32. Ask Me

752 20 0
                                    

32. Ask me

Lalakad na sana ako upang makabalik sa pwesto ko nang biglang may makabunggo saakin kaya agad akong napaharap dito.

"Ooops we're sorry."

Boses pa lang nya ay kilala ko na. Siguro kasi halos araw araw ko na din naririnig ang boses niya. I don't know kung maiinis ba ako o ano ang mararamdaman ko nang makita ko si Marjorie na nasa harapan ko ngayon na syang nakabunggo sakin.

I rolled my eyes like the usual pero mukhang di nya ata napansin iyon dahil nginitian nya lang ako.

"Ate Bry!" tawag nya saakin.

I was like duh? Kailan nya pa ako naging ate? Kailan ko pa sya naging kapatid? Di ata ako nainform.

"Nakita mo na ba si Adriano?" she was talking about that nerd. Whatever.

Nginitian ko sya. Yung sweet. "Mukha ba'ng nakita ko sya?" tanong ko sakanya pabalik gamit ang napaka sweet kong boses. Mas nilawakan ko pa ang ngiti ko dahilan para medyo lumiit ang mga mata ko.

"Ah hindi? I see." then tumango tango sya.

Aalis na sana ako pero tinawag niya uli ako, di pa man ako nakakahakbang ng kahit isa man lang.

"Well ate Bry..." don't ate me! Di ako natutuwa—"This is Nathan. My boyfriend."

Pake ko?

Wait.

What?

"Two-timer ka?" I can't help but to ask. E, diba sila ni ano?

Nanlaki naman ang mata nila pareho dahil sa naging tanong ko.

"What do you mean?" parang naguguluhang tanong nya. Medyo napangiwi tuloy ako.

"Eh? Diba, you and Kim..." then pinandilatan ko muna sya ng mata. Gets nanaman nya siguro iyon diba?

Nagkatinginan muna sila saglit nung kasama nya then after some seconds...

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

I was like this. (-_-)

Ugh. Oo. Halos maglumpasay na silang dalawa sa sahig dahil sa sinabi ko.

Wait, ano bang mali sa sinabi ko?

Mabuti nalang talaga at medyo busy ang mga tao sa paligid at malakas ang sound system.

Ano bang meron?

"Ate Bry—BWAHAHAHAHA!" leche, ano ba'ng nakakatawa?

Pero mabuti nalang talaga at naisipan din nilang dalawa na tumigil sa pagtawa.

"Pano yon mangyayari? I mean, I have my Nathan. Almost 2years na kami. Second, Adriano is my childhood bestfriend and lastly..." she paused. "...she's so inlove with you."

Huh? Wait, what? Ano'ng sinabi niya?

Parang hindi ko ata naintindihan.

Processing....

100%

"What?" naguguluhang tanong ko pa rin sakanya.

"Hahaha. You know what? Sa tuwing kasama namin ni Nathan si Adriano, wala syang ibang topic, kundi ikaw. Puro ikaw. It's not that I'm jealous. In fact, sobrang natutuwa ako para sakanya.  At isa pa..." tumigil sya sa pananalita at kumapit sa braso nung Nathan atsaka ngumiti sakin. "The whole time, sayo lang ang focus ng mata nya. Nakakapagtampo kasi di niya pa ako nasasayaw until now pero naiintindihan ko. Buong magdamag, ikaw lang ang gusto nyang isayaw pero hindi niya magawa kaya tinititigan ka na lang nya. Kaso..." napatigil nanaman sya sa pananalita at nagpalinga linga sa paligid na parang may hinahanap. "...mukhang wala ata sya dito ngayon."

Napatingin din ako sa paligid. At oo, alam ko'ng imposibleng makita ko sya dahil sa dami ng taong nagsasayaw sa dance floor.

"Saan sa tingin mo sya pumunta?" tanong ko sakanya.

Nagkibit balikat sya saakin. "Maybe at the lobby?" unsure na sagot nya sa tanong ko.

Akmang aalis na sana ako nang tignan ko'ng muli si Marjorie na hindi pa din umaalis sa harap ko at nakahawak pa rin sa braso nung Nathan. "Should I thank you?" tanong ko sakanya.

Nagkibit balikat nanaman sya sakin. "It depends on the quality of the earth."

Gusto ko sanang matawa sa lame joke nya pero mas pinili ko nalang ang ngitian sya at nagmadali na akong tumakbo palabas ng hall, narinig ko din na may tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko iyon pinansin.

Sa ngayon, gusto ko lang makita si Kim for I don't know reason.

Teka, hindi ko nga ba alam?

Hindi ko alam kung bakit pero parang ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang nakikipag sabayan sa bilis ng paglalakad ko.

Nang makarating agad ako sa lobby ay agad ko siyang hinanap pero wala siya.

Wala akong naabutan na Kim.

"E-excuse me..." may dumaan sa loob ng lobby ng sa tingin ko ay isa sa mga butler. Medyo naubusan din ako ng hininga dahil napagod ako sa bilis ng paglalakad ko papunta dito.

"Yes hija?" tanong nya.

"May nakita po ba kayo ditong estudyante din na gaya ko? Singkit po sya..." i know, kaunting details palang ang nasasabi ko pero pakiramdam ko talaga nalunok ko ang dila ko at walang lumalabas kahit isang salita. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod or dahil sa bigat na nararamdaman ko sa puso ko.

Saglit syang nag isip habang ako ay pinagdidikit ang mga hintuturo ko at parang baliw na hinihiling na sana ay nakita nya.

"Pasensya na hija pero wala akong nakikitang estudyante na nagagawi dito." sagot nito sakin.

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang sabihin nya iyon. Umalis na kaya sya? Teka, bakit ba ang OA ko? Hindi pa naman end of the world diba? Makakausap ko naman sya bukas. Paniguradong bukas, aasarin nanaman nya ako at tatawagin sa nakakadiring endermeant na iyon. Pero bakit pakiramdam ko kailangan ko talaga syang makita at makausap ngayon?

Lalakad na sana ako paalis at pabalik sa hall nang may nakita akong isang pigura sa labas ng hotel na ito. Sa Veranda. Kahit nakatalikod sya at hindi na nya suot ang coat nya at kahit ang dami ng nagbago sakanya, kilalang kilala ko pa rin sya.

Lumabas ako sa Lobby at pinuntahan sya. "Kim?" tawag ko.

Napalingon agad sya sa kinalulugaran ko at base sa ekspresyon ng mukha nya ay nagugulat syang makita ako dito.

"Bry—ano'ng ginagawa mo dito?"

Nang marinig ko ang boses nya ay agad akong lumapit sakanya para suntukin ko sya. Oo, para saktan sya.

"Bwisit ka'ng nerd ka! Leche ka talaga! Ang sama sama mo." sabi ko sakanya habang patuloy syang sinusuntok sa parte ng dibdib at balikat nya.

"Bry—bakit umiiyak ka?" natigil lang ako sa pagsuntok sakanya nang bigla nyang hawakan ang magkabilang pisngi ko at itinapat ito sa mukha nya. Nakatitig lang sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin sa mga singkit nyang mata. Nakakaconcious yung itsura ko. Siguro ang pangit pangit ko na kasi umiiyak ako. Wait, umiiyak ako? Agad kong pinunasan yung luha sa mata pisngi ko at ngayon ko lang napansin na umiiyak pala ako. Gosh, bakit ba ang OA ka?

"Dapat hindi ka umiiyak. Sayang. Ang ganda ganda mo pa naman." halos matunaw na ang puso ko dahil sa sinabi niya.

Bakit ba pakiramdam ko ay miss na miss ko sya kahit lagi lang naman kaming magkasama? Ang lakas kasi niyang mang asar tapos biglang sobrang civil ang turing sakin. Hindi ko din maintindihan ang takbo ng isip ng isang 'to e.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Dapat nasa loob ka, hindi dito. Baka hinahanap ka na doon, lalo na ng date—" I cut him off by hugging him. Parang may kusang pag iisip na ang katawan ko at sila na ang nagdedecide sa kung ano ng gusto nilang gawin.

Naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso nya. Kahit imposible, naririnig ko ito.

"B-Brychelle?"

Hindi ako tumugon sa pagtawag nya, kundi ay mas lalo ko'ng hinigpitan ang pagyakap sakanya.

"Kim, ask me to dance with you..." bulong ko pero sapat na para marinig niya.

Kim, ask me, please.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDDär berättelser lever. Upptäck nu