Chapter 6

38K 787 31
                                    

Nalulula sa nakikita si Mia. Naroroon siya sa harapan ng gate ng mansion kung saan nagbubuhay-reyna ang kanyang ina. And damn, but the mansion was big enough to house fifty people! Mistula iyong isang palasyo na nakatayo sa itaas ng bundok.

          She was expecting that the Travillas were rich. Dahil iyon ang sinabi sa kanya ni Detective Kalinawan. But she never expected them to be this filthy rich. She fumed in displeasure. It made her hate her mother even more.

      Mga dalawampung metro ang layo mula sa kinatatayuan niya ay kitang-kita niya ang malaking puting bahay na may accents na yellow ochre at Tegula tile-roofing. The house was a modern Carribean in architectural design, and was simply majestic. It was surely built to impress and not just to house a family.

          Napapaligiran ang malaking mansion ng malapad na Bermuda lawn at natural na landscaping. The natural sloping terrain of the land added more to its allure. Maraming mga puno ng Fire Tree sa paligid at ang pulang bulaklak ng mga iyon ay lalong nakadagdag sa kagandahan ng mansion.

          “Sino po ang sadya ninyo, Ma’am?”

          Mula sa façade ng mansion ay nalipat sa security guard ang pansin ni Mia. Nakatayo ito sa loob ng gate at sinusuri siya ng paningin mula ulo hanggang paa.

          “I’m looking for Jasmin Travilla.” Bagamat kumukulo ang dugo sa galit ay nagawa niyang ngitian ang guard.

          A puzzled look passed in the guard’s eyes pagkatapos ay napakamot ito sa ulo. “Sino po kayo Ma’am at ano ang sadya ninyo kay Ma’am Jasmin?”

          Isang malalim na hininga ang hinugot niya at pinatatag ang sarili. “I’m Mia Catherine Fernan, anak ni Jasmin Fernan Travilla. I’m here to see my mother.”

          Hindi niya alam kung matatawa sa nakitang reaksiyon ng guwardiya. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatutok ang paningin sa kanya. Of course, they didn’t expect Jasmin to have a daughter. She was her mother’s darkest, best kept secret. And she was here to expose her dirty laundry.

Ilang sandaling hindi nakahuma ang guard. Ngunit maya-maya ay sumeryoso ito nang makabawi mula sa pagkabigla. “Baka lang nagkakamali kayo ng pakay, Ma’am-“

          “I know what I’m doing,  guard,” kaagad na sansala niya sa guwardiya. “I’m not crazy. I’m here to see Jasmin, my mother.” Matigas na ang boses niya. “I know that she’s just inside her mansion, chillin’ like a villain,” sarcastic na wika niya. “So better tell her that her daughter is here to see her. Aantayin ko siya rito sa labas kung hindi ako puwedeng pumasok.” Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ng kausap. Muli niyang tinanaw ang malaking mansion. Humahaba ang kanyang leeg.

          “Sandali lang, Ma’am. May tatawagan lang ako,” ang guard na pumasok sa loob ng guard house at may tinawagan sa telepono.

          Si Mia ay muling inilibot ang paningin sa kabuoan ng mansion habang nakikipag-usap ang guwardiya sa telepono. Mataas ang bakod na nakapaligid sa mansion Ngunit dahil gawa iyon sa wrought-iron grills, kitang-kita niya ang kabuuan ng malaking bahay. Siguro ay sinadya iyon ng sa ganoon nga naman ay makikita ninuman ang nakakalulang mansion. The owners surely wanted to display their richness to the people.

Napaismid siya. She wasn’t impressed at all. In fact, her mother just became worse in her eyes.

          Muling tumutok sa guwardiya ang kanyang paningin nang makita niya itong lumabas ng guard house. Binuksan nito ang pantaong gate. “Pasok po kayo Ma’am. Parating na si Sir JM. Pakiantay na lang po.”

          Pumasok siya sa bakuran ng mga Travilla at sumunod sa guard. Sa tabi ng guardhouse ay may nakatayong isang gazebo. Doon siya dinala ng guard.

          “Umupo muna kayo habang hinihintay si Sir, Ma’am.”

          “I don’t wana talk to anyone else. Si Jasmin Travilla ang sinadya ko rito. I just wana talk to her,” may diin sa boses niya habang nagsasalita. Nanatili siyang nakatayo at hindi sinusunod ang utos ng guwardiya.

          “Si Sir JM ang dapat ninyong kausapin tungkol sa bagay na iyan, Ma’am,” magalang pa ring sagot ng guard. “Kayong dalawa na lamang ang mag-usap. Hindi ninyo makakausap si Ma’am Jasmin nang hindi dumadaan sa kanya.”

          Nagkukukot man ang kalooban ay napilitan siyang umupo sa isa sa outdoor bench sa loob ng gazebo. Kumakabog ang kanyang dibdib at lalo siyang naiinis sa sarili. Bakit ba siya kinakabahan? Hindi ba at handa na siya sa pagkikita nila ng ina?

          Hindi niya alam kung makokontrol niya ang sarili at mapakitunguhan ng civil ang ina sa napipintong paghaharap nila. Iisa lang ang tiyak, puno ng galit at hinanakit ang kanyang dibdib.

          Ngayon pa lamang ay kumakati na ang dila niyang sumbatan ang ina. She had so much bitterness in her heart and a lot of accusations that she had to throw at her irresponsible mother.

          And she just couldn’t wait to finally slap the hell out of Jasmin’s goddamned face.

Until Forever (Published!)Where stories live. Discover now