39. Why?

777 17 0
                                    

39. Why?

Brychelle's P.O.V.

Masyado akong naging busy this past few days dahil nga sa gaganaping event. Kasama kasi ako sa na-assign sa pagdedecorate ng buong gymnasium.

Yung iba kasi ay na-assign sa pagpapa-audition which is sobrang nakaka stress.

Actually, sa audition talaga ako naka assign pero nakiusap na lang ako na sa pagdedecorate nalang ako dahil wala akong alam sa pago-audition na yan at pumayag naman sila.

Yung vice president namin, si Ynah, hindi muna sya pumapasok ngayon. Sya kasi ang nagaasikaso sa boyfriend nya. Pupunta nga kami mamaya ni Sabrina doon para makiramay.

Break time namin ngayon at sa totoo lang ay sobrang pagod na pagod n ako. Feeling ko nga kaunti na lang at madedehydrate na ako. Sa monday na kasi gaganapin ang event at sobrang naghahapit kami ngayon, thursday na kasi at para sa weekends. Pahinga nanamin kaya bukas, dapat okay na ang lahat.

Napadaan ako sa music room. Dito ginanap ang audition at since nakapili na sila kung sino ang mga magpeperform, siguro wala ng tao dito.

Lumapit ako sa pintuan at humawak sa door knob para buksan ito.

At gaya ng inaasahan ko, wala na ngang tao. Tapos na nga ang audition.

Lumapit ako sa stage at umakyat doon. Pinagmamasdan ko lang ang buong music room. Napatigil ako sa isang bahagi sa loob ng music room kung saan naroon ang kumpletong drum set nito at bigla ko na lang nag flash sa utak ko yung time na tumugtog siya dito.

Nung unang beses na tinugtugan nya ako dito din mismo.

"Bitter princess?" napalingon ako sa tunawag sakin.

Si Hope at si Luke pala. Sila ang nakaassign para sa pagpapa-audition ng mga student na magpeperform sa science fair.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ni Luke sakin.

Nagkibit balikat ako sa tanong nya bilang sagot. "Bakit nandito pa kayo? Tapos na pagpapa audition nyo diba?"

"Yap. Pero ito kasing si Luke, tatanga tanga. Lagi na lang nagpapakatanga. Ganyan naman lahat ng tao e. Nagpapakatanga na dahil sa pag ibig. Pero dahil di naman ako ang nagpapakatanga, shut up nalang me." banat niya at zinip pa yung bibig nya.

Huh?

"Ano?" naguguluhang tanong ko sakanya.

"Hahaha joke lang. Ito kasing si Luke, iniwanan yung lista ng mga nakapasok sa audition. Abnormal talaga." sabi ni Hope at umirap pa. May ibinulong pa sya na narinig ko naman. "Lahat nalang iniiwan. Tao, hayop o bagay man ito, iniiwan nalang basta. Tapos babalikan? Parang tanga." bulong nya sa sarili na parang baliw.

And i was like this (-_-)

Kung may Bitter Princess sa school na ito, may Hugot Princess din at sya iyon, si Princess Hope Ya.

Minsan nagtataka din ako kung bakit pinapalibutan ng mga bitter na estudyante tong school na ito.

"Tumigil ka nga dyan." sabi naman ni Luke kay Hope. Humarap sakin si Luke at kumindat. "Sige Bitter Princess, mauna na kami." pamamaalam nya. Pero bago pa man sila makalabas ay may kung ano'ng idea ang pumasok sa isip ko.

"Pwede pa bang humabol?" tanong ko.

Parehas silang tumingin sakin ng nagtataka. "Ha?" takang tanong nila.

Pero maya maya ay bigla ding nagcross arms si Hope at tumingin sakin habang iiling iling pa. "Ganyan naman kayo, e. Sasaktan nyo tas ngayon maghahabol habol kayo?"

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon