Chapter 19 (Part I)

1.4K 64 5
                                    

CHAPTER NINETEEN

Part One

HE IS fucking serious about the trip.

I thought he was just joking around! Pero nang mag-book siya agad ng flight papuntang Tagbilaran City, Bohol halos hindi talaga ako makapaniwala.

Cramming tuloy ang ginawa ko sa pag-iimpake dahil baka weekends pa raw kami bumalik sa Manila. At hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan doon. Kasi naman, sa Monday na kaya ang finals examination namin! Tapos . . . Oh god!

"Bakit bigla ka naman atang naging spontaneous, love?" tanong ko sa kalagitnaan ng biyahe namin. Hindi ko na rin kasi mapigilan ang sarili at ang daming tanong na gumulo sa isipan ko dahil sa biglaang pagyayaya na 'to ni Victor.

"Love, we only live once. At kung kaya naman nating gawin ngayon, bakit hindi natin gawin, 'di ba?" he answered, smiling at my direction.

I creased my forehead. "Ikaw ba talaga ang boyfriend ko?"

"What?" natatawa niyang sambit na halatang naguluhan sa tanong ko.

"Para kasing ibang tao ang kausap ko ngayon, e," I said then shrugged.

Ginulo niya lang ang aking buhok sa sinabi kong 'yon. "Don't think about it too much. Basta ang main goal natin pagdating sa Bohol ay magsaya at mag-enjoy, okay?"

"Copy, love!" I excitedly said. "I can't really wait to see the chocolate hills in my naked eyes," dugtong ko pa na siyang ikinatawa niya lang.

"Then take a nap for now. Halos isang oras pa naman ang biyahe natin, e. Gigising na lang kita kapag nandoon na tayo."

Pagkasabi niya non, agad naman akong nakaramdam ng antok kaya sinunod ko na lang siya at umidlip muna ako. Okay na rin 'to para naman ma-recharge ang energy ko kahit papaano.

Hindi na talaga ako makapaghintay!

***

"You want to go to church first bago tayo magpunta sa resort?" pag-uulit niya at mabilis naman akong napatango.

"Daan muna tayo sa La Purisima Concepcion de la Virgen Maria Parish Church," sagot ko habang binabasa ang pangalan ng simbahan sa cellphone. Twenty minutes away lang kasi ito from our location right now.

Dahil isa talaga sa bucket list ko ang mapuntahan ang iba't ibang simbahan dito sa bansa, I want to grab the opportunity. Tutal nandito na rin naman kami sa Bohol, then might as well visit every churches here. O kahit isa o dalawa lang.

"Ang haba naman ng pangalan ng church na 'yan," he commented. "Wala bang maiksing version, love?"

Natawa naman ako sa sinabi niyang 'yon sabay sabing, "Meron naman, love."

"Oh, meron naman pala, bakit pinahirapan mo pa 'yang sarili mo?"

"Ang astig kasi ng buong pangalan ng simbahan! Saka ang sosyal kaya sa pandinig."

Natatawang umiling na lang siya sa gawi ko. "Baliw ka talaga."

"Baliw na baliw sayo," banat ko. At bago pa siya makahirit, dumiretso na ko sa may sakayan papuntang La Purisima—I mean, Baclayon Church.

Dahil wala namang traffic, saglit lang talaga ang naging biyahe namin. Walang mass ngayong araw kaya nagdasal na lang kami. At katulad ng dati, nagpasalamat ako sa mga blessings na natatanggap ko. Pinagdasal ko rin ang mga kaibigan ko at syempre, itong lalaki sa tabi ko.

"Ang tagal mong nagdasal, ah. Marami ka bang hiniling kay Lord?" nakangiting tanong ni Victor sa akin paglabas namin ng Baclayon Church.

"Hindi naman ako humiling," nakangiti ring sagot ko. "Nagpasalamat lang ako sa Kanya. Lalo na't nandito ka pa rin sa tabi ko at kasama sa gan'tong bagay. Sobrang thankful ko roon."

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon