03. Awkward

2.5K 83 2
                                    

03. Awkward

(A/N: Dedicated to @Alyloony)

**

Another ordinary and boring day. Well here i am, sa room. Bored. Loner. Mag-isa. Paano ba naman? Eh iniwan lang naman ako ng magaling ko'ng kaibigan dito sa room at sumama sa boyfriend niya.

Magbebreak din sila.

Eto nanaman ako. Gusto ko ng maiyak. Every time na magiging loner ako, maraming memories ang nagfa-flashback sa utak ko. Kung anu-ano'ng nakakaiyak talaga. Ayoko kasi mapag-isa. That's why nagpapahatid ako kay Sab sa bahay every time na maglalakad kami.

Marami namang nakikipagusap sakin. Sa room. Sa loob ng buong campus at kahit sa labas. Kaso di naman ako makasabay. Alam nyo yun? Yung feeling na OP ka? Or di ka nakaka-relate? Sakanila ko iyon nararamdaman eh.

Napansin ko namang may namumuo ng mga luha sa aking mata. Nagbabadya na ang mga itong tumulo ngunit pinipigilan ko.

"BITTER PRINCESS!"

"Anak ng tokwa!" halos mapatalon ako mula sa kinauupuan ko nang biglang may sumigaw ng napaka lakas.

Agad akong humarap sa lugar kung saan nagmula ang pagtawag sa pangalan ko at nakita ko ung nerd na iyon sa labas ng bintana at nakangiti sakin ng malawak. Tinignan ko siya ng masama.

"Ano ba? Balak mo ba ako'ng patayin?" galit na tanong ko sakaniya. Tsaka ako nagmadaling yumuko at pinunasan agad ang mga luha sa mata ko.

Agad namang umalis doon yung nerd na iyon at pumasok sa classroom para mas makalapit sakin.

"Bitter princess~" pagtawag niya pa sakin ng nilalagyan ng tono yung pagtawag niya. Yung tipong nakakainis na at ang sarap ibatikal sakanya.

"Tara." hinatak niya ako sa kamay dahilan para mapakunot ang noo ko. Pero syempre, hindi niya ako nakuha sa paghila niya sa akin. Tinignan ko lang yung kamay niya at tumingin ako sakanya with my annoyed face.

"At saan nanaman? May klase tayo." simpleng sagot ko pero bakas sa boses ko ang pagkairita ko.

"Basta tara. Tsaka wala tayong 2 class subject ngayon since ang English and Science department teachers ay may meeting. So, may vacant tayo'ng 2hours kaya tara?" pagaakit niya sakin.

I was like this (-_-") Duh. As if namang sumama ako sakanya.

Pero hindi niya iyon pinansin at ngumiti lang siya dahilan para lalong maningkit ang maliliit niyang mga mata tsaka niya ako tuluyang hinila kaya naman napasama niya ako ng wala sa oras.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Ang alam ko lang, naglalakad kami patungo sa Music room at pinagtitinginan lang kami ng mga taong madadaanan namin.

Syempre bilang isang Most Bitter Princess at kilala sa buong school, pinagtitinginan kami lalo na't ito na lang uli yung first time na magkaroon ako ng kasamang lalaki. Ever since na makipag-break sakin yung magaling ko'ng EX, wala ng nakakakita sakin may kasamang iba'ng lalaki. Kahit yung kuya ko.

Napansin ko din na halos lahat ng madadaanan naming mga tao sa paligid ay pinagbubulungan kami. Sobra bang nakakapagtaka ang mga pangyayari?

Ngayon ko lang napagtanto na nasa loob na nga kami ng Music Room at binigyan ako ng nerd na ito ng isang upuan para upuan ko. Obviously. -_-"

"What are we doing here?" pagtatanong ko sakanya. All this time, ngayon lang ako nacurious sa ginagawa niya at ngayon ko lang naisipan na itanong sakanya ang mga ganitong klaseng tanong.

"Basta. May surprise ako sayo!" sabi niya sakin na siyang ipinagtaka ko.

