19. Gabriel

922 27 3
                                    

19. Gabriel

Sabrina's Point of View

Grabe, hanggang ngayon hindi pa din ako makamove on sa naging transformation na nangyari kay Kim. Akalain mo ba naman na sa likod ng makakapal niyang salamin ay may tinatago pala siyang kagwapuhan?

Ang galing din talaga ni Bry, e. Hindi ko nga alam kung totoo ba'ng siya ang may gawa ng lahat ng iyon or nagmagic lang siya. Sobrang wow.

Pero may isang bagay ang nagiging dahilan ng mas pagkatuwa ko ngayon at iyon ay dahil si Brychelle Khim Alvarez lang naman na kilala sa tawag na Bitter Princess ay SQ na ngayon.

SELOS QUEEN!

Gusto ko'ng i-video si Bry right now kaso baka magulat na lang ako mayamaya na bigla na lang lumilipad ang phone ko. I can't risk my phone. :3

"Argh." tinignan ko si Bry na ngayon ay parang ewan na. Gusto ko talagang tumawa ng malakas at bigyan ng award si Kim dahil sa naging epekto niya kay Bry.

Paulit ulit lang si Bry sa ginagawa niya, titingin sa phone nya, may hahanapin saglit tapos ay magpapa padyak at guguluhin ang buhok nya.

"Ano ka ba Bry? Ano'ng nangyayari sayo?" I tried my very best not to laugh dahil alam na alam ko naman kung bakit nagkakaganyan yan si Bry.

"Pake mo?" tinignan niya ako ng masama at pinagpatuloy ang pagtingin sa phone niya.

Pero imbes na matakot ay lalo pa ako'ng natatawa dahil sa inaakto niya.
Tapos na ang practice nila Bry ng cotillion kaya naman naglalakad na kami ni Bry pauwi. Si Kim naman ay nagpaalam na lalabas lang daw sila ng childhood friend niya dahil magca-catch up daw sila sa mga nangyari sa buhay nila. So yun ng reason kung bakit nagkakaganito si Bry.

"Ano ba kasing problema mo dyan?" I asked again, kunwaring inosente at walang alam.

"Di ba obvious? Edi yong nerd na yon!" pasigaw na sagot nya sakin.

Oo nga naman Sab. Di ba obvious na nagseselos sya?

"Easyhan mo lang Bry. Yong puso mo oh." pangaasar ko sakanya at tinuro ko pa yong part kung saan naka locate yong puso nya.

"Tsk." and again, tumingin sa phone, may hinanap saglit, gulo sa buhok at magpapapadyak.

Kamusta naman ang selos queen natin ngayon?

"Bakit ba?" nagpipigil ng tawa na pagtatanong ko.

"Wala ka na dun. Mind your own business nga." iritang irita na sabi niya.

Hindi ko na siya kinulit dahil baka kung ano pa ang gawin niya saakin. Pinabayaan ko nalang siya na magmukhang baliw sa ginagawa niya.

"Sab, tara ka nga!" hinigit nalang ako bigla sa kamay ni Bry nang wala man lang pasabi.

"Huh? Saan?" wala talaga akong idea sa mga pinagsasasabi niya. Nagdidiwang ako at nagsasaya e dahil malakas ang kutob ko na may feelings na siya for Kim kaya wag niya akong mahila hila. Lol

"Nagutom ako bigla." simpleng sagot niya at nauna ng maglakad.

Nakaramdam din naman ako ng pagkagutom kaya hindi na ako tumanggi sa alok niya.

Nang makahanap kami ng place para kumain ay nagsimula nanaman si Bry sa ginagawa niya simula pa kanina. Nababaliw pala si Bry pag nagseselos.

"C'mon, Bry, tell me. Ano ba talagang problema mo?" tanong ko sakaniya nang nakangiti.

"Si Kim." alam ko naman. "Nagaalala lang naman ako para dun sa babae, baka mamaya kung ano na ang ginagawa ni Kim dun. Baka mamaya na-kidnap o na-hostage na yun."

Gusto ko'ng tumawa ng malakas pero pinigilan ko. She's too obvious, nagrereason pa siya.

"Bry don't mind them, kain na lang tayo. It's their life afterall. Kahit ano pa man ang gawin nila, labas na tayo sa eksena." saad ko sakaniya at nginitian ko pa siya. At isang irap ang natanggap ko mula sakaniya.

"Sab?"

Uh-oh. Wait mukhang kilala ko 'to. Iniangat ko ang ulo ko at di nga ako nagkamali.

"Hon?" dagdag pa niya.

"I'm not your hon, i think?" painosenteng tanong ko sakaniya. I'm still affected of course but i need to be strong. Hindi pwede na palagi na lang akong iiyak.

Nako kung nandito lang talaga si Pierce, malamang ko wala na ako dito.

Wait.

Bakit si Pierce ang naisip ko?

"Hon..." nakita ko na may gumuhit na sakit sa mga mata niya kaya agad ko itong iniwasan na tignan. "I miss you."

Pakiramdam ko ay biglang lumambot ang puso ko at muli kong naramdaman ang mga sakit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Sorry pero hindi ka niya miss kaya pwede ba..." napalingon ako kay Bry nang bigla niyang sabihin iyan kay Paolo. "Tantanan mo na si Sab. You're not good for her health."

Medyo natawa ako sa sinabi ni Bry. Ang mema lang.

Hindi na din naman nakapagsalita si Paolo dahil hindi siya masyadong umiimik kay Bry kaya wala siyang ibang nagawa kundi ang umalis na lang.

"Nandito ka lang pala."

Napatingin ako sa biglang nagsalita sa harap ko at nakita ko si Pierce na nakatayo sa harap ko. Bigla kong narinig ang abnormal na pagtibok ng puso ko. Parang nagmamadali, hindi ko maintindihan.

"Kanina pa kita hinahanap, let's date."

Brychelle's Point Of View

Oh, who's that guy ba talaga? Bakit umeepal siya sa eksena at ngayon ay hinila pa si Sab paalis? Like hello? Pwede naman magpaalam sakin, hindi yung para akong pader na dinaanan lang dito.

Napairap nalang tuloy ako habang pinagpapatuloy ang pagkain ng mga binili ko habang naglalakad lakad.

"Ah, ate excuse!" nanglaki ang mata ko nang makita ko ang isang lalaki na sakay sakay ng isang skateboard na papunta ang direksyon saakin. Dahil sa sobrang bigla ko ay hindi agad ako nakaalis sa pwesto ko.

Buti na lang at hindi niya ako nabangga at siya yung nag adjust since hindi nga ako nakaalis sa pwesto ko.

Sinundan ko siya ng tingin at napakunot noo ako nang tumigil siya sa tapat ng isang lalaki at parang may sinabi, maya maya pa ay binitbit na niya ang dala niyang skateboard at naglakad papunta sa pwesto ko.

Wait, sa pwesto ko nga ba or assuming lang ako?

"Ate, I'm really sorry. Muntik na kitang mabangga. May hinahabol kasi ako, e."

I arched a brow. "Magkapatid ba tayo?" tanong ko sakaniya.

Medyo napakunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko pero pinilit pa rin niya na ngumiti. "What?"

"Hindi mo ako ate so don't call me ate, pwede?"

Napatango tango naman siya dahil sa sinabi ko at ngumiti. "Sorry, hindi ko kasi alam ang pangalan mo e." sabi niya habang nakahawak sa batok niya. "By the way, I'm Gabriel. And you are?" inilahad niya yung kamay niya para siguro makipag shakehands pero tinignan ko lang iyon.

I'm really not a fan of shakehands.

Umiwas ako ng tingin sa kamay niya at nagsalita. "Brychelle." simpleng sagot ko.

"Sorry ulit, Brychelle." hindi ako sumagot sa sinabi niya. "Brychelle, okay ka lang?"

Kunot noo ko siyang nilingon dahil sa tanong niya. "Oo naman." obvious na sagot ko sakanya.

"Natapon na kasi yung sauce sa damit mo."

Huh?

Agad ako'ng napatingin sa damit ko at nakita ko ang napakaraming sauce na natapon na nga sa damit ko-oh shit, ano'ng nangyari?

"Here." napalingon nalang ako kay Gabriel nang maramdaman kong ipatong niya sa balikat ko ang jacket na kanina lamang ay suot niya. "Balik mo na lang sakin pag nagkita ulit tayo." saad niya at nag-skateboard na ulit palayo saakin.

Napatingin ulit ako sa damit ko na nalagyan ng sauce at napairap. Hindi ko napansin, ugh.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon