33. Sorry

716 20 0
                                    

33. Sorry

"Kim, ask me to dance with you."

Hindi sya nagsalita sa sinabi ko kaya agad akong napataas ang tingin sakanya at lumayo ng kaunti.

Halata sa mukha ni Kim na nagulat sya sa sinabi ko sakanya. Medyo lumaki din ang maliliit nyang mga mata na parang naguguluhan kung bakit ko iyon sinabi sakanya. Kahit ako ay nabigla na sinabi ko'ng iyon pero wala, e. Nasabi ko na. Ayoko ng bawiin pa. At isa pa, kanina ko pa din talaga hinihintay 'tong oras na ito.

Ang isayaw nya ako ni Kim.

Tinignan nya pa ako ng ilang segundo at ganon din ako sakanya.

Siguro hinihintay nya na bawiin ko ang sinabi ko sakanya. Pero hindi ko iyon gagawin.

Hindi ko na din nabilang kung gaano na ba kami katagal nagtititigan na dalawa. Pero sa sobrang tagal naming nakatitig sa isa't isa ay napaiwas nalang ako ng tingin dahil medyo di na ako kumportable.

"Wala ka talagang balak na isayaw ako?" tinanong ko sya dahil mukhang hindi pa rin sya makapaniwala.

Pero hindi pa rin sya nagsasalita.

Sht. Ano ba kasing pumasok sa isip mo Brychelle at pumunta ka pa dito para lang isayaw ka ng Kim na ito? Ugh.

"Di bale na lang..." mahina kong sabi at tumalikod sakanya. Balak ko na sanang umalis sa lugar na ito dahil mukhang wala naman syang balak na isayaw ako.

Pero di pa ako nakakahakbang ng kahit isa ay naramdaman ko'ng may humawak sa braso ko kaya nilingon ko ito at nakita ko ang sobrang lawak na ngiti ni Kim.

"May I?" pagtatanong nya sakin. Ngumiti ako sakanya ng bahagya at tumingin sa kamay nyang nakalahad sa harapan ko.

Mula dito sa kinalulugaran namin ngayon ay rinig na rinig ang sigawan sa loob ng hall at ang pamilyar na tunog.

"I never gone with the wind
Just let it flow
Let it take me where it wants to go
Till you open the door
There's so much more
I've never seen it before"

Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko. Parang mas malakas pa ito kumpara sa tunog na naririnig ko.

Hindi ako makatingin kay Kim sa mga oras na sumasayaw kami. Sa baba lang ako nakatingin at sinasabayan ko lang ang tunog at ang pag galaw nya.

"I was trying to fly
But I couldn't find wings
Then you came along
And you change everything"

Medyo napa angat ang tingin ko kay Kim nang ilagay nya ang isa ko'ng kamay sa may part ng dibdib nya at nginitian ako. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa mga oras na ito pero napaiwas nanaman ako ng tingin.

"You lift my feet on the ground
You spin me around
You make me crazier crazier
Feels like I'm falling
And I'm lost in your eyes"

Idinikit ko ang ulo at teinga ko sa parteng dibdib talaga ni Kim.

Gumagalaw kami ng napaka bagal na tila ba pinapatigil namin ang oras. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kumportable ako sa ganong sitwasyon. Parang ang saya ko sa di ko malamang dahilan.


"Brychelle..." mahinang tawag nya sa pangalan ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa tinawag nya ako sa pangalan ko o maninibago dahil sa hindi naman ito ang nakasanayan kong tawag nya sakin.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon