13. Whatever

1.1K 28 0
                                    

13. Whatever

Sabrina's Point Of View

"Tita, si Bry po?" pagtatanong ko na ngayon ay kalalabas lang din ng bahay nila.

"Kanina pa pumasok, Sab. May usapan ba kayo?" tanong ni Tita saakin.

"Wala naman po Tita! Sasabay lang po sana ako. Sige po tita. Mauna na po ako." pagpapaalam ko kay Tita.

"Sge Sab. Ingaaaat!" nagwave sakin si Tita kaya naman nagwave din ako at tumakbo papunta sa bus station.

Hays. Nalulungkot nanaman ako. This past few days kasi ay sobrang busy na sa school kaya wala masyadong classes at hindi ko na din masyadong makita si Bry. Saan kaya nagtatago yun?

Mabuti na lang at kaagad na may tumigil na bus papunta sa school at syempre, sumakay na ako. Nang makaupo ako sa may bandang huli ay naramdaman ko na nag vibrate ang phone ko.

1 new message

From: Hon

Usap tayo, Hon?

Upon reading the text, pakiramdam ko ay biglang nanglambot ang puso ko and at the same time ay parang may tumutusok na kung ano sa puso ko at parang sumisikip ang dibdib ko.

Magcocompose pa lang sana ako ng message para sakaniya nang kaagad na may umagaw sa cellphone ko kaya kunot noo ako'ng napatingin dito at nakita ko nanaman ang lalaking iyon na umupo sa tabi ko.

"Pa-games ha?"

Nangliit ang mga mata ko. Nasakaniya na yung phone tapos tsaka lang siya magpapaalam?

Pero hindi pa ako nakakasagot nang may kung ano ano na siyang ginalaw sa phone ko which is obviously ay naglalaro lang naman siya.

Nacucurious tuloy ako sa kung sino ba talaga siya at bakit bigla bigla na lang siyang sumusulpot sa harap ko. Mushroom ba siya?

At hanggang ngayon ay pala isipan pa din saakin ang sinabi niya noong una kaming nagkausap.

"I'm hurting, please stop."

Gusto ko'ng itanong sakaniya ang ibig sabihin ng sinabi niya pero hindi ko alam kung paano. Kahit ang pangalan nga niya ay hindi ko kayang itanong—wait, oo nga pala, hindi ko pa din alam ang pangalan niya.

Nung isang araw, matapos niya ako'ng hilahin paalis sa eksena namin ni Paolo ay wala na siyang sinabi. Nang makalayo kami ay agad din niya akong binitawan at sinabing nagugutom na daw siya and after that, iniwan na lang ulit niya ako.

He became mysterious to me. Sino ba siya?

Nabalik lang ako sa tamang pag iisip nang iabot niya sakin ang cellphone ko. Kunot noo ko itong kinuha mula sakaniya.

"Don't ever reply to that guy." tumayo siya mula sa pagkakaupo niya atsaka lumingon saakin. "Call me instead." at tuluyan na siyang bumaba.

At ngayon ko lang narealize na nasa tapat na kami ng school.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ko ang isang contact number doon na mukhang siya ang naglagay.

Pierce

"Hon?" napalingon ako nang marinig ko ang familiar na boses na iyon at tama nga ako, si Paolo.

Nangungusap ang mga mata niya pero hindi ko maintindihan, bakit parang nasasaktan din siya?

Nagmistula akong isang tuod mula sa kinatatayuan ko.

Nagbabadya nanamang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Pero bago pa tuluyang makalapit si Paolo sa kinatatayuan ko ay agad ko'ng naramdaman na may humawak sa braso ko at nakita ko si Pierce.

"Tara na." malumanay na sabi nya.

Hindi agad ako nakasagot. Ang bigat ng pakiramdam ko pero agad nya din akong hinila papalayo doon.

Thanks, Pierce. Akala ko umalis na siya.

Brychelle's Point Of View

I'm alone, again. But this is much better, kesa naman taong maiingay ang makasama ko. I prefer to be alone than to be with loud people.

