Ngumisi lang ito saka kinuha ang kutsara niya saka tinikman. Nawala naman ang ngisi niya at natigilan nang matikman niya ang luto ko.

'Sabi na e, magugustuhan mo.'

"M-Masarap nga." Nangingiting sabi nito.

"Pinaghirapan ko yan para sayo. Kaya sana hindi nasayang effort ko." Nakanguso kong saad.

"Oo na, nagustuhan ko. Kain na tayo!" Nakangiting sambit nito.

Napangiti din ako dahil kita ko sa mukha niyang masaya siya dahil sa ginawa ko.

'Sana lagi ka nalang masaya kapag kasama mo ako.'

Nakatingin lang ako sa kanya habang abala siyang kumakain. Ang takaw niya talaga kapag paborito niya yung nakahain sa harap niya.

"Dahan-dahan lang." Natatawang sambit ko.

"Ang sarap kaya!" Nakangiti namang sambit niya.

Kumuha naman ako ng tissue saka pinunasan yung bandang ibaba ng labi niya na ikinamula naman ng pisngi niya.

"K-Kaya ko namang punasan e." Nauutal na sabi nito

"Mas gusto kong ako ang magpunas." Nakangiti namang saad ko dahilan para mapaiwas ito. "Kain lang ng kain para sayo talaga yang niluto ko."

Nagpatuloy naman ito sa pagkain kaya kumain nalang din ako habang nakatitig sa kanya. Ang saya saya ko talagang kasama siya!

Nauna akong natapos na kumain kaya naman binitbit ko na ang platong pinagkainan ko sa may lababo. Naupo nalang ulit ako sa harap niya saka siya tinitigan habang kumakain.

"Tititigan mo nalang ba ako?" Tanong nito habang abala sa pagkain.

"Oo e. Gusto ko nga habang buhay nalang gawin to." Sagot ko naman.

"Baka lumuwa mata mo." Pambabara nito saka tumayo. "Ako na maghuhugas, magpahinga ka na." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"E? Ayaw mo lang akong mapagod e." Biro ko.

"Hindi sa ganun, ayoko lang magkautang-loob sayo." Sabi nito.

"Pft.. ako nalang maghuhugas, ikaw ang magpahinga na." Akmang aagawin ko sa kanya yung hawak niya pero agad niya din itong iniwas.

"Maupo ka nalang sa may sala at mag-relax." Utos nito. "Kapag sinabi kong ako na, ako na." Madiin pang sambit nito.

"H-Hehe opo." Wala naman na akong nagawa pa kundi sumunod baka magalit pa e mahirap na.

Hinintay ko nalang siya sa may sala hababg naghuhugas siya sa may lababo. Pagbalik nun, papakiligin ko talaga yun ng sobra-sobra.

***

Napabangon naman ako sa pagkakahiga ko dito sa mahabang sofa nang makita kong dumating na siya galing sa kusina.

Naupo naman ito sa may kabilang dulo ng sofa saka humarap sa t.v. at muling itinuon doon ang atensiyon niya.

"Risse..." tawag ko dito.

"Oh?" Sagot nito habang nakatingin pa din sa t.v.

"Para kang magandang tanawin, ang sarap mong titigan." Banat ko.

"Ah..." tugon nito.

'Kulang pa siguro yung banat ko, kailangang mas galingan.'

"Risse alam mo bang pwede mokong maging papa." Nakangiting sabi ko.

"Huh?" Lumingon ito sakin. "Sa ginagawa mo ngayon, para na kitang papa."

"Panira ka naman e..." bulong ko. "Ang PAPAkasalan mo balang araw." Nakangiting banat ko pero parang wala lang.

Muli niyang itinuon ang atensiyon niya sa harap ng t.v.

'Badtrip!'

"Risse ikaw ba ang mama ko?" Gulat naman itong lumingon sakin.

"Hindi mo ako mama! Kung ano-anong sinasabi mo diyan ah-"

"Ang MAMAhalin ko habang buhay." Nakangiting sabat ko.

"Tss.." anas nito. "ABCDEFGHIJK." Sambit nito kaya kunot-noo akong tumingin dito. "You're adorable, brave, cute, diligent, entertaining, furious, great, honest..." napangiti naman ako dahil sa mga sinabi niya.

"What about IJK?" Nakangiti pa ding tanong ko.

Seryoso naman niya akong tiningnan kaya mas lalo akong napangiti. Ano naman kaya yung IJK na yan?

"I'm... just... kidding..." nakangisi nitong sambit.

Nawala naman ang ngiti sa labi ko saka inis na tumingin dito. "Ansama mo!"

"Joke lang. Ito naman di mabiro." Natatawang sabi nito.

"Ikaw na nga yung pinapakilig diyan ayaw mo pa." Inis na sambit ko.

"Sinabi ko bang pakiligin mo ako?" Pang-aasar nito.

"Ewan ko sayo!" Inis na talagang sigaw ko.

"Nag-iisa ka lang pero ang dami mo."

"Heh!"

"Seryoso na." Seryosong sambit nito kaya seryoso din akong tumingin sa kanya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Dahil kahit pumikit ako, ikaw pa din nakikita ko. At kahit wala ka sa tabi ko, naririnig ko pa din yung boses mo." Sagot nito. "At sa sobrang dami mo pati dito sa utak ko, ikaw lang ang inaalala nito. Pati dito sa puso ko, ikaw lang din yung tinitibok nito." Dagdag niya pa.

"Anong madami dun?" Pambabasag ko ng banat niya.

"Kasi kahit iisa ka lang feeling ko lahat ng taong nakikita ko ikaw. Yung boses nila hindi ko naririnig kasi boses mo yung nariring ko. Tapos sabay ka pang inaalala at tinitibok ng puso't isip ko." Nakangising sambit nito.

'Lakas talaga niya. Nababasag niya banat ko pero banat niya hindi ko mabasag.'

'At ang nakakainis pa dun! Mas nakakakilig yung mga banat niya!'

'Kung siya hindi kinilig sa banat ko... puwes ako sobrang kinikilig ako sa banat niya...'

'Bwisit ka talaga Risse!!'

"Kaya nga nagtataka ako kung bakit hindi ka pa napapagod kakatakbo." Biglang sambit nito.

"Kakatakbo saan?" Tanong ko.

"Kakatakbo sa isip ko..." ngumiti pa ito kaya mas lalong bumilis ang tibok ng pus ko. "...sa kakatakbo mo nahulog ka tuloy sa puso ko." Dagdag pa nito na mas lalong nagpabilis ng tibok nito.

Gusto kong iiwas ang tingin ko pero hindi ko kaya. Gusto kong gumalaw pero parang nanghihina ako sa titig niya. Gusto kong magsalita pero parang hinihigop ako ng mga ngiti sa labi niya. Risse ano bang ginawa mo sakin?

"At kaya naisipan kong ikandado na." Muli nitong sabi.

'Meron pa?'

"Huh?" Naguguluhan kong anas.

"Ikandado na yung puso ko." Parang bigla naman akong nalungkot.

'Ikakandado niya yung puso niya para hindi ako makapasok dun?'

"Hindi pa ko tapos." Parang nabasa naman niya yung expression ko.

"Hindi na, masyado ng masakit." Pigil ko pero tinawanan lang ako nito.

'Nasasaktan na nga ako tas pagtatawanan lang ako. Badtrip!'

"Ikakandado ko na tong puso ko para hindi ka na makawala dito." Seryoso ngunit nakangiting sambit nito.

Bigla namang gumana yung utak ko at inalala ang sinabi niya nung una. Dahil sa katatakbo ko sa isip niya nahulog ako sa puso niya at dahil doon ikakandado niya yung puso niya kung saan ako nahulog para doon nalang ako sa puso niya.

Ibig sabihin ba nito...

'Ayaw niya kong mawala sa buhay niya?!'

RPW SERIES #1: When Bad Boy Meets Nerdy Girl (Completed)Where stories live. Discover now