Chapter 34

30K 972 120
                                    

Tanghali na nang magising si Mia. She woke up in a wider bed, in a different room. This was not the guest room that she had occupied in the Travilla mansion last night.

Nang mapabaling siya sa kanyang gilid ay nakita niya ang isang tangkay nang puting bulaklak ng orkidyas. The flowers looked fresh. Nakalagay iyon sa kanyang tabi sa kama. Nakakunot ang noo na inabot niya ang tangkay ng bulaklak. Noon niya nakita ang papel na kasama niyon.

She opened the folded paper, and read the handwritten note.

Mia,

Hindi na kita ginising. You're sleeping like a baby when I left. Should you need anything when you wake up, just ask the maids. May aasikasuhin lang ako sa resort. I'll have to talk to the people there so that I can arrange for a leave.

I transfered you to our room. You won't be sleeping in the guest room anymore, hon. Also, I picked up the orchids for you straight from the garden.

Enjoy your day.

See yah later,

Micheal

Alam na niya ngayon kung nasaan siya. She was in the master's bedroom. Naaalala na niya ang kulay ng kurtina nang sandaling makapasok siya kahapon para kunin ulit ang mga gamit niya. Sinamyo niya ang bulaklak ng orkidyas. Marami nga siyang nakikitang ganoon sa hardin. Micheal picked this bunch of flowers for her? O baka naman iniutos lamang nito sa maid? Pero mas gusto niyang paniwalaang ito mismo ang nag-effort na pumitas niyon para sa kanya. It brought warm tickling sensations in her heart. She couldn't suppress a smile as she dislodged herself from the queen-sized bed. She could walk properly now though there was still a stubborn remnants of soreness between her thighs.

Nag-usyuso siya ng mga gamit sa closet. May dalawang malalaking closets na magkatabi. Ang una niyang nabuksan ay naglalaman ng mga panlalaking kagamitan. It was Micheal's closet. She walked to the adjacent one. Nakita niya ang kanyang mga gamit nang buksan niya iyon. Naghanap siya nang maisusuot ngayong araw. She chose a white, knee-length shorts and red, sleeveless blouse. She also pulled a pair of underwear.

Inilatag niya ang mga damit sa kama at pumasok sa loob ng banyo. Malapad iyon. Maganda ang pagkakaayos na parang sa isang mamahaling hotel. May glass-enclosed shower at bath tub. May full-length mirror. The bathroom was luxurious, and fit for a royalty. Napailing na lamang siya. Sabagay, kahit nga ang bathroom sa guest room na ginamit niya ay maganda rin. Gayun din sa silid ng kanyang ina. The Travilla mansion wouldn't be called a mansion if it wasn't.

May nakapatong na towels sa bathroom cabinet na nasa gilid ng vanity mirror. Lumapit siya roon at kumuha ng isa. Pagkatapos ay pumasok na siya sa shower at naligo. Kumakalam na ang kanyang sikmura. She needed to eat.

Until Forever (Published!)Where stories live. Discover now