Nandito ako ngayon sa Mall at naniningin lang ng kung anu-ano. Hindi muna ako pumasok ngayon dahil wala naman akong gagawin sa school kaya naisipan ko na lang na mag Mall. Para malayo na din sa mga istorbo sa buhay.

Habang nililibot ko ang Mall na ito ay puro memories lang namin ni Kirby ang pumapasok sa utak ko.

Memories. Memories. Memories. Pwe. Lilipas din yang mga memories na yan. Darating pa din yung time kung saan masasabi mo nalang na past is past which is true naman.

Napapairap na lang tuloy ako sa tuwing may makakasalubong ako na mga couples sa daan. Nakakaasar. Mga cancer.

Para mawala ang pagka asar ko sa mga nakikita ay bumili na lang ako ng makakain at naupo sa bakanteng upuan sa food court. Syempre, hindi naman ako pwedeng mag inarte sa mga couples sa paligid. Wala naman akong magagawa diba? Pero wag lang masyadong PDA kasi hindi nakakatulong sa lipunan, really.

Busy ako sa pagkain nang may mahagip ang mga mata ko. At sigurado akong si Kirby ang nakikita ko sa mga oras na ito at may kasama siyang isang babae.

Pero ngayon ko lang siya nakita.

Wait, may girls collection ba ang Kirby na ito? Parang every time na makikita ko siyang may ibang kasama, iba't iba. Hindi na din ako magtataka pag isang araw nakita ko na lang na pati bakla, kaholding hands na niya. #Lamnadis

Napairap na lang ako. Ugh, nakakawalang gana talaga sa pagkain kapag nakikita ko yang lalaki na iyan. Ang kapal kapal ng mukha. Dafaq?

"Uy kawawa naman yung baboy. Sobrang double dead na."

Tinignan ko nang masama ang nagsalita sa tabi ko at nakita ko doon si Nerd. Ugh, really? Daig niya pa stalker, masyado siyang updated kung nasaan ako.

"Kailan mo ba ako tatantanan, Nerd?" inis na tanong ko sakaniya. Pero wala lang iyon sakaniya dahil ngiting ngiti pa rin siyang umupo sa tapat ko.

"Hindi." diretsong sagot niya dahilan para mas mapairap ako.

"Paano mo nalaman na nandito ako? Stalker ka ba?" he's creeping me out na talaga. Parang kahit saan ako magpunta, mahahanap niya pa rin e.

"Nagpost ka kaya ng story sa IG mo." nilabas niya ang cellphone niya at pinakita sakin ang story ko sa IG which is yung kinakain ko na pork chao fan with sisig. "Dito lang naman meron nito e."

I rolled my eyes heavenwards. "Yeah, whatever."

Tumingin tingin siya sa paligid na parang isang bata habang ngumingiti ngiti. "Alam mo ba—" i cut him off.

"Hindi ko alam at wala akong balak alamin." diretsong saad ko.

Bigla namang humaba ang nguso niya at dahil sa ginawa niya ay nagmukha siyang isda. Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko at pinagpatuloy ang kanina lang ay sinasabi niya. "Meant to be ata tayo?"

I arched a brow. "Sira-ulo ka?"

Agad naman siyang umiling bilang sagot sa tanong ko. "Meant to be ata tayo kasi alam mo ba na ito ang favorite spot ko at favorite meal ko din ang pork chao fan with sisig dito sa food court?"

"Well, coincidence lang ang nangyari dahil ito lang ang available na table at no choice lang ako sa kinakain ko ngayon." sagot ko sakaniya para matigil ang kalokohan niya.

"But still—" i cut him off again.

"I'm full." saad ko at tumayo na mula sa pagkakaupo ko. Pero pasimple ko pa ring inilibot ang tingin ko, nagbabaka sakali na makita ko sila pero wala. Napakibit balikat na lang tuloy ako.

Oh well, whatever. Bahala sila sa buhay nila kung saan nila gusto'ng pumunta. Kahit mag motel pa sila, the hell I care?

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now