Ano'ng surprise ang pinagsasasabi ng isang ito? Bakit may surprise?

"Hindi ko birthday so no need to surprise me." crossed arms na saad ko sakaniya kasi totoo naman, hindi ko naman talaga birthday.

"Surprises aren't for birthdays only." saad niya at kumindat pa saakin. Lah, akala mo naman ang cute niya sa ginagawa niya.

Kahit nagtataka ay nanatili pa rin ako'ng nakaupo sa upuan na binigay niya habang tinitignan ang bawat gagawin niya. Nilibot ko ang tingin ko sa buong Music Room.

Obviously puro instruments ang nandito, kumpleto. May mga awards din na nakadisplay sa isang shelf pero mukhang hindi na nalilinis. Isang tao lang kasi ang matiyagang nag aasikaso dito sa Music Room.

Pero nag-quit na siya, gaya ng ginawa niya sa buhay ko.

"Bitter princess." napatingin ako sa harap ko at nakita ko si Kim na nakaupo sa tapat ng drum set habang nakangiti saakin ng malapad. "Sana magustuhan mo."

Nagsimula na siya. Walang kanta, walang ibang instrument kundi drum lang pero ang ganda ng beat. Hindi ko naman itatanggi na magaling pala siya sa pagdadrum. Akala ko libro lang ang kaya niyang hawakan, kaya nya din pala humawak ng drum sticks at tumugtog ng drum.

Patuloy lang siya sa ginagawa niya, paminsan minsang natingin sakin at ngingiti habang ako namn ay diretso lang ang tingin sakaniya. Hinihintay ko lang ang mga susunod na sasabihin niya.

And finally, natapos na din siya.

"Ano'ng masasabi mo?" tanong niya nang ibaba ang drum sticks na hawak niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ano'ng masasabi mo?" tanong niya nang ibaba ang drum sticks na hawak niya.

Napairap ako. "Wala."

"Huh? Wala? Yun na yun?" agad siyang lumapit sakin at tumayo sa harap ko.

"Wala. Ano ba dapat sasabihin ko?" takang tanong ko sakaniya. Ang weird talaga ng nerd na ito.

"Ang cute ko." ngiting ngiti na saad niya kaya lalo akong napairap.

"Whatever." simpleng sagot ko at tatayo na sana nang hawakan niya ako sa kamay.

"Hindi mo ba nagustuhan?" tanong niya dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Okay lang." simpleng sagot ko para matigil na siya pero mukhang ako ang natigilan nang sa paghakbang ko ay may natapakan ako na kung ano. Agad ako'ng humanap ng kakapitan pero tanging ang nerd lang sa harap ko ang available na hawakan. And the next thing i know is nakahiga na ako sa sahig at nasa ibabaw ko ang nerd na iyon.

At napunta kami sa pinaka-awkward na posisyon. Wtf?

"Respect this room. Hindi 'to motel." napatingin ako sa entrance ng Music Room at nakatayo doon si Kirby. Hindi ako nagsalita, nakatingin lang ako sa mga mata niya, tinitignan kung ano ba ang nararamdaman niya pero wala.

"Hala sorry, sorry." napakurap ako nang bigla'ng may humila saakin patayo. Napatingin ako kay Nerd at nakayuko siya habang nagkakamot ng ulo. Humarap siya kay Kirby at ngumiti, obvious na nahihiya.

"Hindi ganun-" hindi na natapos ni Nerd ang sasabihin nang magsalita agad si Kirby.

"Next time, mag lock kayo ng pinto para hindi kayo maistorbo." ngumiti ito nang may kahulugan at dahil doon, pakiramdam ko ay kumulo bigla ang dugo ko.

Hindi pa nakakalabas si Kirby sa Music Room ay nagmadali na akong lumapit sakaniya at sa ikalawang pagkakataon ay nakatanggap ulit siya ng isang suntok mula saakin.

Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Problema mo?" agad na tanong niya.

Ngumiti ako ng pilit. "Hindi ko sinasadya." at umalis na ako.

That punch is for being a jerk.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now