo?" Tanong sa akin ni Kenneth

"Pre, di ko pa sya makalimutan. Paano ba sya kalimutan?" Tanong ko rin sa kanya

"Madali lang naman sya'ng kalimutan e pre, kung hindi mo sya lagi iisipin at isa pa kaya hindi mo sya nakakalimutan kasi di mo sya kinakalimutan"sagot nya agad sa akin na parang alam na nya agad kung sinotinutukoy ko, hindi agad ako nakasagot "ganto kasi yan pre, gawin mo ang kalimutan sya wag puro susubukan ha, gawin mo pre"makatwirang saad ni Kenneth

Tumungo na lang ako sa desk ko at naisip yung sinabi sa akin noon ni Nathaniel parehas na parehas sila ng sinabi sakin ni Kenneth

Wala naman magtuturo sa amin ngayon kaya naisipan kong tumambay muna sa library doon muna ako sa tahimik na lugar.... pumasok na ako sa library at umupo ako sa pinakamahabang lamesa na may isang nakaupo na babae at nagbabasa siya

Tinignan ko yung librong hawak nya na nakatakip sa tapat ng mukha nya at nakita ko na wattpad book ito. Naisip ko na guluhin siya

"Hey!... Psst... oyyy"tawag ko sa kanya pero hindi pa rin niya binababa ang libro na nakatakip sa mukha niya. Tinawag ko ulit sya at this time binaba na nya ang libro.

Nagulat ako sa mukhang tumambad sa akin, tumingin sya sa akin na nakataas ang isang kilay

"A-anong ginagawa m-mo dito?"nauutal kong tanong sa kanya

"Pft malamang nagbabasa" sagot nya sa akin

"Nga pala ayos ka lang ba?"

"At bakit mo naman tinatanong ha?"

"Syempre about sa pagka-suspend mo"sagot ko sa kanya

"So, kaya moko kinakamusta kasi aasarin mo ko, pwes anong pakealam ko sayo?"sagot naman nya sa akin at umirap na naman. Attitude sya ah

"No. Di kita aasarin Psyrille"

"Kung di mo ko aasarin, dyan ka na bahala ka na sa buhay mo, uuwi na ko"sagot nya sa akin ng aktong tatayo na sya hinawakan ko sya sa kamay para pigilan sya at pinaupo ko uli

"Hindi ka pwedeng umuwi, baka ma-suspendido ka ulit nyan"

"Anong pake ko? Ganon din naman yon eh suspendido na ako at kapag umuwi pa ko ngayon edi suspendido ulit HAHAHA edi another one week ulit diba ansaya HAHAHA"

Hindi na ako sumagot kasi umalis na lang sya bigla sa harap ko at naiwan ang librong binabasa nya. Wala talagang takot ang babaeng to kahit ilang suspendido pa ang gawin sa kanya, ayos lang sa kanya

Bumalik na rin ako sa room at nakita kong nakaupo si Psyrille sa tabi ni Ynah na iritang irita ang mukha, ibig lang sabihin nyan ay hindi sya pinayagan nila Ynah na umuwi.

Natatawa ako sa itsura ni Psyrille ngayon irita sya ngayon HAHAHA umupo na ako sa upuan ko at pinagmasdan ulit ang mga kaklase ko

♡♡♡♡

Ms. Elara❣

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now