11. Secret

1.4K 37 4
                                    

11. Secret

Sabrina's Point Of View

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room ay halata na sa mga paghihitsura ng mga kaklase ko ang paninibago sa ikinilos ko.

Syempre, nasanay na sila sa maingay na ako sa umaga palang. Bukod kasi sa tahimik at nakatungo akong pumasok ay hindi sila din sila sanay na papasok ako ng room na hindi sila binabati o hindi man lang ngumingiti sa kahit kanino sakanila.

Medyo gulat din sila siguro sa mukha ko. Siguro mukha na ako'ng sabog dahil hindi ako nakatulog kagabi. Buong gabi lang ako'ng umiiyak ng tahimik at hindi din ako nakatulog ng maayos sa kakaisip ng sinabi sakin nung lalaki kahapon.

Matapos kasi niya sabihin iyon ay umalis na siya at iniwan na ako. Okay lang, sanay na ako'ng maiwan.

"Bry." medyo nanibago ako na mas naunahan ako ni Bry ngayon pumasok. Tumingin ito sakin at napansin ko na medyo malaki ang eyebugs niya ngayon.

"Kumakaway eyebugs mo." i tried to crack a joke but i failed, sana hindi napansin ni Bry.

"Edi mag hi ka." diretsong sagot niya kaya napailing na lang ako. Wala ako s mood magsalita. Parang feeling ko anytime na magsalita ako ay magcracrack ang boses ko.

"Nagmovie marathon ako mag-isa kagabi. Ang ganda pala ng The mistress no?" tinignan ko lang si Bry nang bigla itong magsalita. Hindi lang ako pumasok kahapon, parang nabaliw na ata 'tong kaibigan ko. Nagsasalita ng mag isa.

"Tinuhog niya yung mag-ama?" takang tanong ko sakaniya.

"Gaga. Kagabi ko lang kasi napanuod yun. Ang saya! Hindi sila nagkatuluyan sa huli." tumawa ito na parang isang kontra bida at umiling iling pa pero ang totoo ay ako ang napapailing sakanya. She's weird. Napaka-bitter niya talaga. Hate na hate niya rin ang mga happy endings sa mga pelikula na pinaanuod niya. Haaaay

"Wait, hindi ka pumasok kahapon. Ano'ng meron?"

"LBM." ang tanging nasagot ko. Tipid akong ngumiti at naupo na ng tuluyan sa upuan ko.

"By the way, kanina ka pa hinahanap ni Paolo. May importante daw kayong paguusapan." sabi niya sakin.

Parang may kung ano ang sumaksak sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalan niya. Pakiramdam ko any minute ay babagsak nanaman ang luha ko. But i tried to hold it, as long as i can.

"MAHAL!"

Huh?

Brychelle's Point Of View

"MAHAL!"

I knew that voice.

"Shut up, Nerd! Umagang umaga, e."

"Highblood ka agad, mahal. Chill lang." ngumiti ito sakin na parang bangag kaya naman agad akong napa-roll eyes. Again and again and again.

"Don't call me mahal." i said with gritted teeth. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang trip sa buhay ng Nerd na ito, gusto niya ba mapaaga buhay nya? Gosh.

"Bakit naman? E kung mahal nga kita e." ngumiti nanaman ito nang sobrang lawak at ako? Hindi ako natutuwa.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Sab kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman siya nang asar at nag peace sign lang siya saakin, matapos iyon ay hindi na niya ako pinansin.

Wait, parang there's something wrong with Sab but i don't know what.

Sabrina's Point Of View

Break time. Sa loob ng isang araw sa school, isa na ata ang recess sa pinaka exciting na part ng araw ko. Noon. Pero ngayon, parang mas gusto ko nalang mag aral ng mag aral para kahit papaano ay ma-occupy ang isip ko at hindi ko maalala ang nakita ko kahapon.

"Hon?"

Para ako'ng nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya. Hindi ko alam kung nagmemessage ba siya saakin dahil namisplace ko na ata yung cellphone ko, hindi ko na din alam. Namimiss ko na siya pero hindi mawala sa isip ko ng nakita ko kahapon. Paulit ulit itong bumabalik at paulit ulit ako'ng nasasaktan.

"Hon, are you okay?" naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Naramdaman ko nanaman ang pagkirot ng dibdib ko.

Tinignan ko siya sa mata at kita ko ang pag aalala niya. Nice. Paano nya nagagawang magpanggap? Paano niya nakakaya na magsinungaling? Ganun lang ba kadali yun?

Gusto ko'ng sabihin na ; hindi ako okey. Pero hindi ko ginawa. Gusto ko'ng isumbat lahat ng nakita ko kahapon pero hindi ko ginawa.

"Hon, kausapin mo naman ako—" hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang may humila sa kamay ko at kahit ako, nagulat ako.

"Wala na kayong dapat pag usapan." kalmadong saad ni—teka, ano nga ba'ng pangalan niya?

"At sino ka?" mula sa pagaalala ay napalitan ng pagkaasar ang itsura ni Paolo.

"Secret." ang tanging sagot ng lalaki s harap ko at kaagad ako'ng hinila. Hindi na ako nagpumiglas pa dahil nanghihina nanaman ako. At nararamdaman ko nanaman ang mga luha ko.

Ang sakit pa rin talaga.

Brychelle's Point Of View

Ugh, why do i need to be with this Nerd? Nakakairita na. Kahit ayoko man sumama ay wala ako'ng ibang magawa dahil sa kakulitan niya. At para manahimik, edi no choice ako kung hindi ang sumama. Bakit ba kasi ako ang natripan ng isang 'to?

"Mahal."

"Shattap."

"Lah? Gusto mo?"

Tinignan ko siya ng masama habang siya naman ay ngiting ngiti lang na nakatingin saakin habang hawak ang chips na binili niya. Napairap ako.

"Mukha ba'ng gusto ko?" iritang tanong ko.

Ngumiti siya saakin at tumango. "Medyo."

Ugh, nakakaasar talaga. Yung feeling na full of effort na ako sa pang aasar at pangiinsulto sakaniya pero nonsense lang dahil wala lang iyon sakaniya? Literal na walang pake? Lakas makaasar.

Napatingin na lang ako sa labas since puro couples lang ang view dito sa canteen. Napakunot ang noo ko nang makita na dumaan doon si Sab at may kasama itong isang lalaki na medyo hindi familiar saakin pero base sa itsura niya ay isa siyang basag ulo.

I don't judge but that's how i see him. Oh wait, saan pupunta ang dalawang iyon? Alam ba ito ng boyfriend ni Sab?

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now