34. Selos

777 23 1
                                    

34. Selos

Sabrina's P.O.V.

"Beb!" napalingon ako sa tabi ko ng marinig ko ang pagtawag sakin ni Pierce. Ngumiti ako sakanya ng makita ko sya. Inabot naman nya sakin ang binili niyang siomai kaya kinuha ko ito at tahimik na kinain.

Patuloy pa rin ako sa pag iisip kay Brychelle. Sa kung ano ang nakikita kong situation nya ngayon. Nag-aalala na ako sakanya.

This past few days, lalo syang naging tahimik. Alam ko naman kasing nananahimik lang sya kapag ganitong may pinoproblema sya. Hindi naman kasi talaga sya tahimik, e. Mas pinipili lang talaga nya ang wag magsalita since nabobored syang makipag usap. Madalas din syang wala sa mood at nagtataray na akala mo araw araw nakataas ang red flag nya, ganyan ang usual na siya. Pero hindi na ngayon. Madalas syang tahimik at parang walang gana sa lahat ng bagay. Mas pinipili din nya ang mapag isa. Hindi ko naman sya magawang kulitin dahil alam kong may pinoproblema sya.

After nya akong yakapin nung Prom habang umiiyak at patuloy na nagsosorry, umalis din agad sya. Kinabukasan naman nun ay tinanong ko sya kung bakit sya sakin nagsosorry at sinabi nya na kasi basa daw sya ng ulan that time tapos bigla nya akong niyakap kaya nabasa din daw ako kaya she's sorry daw talaga.

Tinanggap ko ang reason nyang iyon kahit hindi ako naniniwala. May mali kasi talaga e. At nakakalungkot lang na wala akong maitulong sakanya. Hindi ko sya magawang damayan dahil una sa lahat ay ayaw nyang magpapunta ng bisita sa bahay nila kapag di tungkol sa school ang paguusapan. Pangalawa, parang sya na din mismo ang umiiwas sakin. At pangatlo, ayaw nyang magsalita.

Napapansin ko din na hindi na pumapasok ngayon si Kim. I wonder why. Connected ba ito sa nangyayari kay Brychelle? Maybe yes pero i'm not surely sure.

Ugh. Gumugulo nanaman. Hindi ko maintindihan ang kung ano ng nangyayari kay Brychelle at kay Kim na din.

Ayoko namang itanong directly kay Brychelle, medyo uncomfortable lang sa pakiramdam na itanong ko iyon sakanya.

Uhh, ewan ko ba.

"Beb, ok ka lang?" napatingin akong muli kay Pierce nang marinig kong magsalita sya at tanungin ako.

Nginitian ko sya. "Actually i'm not." mahinang sagot ko sakanya na parang pabulong lang tsaka ako muling yumuko para tumingin sa pagkain na hawak ko.

Nandito kami ngayon sa Tennis Court kasama si Pierce. Recess ngayon at dahil back to normal na ulit ang lahat, punuan nanaman sa Canteen at mas pinili namin ang kumain nalang dito. Hindi naman kasi ito pupuntahan ng mga estudyante sa gantong oras.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong nya at inilapag muna yung siomai plate nya.

I sigh. "Si Brychelle kasi." sagot ko sa tanong nya.

Kinuha din ni Pierce ang siomai plate ko at inilapag sa tabi ng siomai plate nya.

"What's with her?" pagtatanong nyang muli sakin.

"Bakit---iniisip ko kasi kung bakit---kasi---argh! Bakit ba---ano ba kasing--ah, ewan." nagulo ko nalang ang buhok ko dahil sa sobrang pagkairita ko sa mga nangyayari ngayon kay Brychelle.

"Huh?" tanong nya mukhang naguguluhan sa sinabi ko kaya napatingin ako sakanya. Gusto ko na ngang matawa nang makita ko ang itsura nya, e. Nakakunot kasi ng sobra sobra ang noo nya na parang gulong gulo sa sinabi ko.

Wag syang mag-alala. Parehas lang kaming naguguluhan kaya di sya nag-iisa.

Lalo ko namang nagulo ang buhok ko dahil doon at naihilamos ko nalang ang palad ko sa buong mukha ko.

"Beb..." muli kong nilingon si Pierce nang tawagin nya ako. "Aminin mo nga, nagda-drugs ka ba?"

I was like this (-_-)

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now