Chapter 13

1.2K 66 18
                                    

CHAPTER THIRTEEN

TWO WEEKS had passed and everything went smoothly.

I finally met Victor's friends — sina Jameson, Pablo, at Sheland. No'ng isang linggo ko lang sila personal na na-meet nang ipakilala na rin ako, sa wakas, ni Victor as his partner. At nakahinga ako ng maluwag nang wala namang naging problema. They're all cool. Sinasama na nga nila ako kapag may lakad sila. Nagkataon lang na busy ako sa paghahanda for upcoming finals examination kaya hindi ako nakakasama.

"Kaunti na lang talaga at irereklamo ko na 'yang si Mrs. Marasigan," ani Maris. "Hindi na nga nagtuturo, nagawa pang magpa-report. Ano na lang trabahong gagawin niya? Uupo at magroroleta ng grado namin?"

"Bakit ang init na naman ng ulo niyan?" bulong ko kay Paolo.

"Napag-initan kasi ni Mrs. Marasigan kanina. Siya unang pinagre-report tapos sa Monday na agad," natatawang tugon naman nito.

"Hindi tuloy ako makakasama sa celebration natin mamaya kasi kailangan kong gumawa ng report sa Eco," naiiyak pa na sambit ni Maris.

"Uy! Hindi pwedeng hindi tayo kumpleto mamaya," pagsingit ko naman. "Walang sense ang celebration kung hindi tayo lima ang magse-celebrate."

Lumabas na kasi no'ng isang araw ang result ng mga score namin sa midterms exam at salamat sa Diyos dahil pasado kaming lima sa lahat ng subjects. Kaya naisipan naming mag-celebrate mamaya sa apartment ko dahil banned pa nga rin kami sa TPH. Friday pa naman ngayon at walang pasok bukas kaya kahit doon na sila matulog ay ayos lang.

"I agree with Chie," Karen said. "Saka pwede mo namang gawin 'yan bukas o sa Linggo. Ikaw pa, e, you're the Queen of Procrastination."

"Tigil-tigilan mo ang pangdedemonyo sa akin, Karen. Changed person na ko, 'no," Maris replied.

"Ikaw naman kasi, boss, nangingibabaw ang boses mo kanina sa klase kaya mapapansin at mapapansin ka talaga ni Mrs. Marasigan," ani Paolo.

"Oh, bakit parang kasanalan ko naman na ngayon?" sagot niya na siyang ikinatawa namin. Paano, ginaya niya pa kasi ang paghawak ni Bobby (ng Four Sisters and the Wedding) sa dibdib habang sinasabi ang katagang, "Bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko."

"Ang OA na, Maris," komento ko na siyang ikinairap niya.

"Palibhasa kasi mga wala kayong report na gagawin kaya ganyan kayo umasta," sabi niya pa.

"Huwag ka nang umarte diyan at tutulungan na kita sa report mo. Nagpaparinig ka pa, e," pagsasalita ni Julius kaya sabay-sabay kaming napalingon sa gawi niya.

"Hala, 'wag na, uy! Nakakahiya—"

"Boss, wala sa bokabularyo mo ang salitang hiya," pagputol ni Paolo sa sinasabi niya na siyang ikinatawa na naming lahat.

Halos mapalingon na naman tuloy sa gawi namin ang ibang tao rito sa cafeteria kaya hininaan na namin ang aming mga boses bago pa kami sitahin.

"So, okay na lahat, ah? Tuloy na tuloy na tayo mamaya," pagpapaalala ko sa kanila. "And isasama ko na rin pala si Victor dahil sabay naman kaming mag-a-out sa store at doon rin siya mag-i-stay for weekends."

"Ayon, may pagbitbit ng jowa," ani Maris.

"Grabe naman, Pareng Chie. Wala dapat bitbitan ng jowa. Respeto naman sa aming mga single, oh," dugtong ni Paolo.

"I second the motion," natatawang pahabol pa ni Karen.

Sinamaan ko silang tatlo ng tingin. "Para namang ibang tao si Victor sa inyo. Saka, hello, sa place ko po kaya tayo ngayon. My place, my rule."

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon