23. Bench and Bath

800 20 1
                                    

23. Bench and Bath

Brychelle's Point Of View

Okay. Simula na ngayong araw na ito ang tinatawag na High school week o mas kilala sa tawag na foundation week. Isang event for the whole week kung saan ina-allow ng mga teachers na mag enjoy ang mga high school students. At kitang kita sa mga estudyante na sobrang nageenjoy sila. Except me.

Paano ba naman kasi ako mageenjoy kung naka-assign ako ngayon sa tinatawag na greetings booth? Bakit ba kasi naging SC representative ako, e? Isa tuloy ako sa naka-assign sa isa sa mga booths.

Actually may iba't ibang klase ng booths. May horror booth, marriage booth, blind date, partner booth, jungle booth, photo booth, karaoke booth, cinemoto booth at kung anu-ano pa. Hindi ko na nga masyadong naintindihan yung ibang booths dahil sa sobrang dami, e.

Well, okay na din sakin na dito ako sa greetings booth na-assign kesa naman sa marriage booth, blind date at partner booth. Pwe. Baka ipasara ko agad yung mga booth na yun for the whole week kung nagkataon na isa sa mga iyon ako napa-assign.

"So, as for now. Iaannounce ko ang huhulihin." nginitian ko sila.

Ia-announce ko ngayon ang mga huhulihin at ikukulong sa jungle booth. For example, sinabi kong hulihin lahat ang mga naglalandian, edi huhulihin ng mga hunters ang lahat ng mga naglalandian na makikita nila at ikukulong sa tinatawag na jungle booth. 100 each ang tubos. If nagtitipid ang mga friends mo, edi sorry, magi-stay ka sa loob ng jungle booth for the whole day. Ang worst don, di mo maeenjoy ang araw na ito.

Tumingin ako sa paligid, halos lahat ay nakatigil at nakatingin sa una kong sasabihin.

Ngumiti ako sa mga hunters. Ready na sila.

Hindi naman halatang hunters sila dahil simple shirt lang ang suot nila. Sila yung mga napili na representative ng bawat section. Hindi alam ng ibang estudyante na pwedeng yung katabi nila ay isa sa mga hunters. Pfft

"Ang may mga hawak na... BENCH AND BATH!" after kong sabihin iyon ay agad na nagsitakbuhan lahat ng may mga estudyante na may hawak na bench and bath.

Agad akong natawa nang makita kung paano magkagulo ang mga estudyante sa baba.

"Omayghash. Nandyan na sila!"

"Takbooooo!"

"Run for our lives!"

Natatawa talaga ako sa mga reactions nila. Parang mga ewan.

"Bitter princess, ito na yung mga greetings." agad na inabot sakin ng partner ko dito sa greetings booth ang isang box kung saan nakalagay ang mga greetings.

Ang lahat ng mga magpapa-greetings ay kailangan magbayad ng 50 pesos sa booth namin at bibigyan namin sila ng papel para doon isulat ang greetings nila at iaannounce namin iyon sa buong school.

Kumuha ako ng isang papel para basahin kung ano man ang mga greetings na nakalagay doon.

"Dear Piolo, alam ko'ng magkaibigan lang tayo. Pero di o talaga kayang wag ka'ng mahalin. #Friendzoned #masakit #wagngumasamasasaktanlang #mahalkitamanhidkaba? #sanapwedengmorethanfriends #akonalangpls #brokenhearted #anghabananito" hoo. Muntik na akong maubusan ng hininga dahil sa binasa ko. Ang dami naman kasing hashtag, e.

"Dear Mark, wag mo na ako i-seenzoned. Masakit. #GandaKoKaya" halos lumuwa ang mata ko sa sobrang laki nang mabasa ko yung hashtag nya. Teka, joke ba sya?

"Dear Marjorie, mahal kita. Wag ka'ng lumayo." napataas ang kilay ko AUTOMATICALLY nang mabasa ko ang name na iyon.

Psh.

"Dear Patty, thank you lagi." magpapasalamat lang pala, gusto pa nilang i-broadcast.

"Dear Kim Adrian Ignacio, pogi mo po. I love you na talaga." at sino naman ang antribidang isang ito? Psh.

"Dear Bitter Princess, ang ganda mo sobra. Please marry me! Dahil sakin, mapapalitan ng sweet and pagka bitter mo. #Bittersweet" ito din e. Isang malaking joke. Kamusta naman yun?

"Hey Brychelle, please talk to me." napataas ang isang kilay ko dahil sa nabasa ko. Seriously? Ito lang ang nakasulat? Ni hindi nakalagay kung kanino galing? Paano ako makikipag usap? Ang labooo.

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng mga greetings nila. Karamihan ay about sa love confessions nila kaya napapairap ako from time to time.

Actually pwede din na ikaw mismo ang mag-greet sa gusto mo'ng i-greet. Depende sayo.

"Bitter Princess, magenjoy ka muna. Ako muna dito." sabi ng isa sa mga co-officer ko dito.

Finally, makakapag pahinga din.

Nang lumabas ako sa greetings booth ay isang tao agad ang nakita ko.

"Kain?" nakangiting tanong niya at itinaas ang paper bag ng McDo na hawak niya.

Napairap ako. Ang weird. Naaasar ako sa nararamdaman ko. Teka, ano ba'ng nararamdaman ko?

Sabrina's Point Of View

Lutang ako'ng pumasok sa school. First day of high school week tapos sobrang bangag ako. Kamusta naman kaya ako? Lol.

Sino ba kasi ang nag udyok sakin na mag puyat? Edi si Pierce.

Ang kulit talaga ng isang iyon. Not in a way na makulit talaga—I mean expression ko lang yung word na makulit, hindi literal...sometimes?

"Sab." tumingin ako sa harap ko at nakita ko si Pierce na seryosong nakatingin sakin.

Pakiramdam ko tuloy ay biglang tumalon ang puso ko dahil sa tingin niya. Bakit ba ganito ang epekto niya sakin?

"Uy." iyon lang ang nasabi ko sakaniya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Nabigla naman ako nang may humawak sa braso ko. "Huli ka."

Kunot noo ako'ng napatingin sa kung sino man ang humawak sa braso ko. "Huh?"

Pero hindi niya sinagot ang tanong ko dahil nagtataka siyang tumingin kay Pierce. "Uy pre, bakit hindi mo hinuhuli to? May bench and bath, oh." sabi niya.

Lalo akong naguluhan. Ano naman? Bawal na bang magdala ng bench and bath?

Lumapit sakin si Pierce at siya naman ang humawak sakin pero sa kamay. At nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa katawan ko nang hawakan niya ako.

"I'll take her." seryosong saad niya at hinila na ako palayo.

Sa totoo lang ay wala pa din akong idea sa mga nangyayari.

"Pierce ba't ako huhulihin dahil sa bench and bath?" nagtataka ko'ng tanong. Tinignan lang ako ni Pierce at ngumiti.

"Don't mind him. Nababaliw na siguro." simpleng sagot niya dahilan para mapakibit balikat ako.

Bigla namang kinuha ni Pierce saakin yung bench and bath na hawak ko at nilagay sa bag ko. Hindi na lang ako nagtanong.

--------------x

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now