Chapter 26

1K 64 7
                                    

CHAPTER TWENTY-SIX

IT'S BEEN a long time since I felt this kind of awkwardness.

"Sorry sa abala," I whispered after the long uncomfortable silence that enveloped between us.

"I didn't expect that you will call me," he replied instead.

Muli ko na namang naalala ang nakakahiyang ginawa ko. Saka ko lang kasi na-realize na nakakahiya 'yon nang puntahan niya na talaga ako. Not to mentioned that it was already twelve midnight.

Dahil masyado siyang focused sa pagmamaneho, ako na ang lumingon sa gawi niya. Medyo nangalay na rin kasi ang katawan ko dahil kanina pa talaga ako nakadiretso ng upo sa sobrang awkwardness na aking nararamdaman.

"Pasensya na talaga sa abala," I apologetically said once again. "Hindi ko rin talaga alam kung bakit ikaw pa ang inabala ko sa gano'ng oras at sitwasyon."

"Maybe because you're thinking of me," he uttered then looked at my direction. Walang sabi-sabi tuloy na nagtama ang mga mata namin. "Kidding," he added, gently laughing. Muli niyang binalik ang tingin sa daanan kaya nakahinga agad ako nang maluwag sabay tingin sa labas.

Ayan, bumalik na naman tuloy ang awkwardness!

"Wala sa hitsura mo ang madalas makipag-away, ha. I'm kinda amused," he commented.

Dahil sa komento niyang 'yon, muli ko na namang naramdaman ang mga natamo kong sugat sa mukha. Napahawak na lang ako sa aking seatbelt dahil sa pagkirot nito.

"I'm not the one who's started it," I said.

"I know," he quickly replied. Nakuha nito ang atensyon ko kaya napalingon ako at tinanong kung paano niya nalaman. He just shrugged then answered, "I just know."

Hindi na ko sumagot pa at muling binaling na lang ang atensyon sa labas. Nang mapansin kong sa direksyon na papunta sa apartment ang binabaybay namin, agad akong nagsabi ng, "Pakihinto na lang 'yong sasakyan at bababa na ko."

Agad niya naman itong hininto sabay kunot-noong tumingin sa gawi ko. "Malayo pa apartment mo rito, ah."

"Ah, ano kasi, I have to go somewhere else," I reasoned out. "Kaya ayos na ko rito. Salamat ulit. I owe you one."

Pababa na sana ako nang dali-dali niyang hawakan ang kaliwang braso ko. "Seriously, Chie? Where are you going at this hour? It's already one thirty in the morning."

Gusto ko sanang sabihin na it's none of his business nang maalala kong malaki pala ang naitulong niya sa akin ngayon. Kaya ang nasabi ko na lang ay, "I have something to do, Ely."

Mukhang naintindihan niya naman ako dahil agad niya ring tinanggal ang pagkakahawak sa kaliwang braso ko. "Okay. Ingat ka," aniya.

"Ikaw rin, ingat sa pagmamaneho," sabi ko at tuluyan nang lumabas sa sasakyan niya.

Hindi ko na hinintay pang umalis ang sasakyan niya at naglakad na ko agad palayo. Masyadong maraming nangyari sa araw na 'to. Mga pangyayaring hindi ko rin inaasahan.

Nang silipin ko ang aking wristwatch, 1:45 AM na. Pagtingin ko rin sa date ngayon, halos manlumo ako. February 23 na pala. Masyadong . . . mabilis ang paglipas ng bawat araw.

"Miss na miss na kita, love," bulong ko sabay tingin sa kalangitan. "Kailan ka ba babalik? Kailan mo ba ako babalikan?"

When I saw a waiting shed, I decided to sat down there for the meantime. "Mayamaya na lang siguro ako maghahanap ng hotel na matutulugan. Parang mas gusto ko munang magmuni-muni kahit saglit," bulong ko pag-upo.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon