Chapter 21

1.1K 66 10
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

"JUST CALM down, Chie," bulong sa akin ni Karen.

"Do the breathing exercise," dagdag pa ni Paolo.

"Hindi pa rin talaga ma-contact?" Maris worriedly asked. I shook my head as a responsed. Hindi na rin kasi ako makapagsalita nang maayos.

Kanina pa ako naiiyak pero pinipigilan ko lang. Hindi ito ang tamang oras para maging emosyonal agad. I need to talk to him first.

"Baka naman pina-prank ka lang niyan," sambit ni Maris.

Sana nga pina-prank lang ako nitong si Victor.

"And if that's the case, he's a total asshole," Paolo uttered in a gritted teeth. "Hindi maganda ang prank na 'yon."

"Manong, pakibilisan naman po, please," muli kong sabi sa driver ng grab na sinakyan namin.

Dahil hindi ko ma-contact si Victor, I decided to go to his house. Medyo nag-alala ang mga kaibigan ko kaya sinamahan na rin nila ako. Anong oras na rin kasi. It's freaking 11:40 in the evening!

After I read his text message, I immediately called him. Pero nakapatay naman na ang cellphone niya. Wala naman akong magawa kaya tinadtad ko na lang siya ng text message.

What the fuck are you doing, Victor?

What's with that message?! Is that kind of joke or what?

Kasi hindi nakakatuwa!

Bakit hindi kita ma-contact?! Why did you turn-off your phone?

John Victor Cordova, answer me!

"Try to call him again," Karen whispered. Agad ko naman itong sinunod.

The person you have called is not available right now. Please try again later.

"He's still not available," nahihirapan kong sabi.

Bigla na namang sumagi sa isip ko ang text niya na 'yon. Let's break up.

Hindi ko alam na sa tatlong salita na 'yon, magkakaganito ako. I wasn't prepared! Parang nananaginip lang ako. At sana nga gano'n na lang talaga. Sana nga nananaginip lang ako sa mga oras na 'to. Kasi hindi ko talaga alam ang gagawin kung totoo pala ang lahat ng 'to.

"Chie, stop crying. Hindi pa naman confirm 'yong text, e," nag-aalalang sabi ni Maris.

Sa sinabi niyang 'yon, saka ko lang na-realize na tuluyan na nga akong umiyak; at hindi ko na ito mapigilan pa.

"I will punch the face of that asshole if he's going to break Chie's heart without reasonable explanation," ani Paolo na halata ang pagkagalit sa tono ng pananalita niya. "Hindi ko rin siya mapapatawad kapag nagkataon."

"Alam mo, ikaw, kumalma ka rin. Mas galit na galit ka pa diyan kaysa kay Chie, e," suway naman ni Maris sa kanya. "Hindi ka nakakatulong sa sitwasyon."

"And I didn't expect that you were the one who's calm in this kind of situation," tugon nito. "Nakipag-break over the phone 'yong boyfriend ni Chie sa kanya. Sinong kakalma roon, Maris?!"

Magsasalita pa lang sana si Maris nang unahan na siya ni Karen. "Pwede bang 'wag muna kayong magtalo ngayon? I know that we're all affected right now, but we also need to calm down. Mas lalo lang natin napapalala ang sitwasyon."

"Ma'am, Sir, nandito na po tayo sa kanto," pagsingit nung grab driver sa usapan.

Pagtingin ko sa labas, nasa kanto na nga kami. I instantaneously went outside. Dali-dali na rin akong tumakbo papunta sa bahay nila Victor. Tinawag pa 'ko nila Maris at sinabihang magdahan-dahan pero hindi ko na sila pinansin pa.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon