Chapter 60

1.1K 52 17
                                    

A/N: Here's the last chapter of this story, guys! Gusto ko lang kayong pasalamatan lalo na sa mga nanatili. Thank you very much.

Enjoy reading!

***

CHAPTER SIXTY

MY EYES were swollen from the nonstop crying I did last night up to this morning. It's already eight o'clock and I'm still lying down in my bed — in Eliseo's bed, I mean.

Speaking of him, hindi siya ulit dito natulog kagabi. After the talk we had, bigla na lang siyang nag-walkout. Dahil mukhang gusto niyang mapag-isa, hindi ko na siya pinigilan pa. But I still waited for him to come back. Akala ko kasi babalik din siya agad at muli pa kaming makakapag-usap nang maayos. Pero hindi na nangyari 'yon. I also tried to contact him but it seems that he turned off his phone on purpose. Wala ring ideya sina Robi at Axcel kung nasaan ang lalaking 'yon. Even Tita Elena. She also doesn't know his whereabouts.

Kaya nga nag-aalala na talaga ako, e.

Napapikit na lang ako sobrang pagkabahala sa sitwasyon ko ngayon. Nakakapagod 'tong mga pangyayari nitong nakaraan. Ramdam na ramdam ko ang pagka-drain — physically, emotionally, and mentally.

"I shouldn't let him assume things," pagkausap ko sa sarili. "Pero siguro tama na rin 'yon. Kahit naman sinabi kong hindi ko pinili si Victor, wala pa rin namang magbabago. Masasaktan at masasaktan ko pa rin siya kasi hindi ko rin naman siya pinili."

I was about to close my eyes when I heard the sound of our doorbell. Awtomatiko akong napatingin sa aking wristwatch. 8:37 a.m. pa lang, ah. Sino namang bibisita ng gan'to kaaga?

Tamad na tamad akong tumayo at hindi na nag-abala pang mag-ayos. When I reached the doorknob, dahan-dahan ko lang itong pinihit. "Sino—" Hindi ko na natapos ang aking pagsasalita pagkakita kay Victor na awkward na nakangiti sa akin.

"Hi, good morning."

"Ano na namang ginagawa mo rito?" takang tanong ko. "Aware ka ba kung anong oras pa lang?"

Mabilis naman siyang tumango sa tanong ko. "Kaya nga nag-good morning ako, e. Teka, what happened to your eyes? Bakit namamaga 'yan?"

Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi. I just rolled my eyes. "What do you need?" tamad kong tanong.

"Nag-breakfast ka na?"

I just stared at him, trying to figure out what he's up to.

"Don't worry, hindi naman kita ipagluluto," he quickly said. "Ano, um, yayayain lang sana kitang kumain ng almusal kung ayos lang."

"Bakit?" Nang hindi siya agad nakasagot, muli na lang akong nagsalita. "Look, Victor. Don't act like we're totally okay now 'cause we're not. Hindi pa tayo gano'n kaayos—"

"Can't I ask you to eat with me even though we're not that okay yet?" Halos isang minuto rin kaming kinain ng katahimikan dahil sa hindi ko pagsagot agad. And when I was about to say something saka naman siya nagsalita ulit. "Fine," he said, heaving a sigh. "May gusto lang kasi akong ibigay sayo at naisip ko na baka hindi ka pa nag-a-almusal kaya niyayaya kita. I'm sorry if I cross the line."

Bigla naman akong nakonsensya lalo na nang makita ang hitsura niya. Kaya nagbuntonghininga na lang ako sabay sabing, "Okay, mag-aayos lang ako. Wait for me there." Then I shut the door.

Halos mabatukan ko na naman ang sarili dahil sa padalos-dalos na desisyon.

Bakit ba pagdating sa kanya ang bilis ko bumigay?

***

"Hindi ko matatanggap 'yan," I said in a firmed voice.

"Pero sayo nakapangalan 'yong building."

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon