Thank You Note!

1.2K 41 33
                                    

Henlo!

Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa lahat nang matiyagang naghintay ng updates sa kuwentong ito. Pati na yung mga walang sawang bumoboto at nag-iiwan ng komento sa bawat chapter. Gusto ko ring pasalamatan ang lahat nang sumuporta nito mula umpisa. The best kayong lahat!

Gusto rin kitang pasalamatan, ikaw na nagbabasá ngayon nito, sa pagsubaybay sa kuwento ni Chie---oo, kuwento niya at hindi nila. Humihingi na rin ako ng pasensya kung hindi ko man naabot o napantayan ang expectations mo. Ngunit nagpapasalamat pa rin ako at binigyan mo ito ng pagkakataon

Sa mga nag-iiwan ng hindi magandang komento rito, sana nakatulong 'yan para mabawasan ang frustration ninyo. Pero gusto ko lang linawin na hindi ko intensyon na ma-frustrate kayo lalo na sa ending. Una pa lang, ayan na kasi talaga ang kahihinatnan ng lahat. At kung hindi ninyo naman nagustuhan ang kuwentong ito, puwede naman kayo um-exit nang hindi nag-iiwan nang masasakit na salita lalo na sa mga characters ko at sa akin mismo.

Ayon, salamat ulit sa pagbabasá!

Sana mabigyan ninyo pang muli ng chance ang iba kong mga akda!

XO,
Endee

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon