LOA S3 Part 68: Buod

Zacznij od początku
                                    

Ayon kay Gun sa hinaharap ay nawasak ang Earth at ang buong kalawakan dahil sa kanilang mga sagradong sandata. Ngayon wala na ang mga ito ay mas magiging madali ang ating laban sa hinaharap." paliwanag ni Gun.

"Nakita namin ang kataas taasan diyos at sinabi niya na "hindi na niya kailangan ang kanyang mga anak". Ang tinutukoy niya sa salitang "anak" ay ang mga Diyos. Sinadya niyang ipahamak ang mga ito at batid kong siya rin ang gumulo sa ating system para maishuffle nag groupings at mapunta kami ni Irano kay Enki." ang wika ko.

"Pero bakit naman ieexecute ng kataas taasang Diyos ang kanyang mga anak?" tanong ni Jorel.

"Dahil hindi na niya ito kailangan. Ang ibig sabihin ay naka buo na siya ng kawal o panibagong kalaban na mas malakas kaysa sa mga diyos na iyon. O maaari ring natatakot siya na mag alyansa ang mga Diyos at mag tulong tulong ang mga ito para mapabagsak ang kataas taasang Diyos Ama. Lalo't alam niya na si Baal, Rashida at Cura ay ginagamit ang lakas laban sa kanya." ang wika ko.

"Kung gaanon ay magiging mas mahirap ang lahat mula ngayon." ang tugon ni Jorel.

"Kaya kailangan nating mag handa. Kung tayo ay sama sama ay walang sinuman ang makaka gapi sa league of angels." ang wika ni Gun.

"Sa ngayon ay iisang tabi na natin ang topic na ito. Nag handa kami ng isang magarbong salo salo para sa lahat. Pero bago iyon mayroon ba kayong nais sabihin dito sa harap?" tanong ni Sam.

Hindi kami kumibo..

Maya maya ay nag taas ng kamay si Tibur. Lumakad siya sa harap at dito ay tumayo. "Ehem, hindi naging madali ang buhay para sa ating lahat. Alam ko na nag sisimula palang ang tunay na pag subok sa atin. Malalakas tayo, ang bawat miyembro ng ligang ito ay unique, talented at mahuhusay. Ngunit hanggang kailan natin ito kakayanin? Hanggang kailangan tayo susuong sa panganib? Dapat ba ay mag handa na tayo ngayon? Mag ensayo kaya? O hikayatin natin ang buong mundo na lumaban sa gera upang maipag tanggol ang ating bayan. Kaya nga napag isip isip ko na sa ganitong pag kakataon ay kailangan natin ng isang lider. At ang lider ng League of Angels ay walang iba kundi si Irano. Deserve na deserve na ito dahil sa daming ng saksak at stab wounds na tinamo niya. 124 na saksak mula ulo hanggang paa. Tapos may mga pasa pa siya, sabog ulo, sabog tiyan, pero heto pa rin siya, matatag na lumalaban sa hamon ng buhay. Narito ang patunay ng pinsalang tinamo niya." ang umiiyak na wika ni Tibur sabay pakita ng xray ng isang bungo na may malaking butas sa gawing utak na halatang kinuha lang sa internet.

Tumayo si Cookie. "Objection Tanggo by Shakira! Eh kung ganyan ang butas ulo ni Irano ay baka patay na iyan ngayon. Labas utak niyan oh. Tigilan mo nga kaming bakla ka! Si Narding ang dapat maging lider dahil 130 stab wounds ang tinamo niya at pinaka malaki ang nasa tiyan. Nabutas ang large at small intestine niya alam mo ba yon?!"

"Pwes naputol ang kamay ni Irano para lang mag karoong ng tubig! At iyon ang bayani!" sigaw ni Tibur

"Kamay lang ang naputol kay Irano, pero si Narding? Buong braso ang naputol, malapit sa kanyang kili kili. Mas mataas iyon ay mas mabigat ang kilo alam mo ba yun? Noong tinimbang ang mga naputol sa kanila ay mas mataas ang kanya Narding!" sigaw ni Cookie.

"Paano ni Irano jajakulin si Papa Cyan kung wala na siyang kamay? Paano niya mapapaligaya ang hari ng Araknia?" tanong ni Tibur.

"Excuse me! Nawalan ng braso si Narding pero hindi iyon magiging hadlang para mapaligaya niya si Papa Bart, alam mo kung bakit? Dahil may bibig pa siyaaaaa!! Si Narding ang leader!!!" ang galit na wika ni Cookie sabay sabunot kay Tibur.

Napakamot ng ulo si Gun, lumapit ito sa amin at sinabing "kain na tayo doon, hayaan mo yang dalawa na iyan." wika niya kaya naman tumayo kami at nag punta sa kainan.

Ang Tadhana ni Narding 3: LEAGUE OF ANGELSOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz