Siguro ginagawa niya ito para sa utang na hindi mabayaran ng pamilya ko. Alam ko naman yun. Maybe he didn't find me satisfying enough at feeling niya hindi ako sapat na pambayad that's why he's doing this.


"Let's go." Nabigla ako nung nagsalita siya at hindi ko napansing hawak-hawak na naman niya ako sa waist ko. I've dated men, pero... Napailing ako agad binura agad yung kung anuman ang nasa isip ko. That won't happen.


"What? May naiwan ka ba CR?" Tanong niya. This time, he sounds... gentle. Tiningala ko siya at pinagmasdan. Wala yung magkasalubong niyang kilay at nakakatakot na tingin.


"W-wala.." Mahinang sagot ko. Sana palagi ka na lang ganyan. Tahimik at mukhang gentleman. Para mamayapa naman din buhay ko. Pero siguro naisip niyang nakakapagod din palang maging beast everyday.


Pero syempre, pagpapanggap lang 'to. As if namang totohanin niya no? Eh hindi nga makangiti 'tong mokong na 'to sa harap ko.


Sabay kaming naglakad pabalik sa dining hall at sinalubong agad kami ng mommy ni Liam. "Oh, I thought I would never see you two again, darling." Nakangiting bati ni tita sa amin.


"Hi Mom..." Sabi ni Liam sabay halik sa pisngi ni tita.


"Ikaw bata ka, dapat hindi mo iniiwanang mag-isa yung asawa mo. Natatakot siguro siyang mag-isa kanina. I didn't raise you to be that kind of man, Liam." Sabi niya sa anak niya. Right. Like he would really be nice to me and---


Nanigas ako ng konti nung hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan niya ako sa pisngi. Then he kissed my fingers. In front of his mom. In front of all these people. God.


"I'm sorry, Mom. Sometimes my lovely wife over here is getting emotional." Nilingon ako ni Liam na may malaking ngiti sa labi niya. Shit why is he like this? Oh right we're pretending to be happy. I should smile. "Please understand, Napapadalas na kasi yung mood swings nitong si Ace. Right, honey?" Napanganga na lang ako nung nasundan pa ng halik sa noo ko.


Nagkatinginan kami ni Liam, and he just gave me the look saying sumakay ka na lang or else you are dead. So I played my part and smiled. Kahit labag sa loob ko. Kahit hindi komportable ang pakiramdam ko.


"Oh, so that's why.." Mukha namang naniwala ang mommy ni Liam. Thank goodness. "Naku naaalala ko na naman ang kabataan namin ng Dad mo... ganyan din kami noon. Pero bilin ko lang sa inyong dalawa ha? Wag nyo muna akong gawan ng apo. I'm too young to be a granny." Sabi ng Mommy ni Liam at parehas silang natawa.


"For now, wala pa 'yan sa mga plano namin ni Aeicy. Right now we want to enjoy each other's company." Ramdam kong umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko noong sinabi niya iyon at hinigpitan niya pa ang hawak sa bewang ko. Napasubsob tuloy ako sa dibdib niya nang wala sa oras. At inaamin kong hindi ako prepared doon.


Pakiramdam ko nabuhusan ako ng kumukulong tubig. Oo, kumukulo talaga. 


Of course he's just scheming, Aeicy! Nagkukunwari lang siya no! Duh!?


_______


Hindi na namin tinapos yung event dahil nagyaya na agad si Liam umuwi. Maski rin naman ako gusto ko nang umuwi dahil hindi naman ako nag-enjoy. Puro kaba, takot, at pamumula lang ang nangyari sa akin ngayon.


"Next time, pag may time ako bibisita raw tayo sa bahay sabi ni Mommy. Please, don't make any mistakes again." Ta nan! He was back to being a bitch of my life again.


"Okay..." Tipid na sagot ko. "Ah, kanina pala ano..."


"What?" Tanong niya, at para bang nagmamadali siya. Nagulat ako sa pag-start niya ng engine at tuluyan nang nawala sa isip ko yung sasabihin ko. Nag-umpisa nang umandar yung kotse at hindi ko pa rin nasasabi ang gusto kong sabihin.


"Ah, ano... may sasabihin ako... kasi..."


"Damn it, Aeicy. Just say it. Don't take a long trip."


"S-sorry...." Ewan ko ba, pero I just feel the need to say sorry. Pakiramdam ko hindi sapat at tama yung way ng pag-sorry ko kanina. Feeling ko parehas kaming awkward nung time na yun kaya nag-sorry ulit ako.


Then there was an awkward silence.


"And thank you na rin k-kasi..." I was good in public speaking, and damn, hindi naman ako timid person. Sadyang may mga tao lang talagang ang hirap kausapin. Taong katulad ni Liam.


He just waited for me to say what I wanted to say. Hanggang sa walang lumabas sa bibig ko.


"Whatever. Sa susunod wag ka na lang ulit iiyak ng walang dahilan. It will make me look like I'm the one who's at fault." Well, it was really your fault. Jerk. Nagulat ako nung huminto siya sa pag-drive ng kotse at tinignan ako.


"P-pero may gusto ako---"


Then he did the unfavorable. He kissed me on the lips. And God, it wasn't as bad as he is. This was not the first time I''ve been kissed by this man pero...


"Don't drool over it, Ace. I just did that to shut you up."


Tahimik ako at tulaler hanggang sa nakarating na kami ng bahay. Hindi ko alam kung paano na ako aakto ng maayos matapos nung ginawa niya. At hindi ko alam kung bakit biglang ganito ang naramdaman ko. Siguro pagod lang ako.


I've had a long hard day. Kanina pa huminto yung sasakyan pero wala pang gumagalaw sa amin. At dahil gusto ko nang magpahinga, ako na ang unang nagbukas ng pinto ng sasakyan para lumabas. But Liam really wanted to make things hard for me when he grabbed my arm.


For the first time in my life, I don't know I am scared, threatened, or angry at this man. A bit sad because I will be spending my life with him like this. Naramdaman kong dumiin yung hawak niya sa braso ko.

 

Is he going to hurt me? Is this the life I will be leading on starting now?


"Bakit?"


"Gusto mong mag-aral diba?"


Or maybe not.

---

FL01

I'm In Hell With HimWhere stories live. Discover now