17. He's Cute err what?

1K 26 3
                                    

17. He's cute err what?

Busy ako sa pagkain ng breakfast at panunuod ng boruto sa laptop ko dito sa sala nang marinig ko na may biglang nagdoorbell.

Napairap ako.

Ang epal naman ng isang to. Kung kailan busy akong nanunuod dito, e. Kung sino man ang taong to, sasapakin ko talaga.

"Khim, may tao ata. Pagbuksan mo nga." utos ni mama habang busy sa paglilinis ng kitchen. At kahit ayoko ay wala akong ibang choice kundi pagbuksan ng pinto ang taong halos sirain na ang doorbell namin.

Agad akong lumapit sa may pinto at kaagad itong binuksan. Nakita ko ang isang lalaki na parang medyo familiar na nakatayo sa harap ng gate.

"Good morning." bati nya.

"Who you?" tanong ko ng naka cross arms.

"Mahal, it's me. Your future boyfriend." at ngumiti siya ng napaka lawak at dahil sa ngiting iyon ay nakilala ko siya. Lol, ang bagal talaga ng utak ko kapag umaga.

Okhaaay. That was funny!

Funny-ra ng good sa morning!

Sabrina's Point Of View

(Isisingit ko lang sya dahil sa request ni akira_rei36 hehe. May plan na kasi ako sa lovestory ng SaPierce/PieRina siguro after 5 chaps. yung kanila na ang ipopost ko)

Ang boring. Papasok kaya ngayon si Brychelle?

Kahapon hindi yun nagpasok dahil hindi ko man lang nakita sa school, pati narin si Kim. Possible kayang nagdate sila?

Lol. Bored na ako talaga kaya kung ano ano ang naiisip ko. Pero ang alam ko, crush ni Kim si Bry e. Ang lakas talaga ng charms ni Bry.

At dahil bored ako at wala akong ibang magawa, naisipan ko na lang na tumambay sa tennis court. Nakaupo ako sa isa sa mga bleachers dito.

Tumingin ako sa paligid at pinakiramdaman ang sariwang hangin. Hindi na kasi masyadong ginagamit itong tennis court kaya wala masyadong tao. Ginagamit lang ito kapag may mga sport fest pero after that, nakatengga na lang ulit itong tennis court. Kaya para sakin, mas peaceful pa rin ang tumambay dito.

"Here."

Agad akong napalingon sa tabi ko ng maramdaman ng may malamig na dumikit sa pisngi ko.

Nakita ko ang isang juice na nakadikit sa pisngi ko kaya agad kong inangat ang tingin ko only to find Pierce.

Ngumiti ako at inabot ito. "Thanks." binuksan ko na yung juice at uminom doon.

Mayamaya pa ay naramdaman kong tumabi siya saakin.

"So, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya nang tuluyan na siyang makaupo. Hindi pa ako nakakasagot nang magsalita siya.

"Let me guess?" tinignan niya ako na parang sinusuri ang kung ano ang ginagawa ko. "You're thinking about your ex."

Bigla akong natigilan nang banggitin niya iyon. Hindi ko alam ang isasagot ko pero naramdaman ko na parang may bumara sa lalamunin ko.

"Mukhang tama ako." ngumiti siya sakin dahilan para umiwas ako ng tingin.

Walang nagsasalita ni isa saamin. Tanging ang tunog lang ng mga dahon sa puno ang naririnig namin.

"Sab..."

Teka, tinawag nya ba ako? Bumulong lang kasi sya so i'm not sure kung ako nga yung tinawag niya.

Tumingin ako sakanya ng nakakunot ang noo. Nakatingin din sya sakin, parehas na naghihintay na sasabihin ng bawat isa.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon