Chapter 54

897 46 5
                                    

CHAPTER FIFTY-FOUR

TODAY IS a special day.

Bukod sa ngayong araw ang 22nd birthday ko, kaya mas naging espesyal pa ang araw na 'to dahil balak ko ng sagutin si Eliseo. Naisip ko kasi na sapat na rin ang halos dalawang buwan niyang panliligaw sa akin. Marami na siyang napatunayan at alam ko sa aking sarili kung gaano niya talaga ako kamahal.

Ayoko na ring patagalin pa ang lahat. Isa pa, next month na ang graduation. Gusto ko namang maka-graduate ng may love life kahit papaano.

"Bakit kasi pinayagan mo pang um-attend 'yon ng kasal?" asar na tanong ni Maris. Siya ang kasama ko ngayon dito sa condo dahil nag-insist siyang tulungan ako sa paghahanda para sa birthday celebration ko — kahit na simpleng handaan lang naman ang balak ko dahil kami-kami lang naman magkakaibigan ang magkakasama.

And when she mentioned about that wedding, naalala ko na naman ang mga pang-aasar ng Amanda na 'yon. Hindi ko kasi alam kung sinadya ba niya talaga na sa mismong araw ng birthday ko gaganapin ang wedding day niya o coincidence lang talaga ang lahat. Kasi kung oo, nagtagumpay siya sa pang-aasar sa akin.

Like what she said before, pinaabot niya nga ang wedding invitation no'ng March. Tapos paulit-ulit niya pang pinaalala na makaka-attend lang ako kapag kami na ni Eliseo. As if naman gustong-gusto kong um-attend ng kasal niya. Buti na nga lang din, hindi 'yong lalaking nasa isip ko ang mapapangasawa niya, e. Kasi kung nagkataon, hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong isipin at maramdaman.

Pero 'yon, kahit anong pilit ni Eliseo sa akin na samahan siya sa kasal, pinili ko na lang na hindi. I don't want to ruin my special day for that girl. Saka nangako naman si Eliseo na hindi siya magtatagal doon dahil nga espesyal na araw ko rin ngayon kaya ayos na ko.

"Hey, Chie! Tatawag na raw si Karen via Skype, ikaw muna ang sumagot at busy pa ako rito!" Maris shouted from the kitchen.

"Okay!" I shouted back.

Kinuha ko muna ang laptop sa kwarto at dinala sa sala kung saan ako nakapwesto kanina. Habang hinihintay ang tawag ni Karen, hindi ko na naman mapigilan alalahanin ang nangyaring gulo sa aming tatlo, two months ago.

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang umalis si Karen sa bansa, at magalit si Maris sa akin at hindi ako pansinin. Hindi siya ang tipo ng tao na nagtatanim ng sama ng loob sa matagal na panahon kaya nababahala na ako. Ito rin ang unang beses na nagalit siya sa akin nang malala.

"Huwag mo na munang isipin 'yon, Chie," Eliseo uttered. "Just give her time to think. Nabigla rin 'yon sa pangyayari."

"Paano kung hindi niya na ako mapatawad? Paano kung i-give up niya na lang ang pagkakaibigan namin? Hindi ko alam, Ely, ang gagawin kapag nangyari 'yon," I worriedly said.

"Sshhh, don't worry, she'll never do that. Sa maiksing panahon na nakilala ko si Maris, I know that she really loves you. Tini-tressure niya ang friendship niyo kaya hindi niya hahayaang masira na lang 'yon basta-basta."

"Sana nga. Sana nga, Ely."

I'm lucky to have a girl like Maris in my life. Isa siya sa mga naging dahilan kaya naka-survive ako sa college at sa buhay na mayroon ako. At hindi ko talaga alam ang mangyayari sa akin kung pati siya, mawawala. Naranasan ko nang maiwan ng taong mahal ko at ayaw kong muling maranasan ang bagay na 'yon.

"Alam mo, you should take a rest first. Ilang araw ka na ring walang maayos na tulog. I'm starting to worry—"

"Ely, I'm fine."

"Chie . . ."

"Thank you." Agad na kumunot ang kanyang noo pagkatapos marinig ang sinabi ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapailing habang natatawa. His confused face was one of the best look I want to keep in my memory forever.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon