Chapter 24

1K 66 5
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

I LITERALLY searched for him everywhere just to find where he really is.

Hindi ko pa rin kasi talaga pinaniniwalaan na nagpunta si Victor sa ibang bansa. I have this feeling that he's still here in the Philippines; that he's just near. I can still feel his presence. Pero matapos puntahan ang mga lugar na posibleng kinaroroonan niya, unti-unti na kong nakukumbinsi na baka . . . baka nga wala na talaga siya rito at tuluyan na siyang lumayo sa akin.

"Thank you, Sheland. Kapag may balita na kayo, just text me, okay? Sige, sige. Thank you ulit," I said then ended the call.

Humingi na rin kasi ako ng tulong sa mga kaibigan ni Victor; na kapag na-contact na nila siya, 'wag akong kalimutang sabihan. Pero mukhang malabo rin ang bagay na 'yon dahil hanggang ngayon hindi pa rin nila 'to ma-contact. It looked like Victor was really hiding himself. Not only to me, but to everyone also; na kahit sa trabaho, wala ring maka-contact sa kanya.

Speaking of work, I remembered again when my co-worker mentioned about Amanda at ang pagre-resign din nito. Ayaw kong isipin na may kinalaman siya sa mga nangyayari pero gano'n kasi ang lumalabas sa sitwasyon ngayon. Lalo na't sa mga ikinilos nito no'ng mga nakaraang araw bago mangyari ang lahat.

But I coudn't still in touch with her. Dahil nasa policy namin ang pagbabawal ng pagbibigay ng personal information, nahirapan akong alamin kung saan ba nakatira ang babaeng 'yon. Kahit ang iba naming katrabaho, wala ring kaalam-alam. Even her contact number, no one knows what is it.

Kaya mas lalo lang talaga akong nafu-frustrate.

"Kapag nalaman-laman ko lang talaga na may kinalaman ka, Amanda, sa mga nangyayari sa akin — sa amin ni Victor ngayon, baka tuluyan ko nang kalimutan na babae ka at mapatulan na kita nang wala sa oras," bulong ko bago nagbuntonghininga.

Paupo na sana ako nang may marinig naman akong sunod-sunod na katok mula sa pinto.

"Baka sila na naman," bulong ko bago tumayo. Ilang araw ko na rin kasi talaga silang tinataguan.

"Chie, si ate Mel mo 'to. Buksan mo ang pinto."

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni ate Mel. Akala ko sila Maris na naman—

Napatigil ako sa pag-iisip dahil pagbukas ko ng pinto, hindi lang si ate Mel ang bumungad sa akin.

"Hanggang kailan mo kami pagtataguan, Chie?" malumanay na tanong ni Karen. "Why are you avoiding us?"

"Chie, you need us right now. Kaya sana naman 'wag mo kong iwasan at hayaan mong tulungan ka namin sa problema mo," sabi pa ni Maris.

Magsasalita pa lang sana ako nang sumingit naman si ate Mel sa usapan. "Maiwan ko muna kayo," aniya bago ako tinanguan at nagkalakad palayo.

After a minute long of silence, I heaved a sigh. Napayuko rin ako sabay sabing, "I'm sorry."

"Masyado mo kaming pinag-alala!" sambit ni Maris sabay yakap sa akin nang mahigpit.

"Pwede bang sa loob na tayo magyakapan?" pagsingit ni Paolo sabay pasok sa loob at hindi na hinintay ang sagot ko.

Nakita ko namang sabay na napailing sila Karen at Julius bago sumunod sa loob habang huli naman kaming pumasok ni Maris.

"Wow, Chie! Hindi mo naman kami sinabihan na tambakan na pala ng basura 'tong sala mo," ani Paolo ng nakangiwi.

Pagtingin ko sa tinutukoy niya, napangiwi rin ako. Hindi ko pa pala nalilinis ang mga kalat sa sala. Magmula sa mga bote ng alak hanggang sa mga balat ng chichirya at kung anu-ano pang kalat nitong mga nakaraang gabi sa tuwing nag-iinom ako. Hindi na kasi ako nag-aabala pang maglinis lalo na't magkakalat din naman ako.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon