Chapter 30

55 4 0
                                    

Shawn POV

Andito kami ni Lyka sa rooftop dito sa school at pinapakita nya sa akin yung itinuturo ko sa kanyang dance steps. Mukha naman nakukuha na nya ng maayos yung steps.

Nang tapos na nya ipakita sa akin yung tinuro ko tumabi sya ng upo sa akin sa sahig. At inabutan ko siya ng tubig saka tinanggap naman niya iyon.

Nagulat ako ng may binanggit siya na hindi ko maintindihan.

"I was annoyed at Psyrille" biglang saad nya sa akin kaya naman napalingon ako sa kanya na kumunot naman ang noo ko.

"Lagi na lang ang taray ng tingin nya sa akin. Nakakainis na" dagdag pa niyang sabi.

Lalo naman kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Masanay ka na sa kanya, ganon talaga siya tumingin" paglilinis ko naman sa pangalan ni Psyrille.

Tumayo na lang siya at tumanaw sa baba ginaya ko naman ang ginawa nya na tumanaw rin sa ibaba.

Biglang sumagip sa isip ko na, na dapat pagkatapos nito ay dapat hindi na kami magkita ulit ni Lyka... Tama hindi na dapat kami magsama.

"ahm Lyka" tawag ko sa kanya at lumingon naman sa akin "pag tapos nito hindi na ulit tayong magkita ulit"

Tumingin naman sya sa mga mata ko na nagtataka.

"Basta, gawin na lang natin yung sinabi ko ha" sagot ko sa mga mata niyang nakatingin sa akin.

Napatango naman sya "pero paano na yung dance steps na tinuturo mo sa akin"

"Kabisado mo naman na eh, saka nabigay ko na rin sayo yung tugtog ng sasayawin mo."

Hindi na sya sumagot at tumango na lang ulit. At ilang minuto pa kaming nakatanaw sa ibaba ng biglang may dumating pa dito sa rooftop kaya naman sabay kami napalingon ni Lyka doon.

Nagulat ako ng makita ko itong dumating dito. Saglit iyon napatingin sa akin at binaling na niya ang tingin kay Lyka. Eto nga ang sinasabi sa akin ni Lyka na ang taray nga tumingin ni Psyrille.

Bigla naman nag-wika si Ashlee.

"Ay andito pala kayo, sorry Shawn at Lyka, naistorbo ko kayo."saad ni Ash sa amin at yumuko ng onte at tumalikod na paalis.

Hinabol ko naman siya at hinawakan ko sya sa kamay kaya napahinto siya sa paglalakad. At tumingin naman yung mata niya sa akin ng kay taray taray.

"Ano?!" Tanong nya sa akin.

"Dito ka muna" 'di ko alam kung bat ganyan nasabi ko.

"Ayoko! Wala naman akong gagawin dito!" Napangiti naman ako ng kalahati ng makita kong umirap siya.

Pilit niyang inaagaw sa akin yung kamay nyang hawak ko pero mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay nya.

Pinigilan ko si Psyrille nang aktong aalis na siya. Buti naman at napigil ko siya, akala ko tumigil siya para sa akin pero hindi pala.

"Ano ba! Aalis na ako! Wala naman pala dito ang hinahanap ko!" Iritang sabi nya sa akin.

"Sino ba hinahanap mo?" Tanong ko sa kanya at binitawan na ang kamay niya

Napansin ko naman na umalis na rin si Lyka dito.

Nilabas ni Psyrille ang phone nya at hinarap sa'kin... tinitigan ko ang screen ng phone nya at nabasa ko na may nagpapapunta sa kanya dito sa rooftop at yung nagmessage sa kanya nun ay yun kinukwento nya sa akin unknown number kuno.

The More You Hate, The More You Love (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora