01. Meet The Bitter Princess

5.2K 117 17
                                    

01. Meet The Bitter Princess

"Bry, break na tayo. Sorry....." matapos niyang sabihin ang mga katagang iyan ay umalis na siya. At ako? Eto naiwang nakanganga at nakalaglag ang panga dahil sa sinabi niya.

Wait, ano daw? Gahd, parang biglang bumagal ang pagpaprocess ng utak ko. Paki-replay naman sa utak ko oh. Medyo di ko talaga na-gets ng slight. Wala akong naintindihan sa sinabi niya! Ano'ng lenggwahe ba ang ginamit niya?

Hanggang sa finally, mukhang gumana na ang utak ko at nagsi-sink-in na ang kung ano mang sinabi niya.

"Bry, break na tayo. Sorry....."

"Bry, break na tayo. Sorry....."

"Bry, break na tayo. Sorry....."

"....break na tayo. Sorry....."

"....break na tayo. Sorry....."

"...break na tayo....."

"...Sorry....."

What the?

*Insert censored word here* AFTER ALL THIS YEAR, YAN LANG PALA ANG MAPAPALA KO SAYO? BREAK?

Bago pa siya tuluyang makaalis ay agad ko siyang hinabol. At oo, naabutan ko naman siya dahil di pa naman ganoon kalayo ang nararating niya. Di naman ganoon katagal nagsink-in sa utak ko yung sinabi niya. Slight lang.

Pero hindi ko siya hinabol to please him na balikan ako at wag niyang gawin sakin yon. Hindi ako aso para maghabol sakanya. Asa.

"Hey Kirby, stop!" sabi ko sakanya at hinatak ko pa siya sa braso dahilan ng pagharap niya sakin. Medyo nabigla naman ung expression niya. Hindi siguro niya inaasahan na magagawa ko pa siyang hatakin matapos niya akong ibreak ng basta-basta. At syempre mas nagulat siya sa kasunod kong ginawa.

Well, i just punched him. Binigyan ko lang naman siya ng isang memorable punch. Yung tipong hinding-hindi niya makakalimutan. Siya yung nakipag break pero i'll make sure na siya 'tong hindi makakamove on sa suntok ko.

"What the fck? What was that for huh?" he asked while holding his side lips. Seems like it's bleeding but who cares anyway? Dapat lang iyon sakanya.

"Para sa pang-gagago mo! Nakalimutan mo?" i answered him then rolled my eyes. Matapos ang nakakasukang scene na iyon. Iniwan ko na lang siya doong nakasalampak sa sahig. At ako? Umalis na. Mahirap na. Baka mapatay ko pa siya.

"Mabuti nga sakanya." bulong ko habang nakahawak sa kamao kong pinangsuntok sakanya. Ugh. Kahit papaano naman masakit pa din yung pagkakasuntok ko no? Hindi naman kasi punch-proof itong kamao ko.

Huh. Maybe he's thinking na iiyak ako sa harap niya at magmamakaawa sakanya. Like duh? We're not in the movies if he's thinking about it. It won't happen. Never.

Pwe. Sobrang saya ko nga eh. Atleast, malaya na ako at makakahanap na ako ng lalaking matino-tino kesa sakanya.

We fvcking stayed in a relationship for almost 3 years tapos ano? Para saan? Para lang sa break up na to?

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi ko nalang pinansin yung nararamdaman ko. Hanggang sa unti-unti ng nalabo ang mga mata ko. I don't know why pero ramdam ko'ng nagtutubig ang mga ito. And the next thing i know is umiiyak na pala ako.

Wow. Great job, Kirby. Kaya mo din pala akong paiyakin.

Ugh, tao pa din naman ako. At ayoko man aminin pero duh, minahal ko parin yung isang yon. Masakit pero ano'ng magagawa ko? The game's already done, it's over.

*****

My name's Brychelle Khim Alvarez or also known as the Most Bitter Princess in our Campus. An 18 year-old girl na puro bitterness ang nasa katawan.

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon