16. My Session

1K 33 3
                                    

16. My Session

"Mahal ano palang ginagawa natin dito sa mall?" pagtatanong sakin ni Nerd.

Nandito kami ngayon ni Nerd na sa Mall. Nag-skip muna kami ng school for 1 day since busy naman ang halos lahat ng tao sa school at ayoko namang makisali sa pagiging busy nila.

Actually, 7am pa lang ay para kaming mga bangag na nakatambay sa tapat ng mall na ito habang naghihintay na magbukas.

Paano ba naman kasi, 7 am pa lang ay nakareceive na ako ng text mula kay Nerd na nasa tapat na daw siya ng mall. Masyado atang naexcite. At since may awa pa naman ako kahit papaano at may konsensya, edi nagmadali tuloy ako magbihis para makapunta agad dito.

At ang dahilan niya kaya ang aga niya ay; "Akala ko kasi may date tayo? Na-excite tuloy ako."

Like duh? Isang malaking A-S-A.

Para tuloy kaming mga ewan na naghihintay sa labas ng mall. At nang tuluyan na kaming makapasok sa mall ay sa isang fast food chain agad ang una naming pinuntahan.

Nakakagutom kaya maghintay ng 1 hour to think na hindi pa ako nakapag take ng breakfast sa sobrang pagmamadali.

Kamusta naman yun?

"Mahal?"

Irita akong tumingin sakanya. "Ano nanaman?"

"Eh ano ba talagang ginagawa natin dito?" pagtatanong nanaman nya.

Can't he just wait? Tsk.

"Just eat first." sabi ko sakanya at isinubo ko sa bunganga nya yung burger na inorder niya.

Nginuya nguya nya muna iyon at after non ay ngumiti nanaman sya ng sobrang lawak. As usual.

I rolled my eyes. "So ano'ng kangiti ngiti ngayon?" mataray na pagtatanong ko sakanya.

Pero imbes na sumagot ay mas lalo lang lumawak ang ngiti niya at halos hindi na makita ang mata niya.

Nakngtupa! Hanggang saan pa ba ang kayang marating ng ngiti ng isang ito? He gave me shivers.

"Iniimagine ko lang naman kasi na isa tayong perfect couple ngayon na nagdedate ngayon sa isang mall." sagot nya habang ngiting ngiti pa rin.

WTH.

"Eh kung ipadala kaya kita sa Bermuda Triangle?"

"Basta ba kasama ka eh. Why not diba?" ngiting ngiti na sabi nya.

At masaya pa talaga sya dun ha? Well, I'm not. Nagsisimula nanaman akong maasar.

"Leche ka!" still, nagpipigil parin ako ng inis. Kapag hindi talaga ako nakatiis, baka masapak ko ang isang to kahit nasa mall pa kami.

"Lechon ka naman!"

0____0

WTH.

"Ano?"

Ang sabi ko pa naman sa sarili ko, hahabaan ko muna ang pasensya ko sa Nerd na ito ngayon araw para magawa ko ng maayos ang binabalak ko. But he's really pissing me off.

"See? Ang dami mo ng fats. Ang takaw takaw mo kasi eh." pangaasar nya sakin.

Sht.

He's ugh...

"Nang aasar ka ba?" pagpipigil ko ng inis.

Ngumiti siya saakin. "Depende."

Ugh. Uminom nalang ako sa drinks ko at kumagat sa isang slice ng pizza na hawak ko para magpigil ng inis.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now