12. Awh. </3

1.3K 37 0
                                    

12. Awh. </3

(Hindi naman halatang wala na akong maisip na title sa chapter ano? Haha.)

Haaaay. 3 weeks nalang at Grand Prom na. Medyo matagal pa naman pero since 3 weeks na nga lang edi ayan, nagsisimula na naman akong mabored ng super bongga. Paano ba naman kasi, halos wala ng ginagawa sa school dahil sa super busy na sa pagpeprepare ng mga tao para sa nalalapit na High school week.

At since wala kaming klase at wala namang ginagawa, naisipan ko na lang na tumambay dito sa open field para manuod ng cheering. Mayroon din kasing cheering competition ang bawat department na magaganap sa High school week kaya busy din sila sa pagpapractice.

Habang ang ilan ay busy sa mga kaniya-kaniya nilang ginagawa, ako naman ay nagpapaka busy sa panunuod dito. Mas okay dito dahil hindi ako magugulo ni Nerd, mabuti na lang talaga at simula kaninang umaga ay hindi ko pa iyon nakikita which means is hindi pa nasisira ang araw ko.

Pero madami talagang paraan ang Nerd na iyon para asarin ako.

I almost jumped when my phone vibrated. Agad ko'ng tinignan ang caller at napakunot ang noo ko nang makita na unregistered number ang tumatawag.

"Hello-"

"Mahal!"

My ears, ugh.

"What the heck Nerd? Problema mo?" galit na tugon ko dito. Teka, paano niya nalaman ang number ko? May pagka creepy din talaga 'tong Nerd na ito.

"Hindi kasi kita makita, e."

"So? The hell i care?" naparoll eyes nnaaman ako kahit hindi niya ito kita.

"Tinatanong mo problema ko diba?" feeling ko ang haba na ng nguso niya sa mga oras na ito at iniimagine ko palang ay naaasar na ako. Ang lakas talaga ng asar.

"Whatever, Nerd."

Binaba ko na ang call at in-off ko muna ang cellphone ko dahil baka mamaya ay kulitin lang ako ng kulitin ng Nerd na iyon.

Binalik ko na ang tingin ko sa open field at napatayo ako sa gulat nang biglang mawalan ng malay yung isang babae sakanila. Agad na pinalibutan siya ng mga tao sa paligid niya pero ako? Sa isang tao lang napunta ang atensyon ko.

Kay Kirby.

Nakita ko ang pagmamadali ni Kirby na lumapit sa nagkukumpulan na member ng cheering squad na iyon at maya maya pa ay nakita ko ng buhat niya ang babae na kanina lamang ay nawalan ng malay.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakin. Para akong nagmistulang isang tuod mula sa kintatayuan ko. Pinakiramdaman ko ang puso ko at nasasaktan ako.

Wow. After 5 months, kaya pa rin pala ako'ng saktan ni Kirby.

Tuloy tuloy sa pagpatak ang mga luha ko na parang ayaw magpaawat. 5 months na ang nakakalipas pero kaya ko pa rin pala'ng umiyak. Mayroon pa din pala ako'ng maiiyak.

Itinakip ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko at doon ko pinagpatuloy ang pag iyak. Walang pakealam sa paligid.

Siguro nagtataka sila kung bakit ako naiyak. Yung mga may experience, maiintindihan nila ako pero yung mga wala pang experience baka malito na lang dahil sa inaakto ko. Nagtataka na bakit ang isang bitter princess ay umiiyak, siguro iniisip ng iba na hanggang nagyon ay di ko pa rin magawang kalimutan si Kirby which is totoo naman.

5 months? Dafaq? Hindi pa ba sapat ang 5 months para mag move on ako sakaniya? Bakit hanggang ngayon, masakit pa?

At isang malaking katangahan na oo, hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako. Ang hirap naman kasing bumitaw nang hindi niya ako binigyan ng karapatan na malaman ang totoong dahilan kung bakit bigla na lang siyang bumitaw.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now