Chapter 5

1.7K 88 41
                                    

CHAPTER FIVE

"IF YOU'RE going to sleep in my class, better not to attend next time, Mr. Enrile."

Pagkatapos 'yon sabihin sa akin ng prof ko sa Marketing 3 (Advertising), parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.

"Sorry po talaga at hindi na mauulit," huli kong sabi bago lumabas sa faculty room.

Pagsara ko ng pinto, agad akong nilapitan nila Paolo at Maris.

"Oh, ano nangyari?" nag-aalalang tanong ni Maris. "Bakit ka pinatawag ni Sir Aquino?"

"Nahuli niya kasi akong natutulog sa klase niya," nahihiya kong sabi. "Pero hindi ko naman kasi sinasadya."

"Anong oras ka na ba nakauwi kagabi? Saka bakit ganyan hitsura mo? Hindi ka ba natulog?" sunod-sunod na tanong naman ni Paolo.

Dahil ayaw ko nang magpaliwanag pa, kinuwento ko na lang sa kanilang dalawa ang lahat ng nangyari kagabi (except sa part na sumulpot 'yong bwisit na Eliseo na 'yon sa eksena).

Pagkatapos kong magkwento, muli na namang bumalik lahat ng inis na nararamdaman ko.

Bandang 12:30 AM na rin kasi ako nakauwi tapos hindi na ako nakatulog dahil sa pag-iisip ng kung anu-ano. At isa na diyan ang hindi pagpaparamdam ng napakagaling kong boyfriend. Oo, hindi man lang niya ko tinawagan o kahit pinadalhan man lang ng text.

"Do you think he's cheating?" tanong ni Maris.

Sasagot pa lang sana ako nang sumingi naman si Paolo. "Cheating agad? Hindi ba pwedeng overthinker lang 'tong kaibigan natin?"

"At mas kakampihan mo pa si Victor kaysa kay Chie?" taas-kilay na tanong ni Maris sa kanya.

"Hindi ko siya kinakampihan. Wala akong kinakampihan, okay?" depensa niya. "Ang akin lang, dapat mag-usap muna sila para magkaliwanagan."

And before they started to fight again, sumingit na ako. "I don't think he's cheating on me. I mean, kilala ko si Victor. Hindi niya magagawa sa akin 'yon. Maybe Paolo's right. Nag-o-overthink nga lang siguro ako."

Dahil sabay-sabay ang lunch break naming tatlo, dumiretso na kami sa cafeteria. May isang klase pa kasi si Karen tapos bigla namang naging busy si Julius.

"Saka Pareng Chie, wala ka naman sigurong dapat ikaselos kay Pareng Victor," muling pagsasalita ni Paolo. "Like what you said, you knew him well. Saka kita naman namin kung gaano ka kamahal non, e. 'Di ba, boss?"

Inirapan lang siya ni Maris at hindi pinansin. "Ang hirap aminin pero may point si Paolo," bulong niya sa akin.

Napailing na lang ako habang natatawa.

"Basta mamaya, kausapin mo na," dugtong pa ni Maris. "Ikaw din. Baka kumilos agad 'yong Amanda na 'yon knowing na hindi kayo okay ngayon ni Victor."

Nang marinig ko na naman ang pangalang 'yon, hindi ko maiwasang hindi mag-init ang ulo. Aba, subukan niya lang talagang agawin sa akin si Victor. Kahit babae siya, hindi ako magdadalawang-isip na kalbuhin siya.

***

"I heard what happened, ayos ka lang ba?" bungad na tanong sa akin ni Karen nang maabutan niya kong nag-aabang ng jeep dito sa may waiting shed malapit sa school.

Maaga kasi kaming d-in-ismiss ng prof namin sa Math 5 (Quantitative Techniques in Business) kaya nagdesisyon akong dumiretso na sa pag-uwi para makapagpahinga pa ako bago pumasok sa trabaho.

"Tapos na last class mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi pumasok prof namin," sagot niya. "Ano nga, ayos ka lang ba? Nakwento sa akin ni Maris 'yong nangyari sa inyo ng boyfriend mo."

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon