18. Defensive much

1K 26 1
                                    

18. Defensive much

Sabrina's Point Of View

Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinabi ni Pierce.

"Ano?" gusto ko'ng ulitin niya. Gusto ko'ng mas maintindihan ko dahil baka mamaya ay nagkamali lang ako ng pagkakaintindi.

Umiling siya sakin at ngumiti. "Gusto kita."

Napakurap ako. Isa, dalawa, tatlo, hindi ko na alam kung ilang kurap ba ang nagawa ko. Nanatili lang akong nakatingin sakaniya at patuloy na iniintindi ang sinabi niya.

Gusto niya ako?

"Gets mo na ba?" hindi agad ako nakasagot dahil sa tanong niya. Pinakiramdaman ko ng puso ko kung ano ang nararamdaman ko pero parang biglang tumigil mag function ang utak ko.

"Sab..." nabalik lang ako sa tamang pag iisip ng tawagin niya ako sa pangalan ko. "I'll court you."

Tinignan ko siya sa mata at kita ko ang pagiging seryoso niya sa sinabi niya.

Biglang nag flashback sa isip ko ang sinabi ni Bry nung nag usap kami.

"That's the point, isang beses pa lang pero ang sakit na. I don't want another pain, Sab."

Is he another pain or nah?

Brychelle's Point Of View

Nandito kami ni Kim dito sa Gym. Dahil sa kami ang kamalas malasang napili na representative ng section namin para sa cotillion na gaganapin sa Grand Prom.

Ang saya.

Medyo naiinip na ako dahil sa sobrang tagal ng choreographer namin para sa cotillion. Hindi pa ako masyadong fan ng mga ganito kaya naman lalo akong naaasar.

Habang si Kim ay busy habang  kumakain ng mga chocolate na binigay sakaniya ng kung sino-sino. Nakakatuwa na ang daming pumapansin kay Kim at sobrang proud ako sa ginawa ko pero nakakairita din dahil ang lalandi nila.

Well, thanks to those chocolates dahil kahit papaano ay hindi ako ang ginugulo ni Kim. Mabuti na lang dahil naiirita na din ako, madalas.

Nakasandal lang ako sa pader habang nagmamasid sa paligid. Pansin ko lang na halos lahat ay parang ang saya saya at excited para sa Grand Prom. Habang ako ay asar na asar kung bakit may ganito pa'ng kalokohan ang nalalaman. Ngayon ko lang narealize. Parang ang KJ ko naman ata sobra.

Napa roll eyes nalang ako at napatingin sa katabi ko na nilalantakan pa din yung mga pagkain nya.

"Sabik na sabik?" bigla ko nalang naitanong.

Agad naman syang napatingin sakin na may halong pagtataka. "Huh?"

Nagroll eyes lang ako at iniwas ang tingin. "Whatever." sagot ko.

Lumayo ako kay Kim dahil baka mamaya ay mahawa ako sa katawan niya. Hindi pa naman ako fan ng chocolates. Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may narinig na akong ingay kaya agad akong napalingon kay Kim.

At nakita ko na nalaglag na sa sahig ang mga chocolates na kanina lang ay kinakain niya at nasa unahan niya ang isang babae na paulit ulit humihingi ng sorry.

Lumapit ako sakanila.

"Okay lang." ako na yung sumagot para kay Kim. Umiinom pa kasi sya ng tubig e.

"Aish sorry talaga. Nagmamadali kasi ako e!" halata nga.

"Ba't ka ba nagmamadali?" okay. Ang rude ko masyado.

"Akala ko kasi—teka kasali din ba kayo sa cotillion?" tanong nya.

I nod.

"At di pa nagsisimula ang practice?"

Bitter Forever [Walang Forever] (Bitter Series #1) COMPLETEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum