31. Clear?

719 20 0
                                    

31. Clear?

Pagkatapos na pagkatapos ng pesteng cotillion na iyon na hindi ko alam kung sino ba ang nakaimbento ng isang iyon ay bumalik na ako sa table namin nila Sabrina.

Pero wala sila Sab sa table dahil ayun sila, nagsasayaw na sa dance floor.

Edi sila na. Sila na talaga. Wala namang forever e.

Nagsisimula na kasi yung event at nakakainis lang dahil puro sweet songs muna ang pinapatugtog. Mamaya na daw ang rock.

At ang nakakainis dito, ang tagal pa nung foods. Bakit ba hindi pa nila sineserve yung foods?

Gusto ko munang kumain para naman masabi na kahit papaano may ginagawa ako.

Mag-isa nalang kasi ako dito sa table namin at halos lahat ng ka-table ko ay nasa dance floor at may kanya kanyang sinasayaw.

Good for 10 kasi itong table namin. At sa 10 na iyon, ako lang ang naiwan dito sa table.

Ang saya talaga.

"May i?" napatingin ako sa taong nago-offer ng kamay nya saakin at nang makita ko ito ay napa roll eyes nalang ako.

Guess who?

It's my freakin' ex.

Pero syempre, dahil prom nga ito. Tinanggap ko iyon pero sa totoo lang ay halos isumpa ko na 'tong unggoy kong ex.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko at pumunta na kami sa dancefloor para magsayaw.

Nagstart na kaming magsayaw. Hindi naman masyadong sweet yung galaw namin dahil ayoko, duh?

"Kamusta na?" paninimula nya.

Tinignan ko sya ng masama. "Gago ka pa rin pala?" then i rolled my eyes eavenward.

He laughed. "I guess you're fine." sabi nya naman saakin.

Di na ako sumagot sakanya. Wala kasi syang sense kausap.

Napapatingin ako sa paligid ko.

Hindi ko ata makita sila Sabrina.

Halos hindi ko na rin makilala ang mga taong nasayaw sa paligid ko.

Teka, mga tao pa ba sila?

"Bry..."

Tinignan ko lang sya pero hindi ako tumugon. Siguro naman gets na nya na narinig ko yung tawag nya.

"Ang ganda mo ngayon."

"Ah. Ngayon lang." naparoll eyes ako. "Thanks but no thanks." nagsweet smile pa ako sakanya pero umirap nanaman ako.

Hindi ako mapapagod magroll eyes hangga't may iroroll eyes ako.

"Namiss kita." seryosong sabi niya.

Tinignan ko sya ng masama. "Well ako hindi." kahit oo na kahit papano ay namiss ko din naman sya.

Yung ka-gaguhan nya.

"Namiss ko yung pagtataray mo sakin." then he chuckled.

"Gago ka e." walang ano ano na sagot ko sakanya.

Tinawanan nya nalang ako. Natapos na din ang sayaw namin at mula sa kaninang pagkakatayo ko ay hindi na ako nakaupo.

Sunod sunod na ang mga nakakasayaw ko. Yung iba nga tinatanggihan ko nalang e.

At mula kanina, ngayon lang ako makakaupo ng mapayapa sa table namin.

"Hahaha. Pagod na pagod Bry?" napatingin ako sa nagtanong. Si Pierce.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now