Chapter 13

79 6 2
                                    

*****

Kiara POV

This day makukuha na ni Psyrille ang suspension paper na ibibigay ni Sir, nag-aalala kami para sa kanya, kakapasok lang namin  dito sa room at nilagay ko muna sa upuan sa tabi ni Sydney ang bag ko at lumapit na ulit kila Sky.

At dahil transfer lang ako ngayon ko lang nalaman na kapag na-late or hindi mo pinasok ang isang subject automatic suspended ka, at nalaman ko rin na kapag ibibigay sayo ang suspension paper ipapatawag ka at papapuntahin ka sa office estudyante pa talaga ang mag-aadjust tsk, like Psyrille, imagine na-late lang sya ng ilang minutes na-suspend agad sya tss

Inantay na lang namin na dumating yung naniwala kay Leigh na hindi daw papasukin ni Psy yung subject nya at nagpataw ng suspendido kay Psyrille na si Sir Mendoza, tsk

Bumalik na ako ng upuan ko kasi sa tingin ko malapit nang dumating si Sir. Nagulat ako ng kausapin ako ni Sydney, myghhaaadddd kinausap nya akoooo.

"Eyy! Kiara ano ayos lang ba si Psyrille?"tanong sa akin ni Sydney

"Ahm para sa kanya ayos lang sya"sagot ko sa kanya ng hindi tumitingin

"Ipapatawag sya sa office mamaya? Right?"

"Oo eh"

"W-what if pinag-cancel ang pagsuspend sa kanya?"tanong nya ulit sa akin, napakunot naman ako ng noo

"Edi masaya kasi di na sya masususpend, pero malabo mangyare yon kasi kung talaga pinag cancel na yon kahapon pa lang dat sinabi na ni Sir yon"saad ko sa kanya at nagkibit balikat

"Hmp sabagay" sagot nya sa akin

Maya maya lang ay pumasok na si Sir para patahimikin lang kame at nang naging tahimik na kami lumabas na ulit sya, hindi na sya magtuturo sa amin. Tumingin ako sa kaliwa ko para makita si Sydney at ng makita ko sya nakatingin sya ng matagal kay Jynpher na kaibigan ko rin .

Habang pinagmamasdan kong nakatingin si Syd kay Jyn, biglang nakaramdam ako ng masakit sa puso ko na naramdaman ko noong nasa ibang bansa ako.

Sh*t naramdaman ko nanaman yung nangyari noon.

Shawn POV

Nagsilapitan sa upuan namin sila Renz at nag-usap usap. Nakatulala lang ako habang nag uusap sila, naririnig ko mga pinag uusapan nila pero hindi ko naiintindihan

At naramdaman kong tinatapik na ako ni Nathaniel

"Woy pre, kanina ka pa namin tinatanong, lutang ka na naman"saad sa akin ni Nathaniel

"Ayy sorry sorry"sagot ko at umiling iling

Hindi ko na nahintay na magsalita sila at bigla na akong tumayo at nagpaalam sa kanila na may pupuntahan ako.

Pupuntahan ko si Ms. Joyce para ma-confirm kung talagang napa-cancel nya yung about kay Psyrille

Pumasok na ako sa office ni ms. Joyce at buti na lang andoon sya at kinausap ko na sya

"Ms. Joyce, musta na po yung sa pagkasuspend ni Ms. Del Moral?" Tanong ko kay ms. Joyce

"Wag ka na mag-alala Mr. Montague nakausap ko na si Sir Mendoza, at hindi na matutuloy ang pag-suspended kay Ms. Del Moral"sagot sa akin ni Ms. Joyce at ngumiti, ngumiti rin ako sa kanya at magalang na nagpaalam saka tuluyan na akong lumabas ng office

Nang pabalik na ako sa room, nakikita ko na yung saya ng mga kaibigan ni Psyrille kapag nalaman nilang hindi na suspendido si Psyrille. At may dala nga pala akong bottled water saka mga chocolates  na ibibigay ko kay Psyrille. Nautusan ako ng isang kilala ko na lalaki na ka-school mate namin na iabot ko raw ito kay Psyrille.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang